HELLO FROM THE OTHER SIDE! ^^
HAHA^^.
***
JB's POV
Grabe, medyo sumakit ang ulo ko. Hangover kagabi.Nagising ako at chineck ko oras. 8:45 am na pala. Tulog pa si Zeke. And I'm sure silang lahat tulog pa rin. Napadami kasi ng inom sina Xavier, Dave, Seth at Kane kagabi e. Humataw din sila sa dancefloor at nakipag-chitchat sa mga chicks. Haha. Mapupusok talaga.
Bumangon na ako at pumunta ng shower para maligo. Pagkatapos nun nagpalit ako ng pang-beach na suot. Iniwan ko si Zeke na tulog pa rin. Eew. Tulo laway niya. Hekhek.
Lumabas ako ng kwarto namin at sinilip sina George at Amber.
Tulog pa si George tapos si Amber gising na. Nanunuod ng TV.
"Oh?" sabi sakin ni Amber.
"Tulog pa?" tanong ko. Tinutukoy si George.
"Sa tingin mo?" pamimilosopo niya.
"Psh. Pwede pumasok?"
"Pasok lang." sabi niya. Ang sungit talaga.
Pumasok ako at agad umupo sa harap ni George. Ang kyut niya talaga kapag natutulog. Kaya pinagmasdan ko lang siya.
Noong una, naiirita ako kay George kasi masyadong kilos-bata, at ang first impression ko sa kanya ay isa siyang tahimik na introvert. Dati hindi ko alam kung bakit siya ganun. Until such time na unti-unti kaming nagiging close sa isa't-isa, dun ko nalaman na hindi pala siya isang loner o introvert. Hindi ko rin alam na bago pa ako dumating sa buhay niya, anjan na pala si Clint. Kasama niya lagi. At first, nakakainis ang personality niya. May pagka-feisty siya. Yung tipong ang tapang niya. Para siyang bata kung umasta. Tapos maingay din.
Pero hindi pala. Nung time na magkasama kami, unti-unti ko na rin siyang naiintindihan. Good-natured pala siya. May pagka-cute din. And vulnerable. Kaya naging maingat na ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Dati, tinatawag ko pa siyang pandak. Ngayon, nakukyutan ako sa pagiging pandak niya. Dati, naiirita ako kasi masyado siyang matapang. Ngayon, napapamahal na ako sa kanya. I misjudged him. Sobra. Tapos ngayon, heto ako sa harap niya. Pinagmamasdan siyang natutulog. Why I ended up falling for this guy? He's so adorable.
Nung sinabi niya sakin na ex-bestfriend niya yung Clint na yun at yung mga masasamang sinabi nito sa kanya, bigla na lang ako nakaramdam ng galit. Masyado kasing vulnerable si George kapag umiiyak. Para siyang isang mainipis na salamin na madaling mabasag. Maybe that's why I kissed him. At nung moment na hinahalikan ko si George, it just feels so right. Kakaiba kasi si George sa lahat ng nakilala ko. Dati, dineny ko pa na wala akong gusto sa kanya. Kaunti lang ang mga lalaki kong kaibigan. Sina Xavier, Dave, Seth at Kane. Pero ang lagi lang nilang topic ay puro babae. Wala akong kaibigan na yung kahit na anong topic pwede niyong pag-usapan. Wala rin akong kaibigan na masayang kasama kahit saan man kami pumunta. Wala rin akong kaibigan na kahit nakakainis siya, napapasaya't nakukumpleto niya ang araw ko.
At dun ko naranasan yun nung naging magkaibigan kami ni George. Oo, hindi perfect ang first meeting naming dalawa. Pero kasi... Uggh. Nauubusan na ako ng mga salita.
Dahil emotionally-fragile si George, sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan ko si George. Kahit kanino.
"Anong tinitingin-tingin mo jan?" bigla na lang siyang nagising.
"Uh----uh---gising ka na pala?" napipitla ako.
"Bakit ka andito?" medyo inaantok niya pang sabi.
BINABASA MO ANG
Last First Kiss [boyxboy]
Teen FictionA story about a typical boy, losing his best friend with an unknown reason, and finds it easily to mend his broken heart when this hot-from-head-to-toe guy comes along --- a weird friendship sparked between them two. But as the time goes by, the clo...