Chapter Thirty-Seven

23 3 1
                                    

A/N:
YES! Finally na-enrolled na ako sa school na gusto ko. I'm grade 11 guys! Haha^ Share lang ng kaligayahan!

Anyways, sorry for not updating immediately.

***

GEORGE's POV


"Jusko! Anak ko!"

May narinig akong boses ng isang babae sa may pinto. Nagising tuloy ako. Tiningnan ko si Clint, tulog pa rin. In a coma state pa rin. Time check: 2:25 AM. Siguro may inasikaso talaga siya.

Dali-dali niyang niyakap si Clint at umiiyak. Then tumingin sakin si tita.

"Kamusta na ba siya??" Bakas ang pag-alala sa kanyang mukha.

"Ok na daw po siya."

"Salamat naman sa diyos..." sabi niya at hinalikan si Clint sa noo.

Dati nung nagsasama pa kami ni Clint, close rin kami ng mama niya. Mabait kasi siya at very down-to-earth. Cool lang si tita Carla at di siya bugnuting ina. She's very gentle and kind, at kaya niyang makisabay samin ni Clint as teenagers. I think Clint's very lucky to have a mom like her. Medyo naiinggit ako kay Clint kasi nga wala rito ang mama ko. Sumakabilang-bahay na. Lol.

Pero nag-iba ang lahat nung nag-away kami ni Clint. Since nung hindi kami nag-uusap e hindi na rin kami nag-uusap ni tita Carla. Naapektuhan yun nung tinaboy ako ni Clint. Sa ngayon nga e, parang halos di ko na kilala si tita Carla. Medyo nag-improve kasi siya bilang isang ina. Wala na kasing Papa si Clint. Sumakabilang-bahay na rin. Haha.

"Pasensya na hijo ah? Galing kasi ako sa trabaho nung nalaman kong binugbog si Clintot. Medyo natagalan ako kasi ayaw akong papuntahin ng boss ko. At inasikaso ko pa ang hospital bills niya pero naunahan na ako ng kuya mo. Pasabi naman sa kanya na salamat ha?" sabi niya sakin.

"Sige po tita makakarating yan sa kanya." I said with a smile.

Isa kasing accountant ang mama ni Clint. Siguro strict ang boss niya at kailangang mag-overtime. Ewan ko.

"Ang pagkakaalam ko kasi, nasa bahay lang siya lagi.... Nagtataka rin ako bakit lagi na lang siyang nakasimangot. Lagi siyang malungkot. Ewan ko ba kung ano na ang nangyayari sa anak ko...." sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Clint.

Kahit ako hindi ko alam anong dahilan. Basta bigla na lang din siyang nag-bago.

"Kapag umuuwi ako sa bahay, nadadatnan ko siyang tahimik at nakasimangot.... Halos araw-araw na nga e... Sinubukan ko siyang kausapin pero lagi na lang niyang sinasabing, 'Ok lang ako, ma.. Pagod lang ako.' Pero alam ko sa sarili kong hindi siya OK...."

Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?

"Napapansin ko ring.... Hindi ka na niya dinadala sa bahay... Hindi ka na rin pumupunta samin."

"Uhmm.... Nag-away po kasi kami, tita. Nakakahiya naman po kung pupunta ako sa inyo..." sabi ko.

"Kung ganon... E bakit ba naging introvert si Clint? I mean, kapag kayo magkasama ang saya-saya niya..."

"Hindi ko rin po alam, tita...."

"Kung ano man ang pinag-awayan niyo, sana maayos niyo yan..." sabi niya sakin..

I just nodded.

"Kasi alam mo, George... Ikaw lang talaga ang kaibigan niya.... Ikaw lang talaga yung nakakaintindi sa kanya.... Ang saya-saya ko nga e nung nagkakilala kayo... Lagi kang anjan para sa kanya. Ganun din siya sayo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi na kayo nag-uusap. Isa kang malaking impluwensya sa anak ko..."

Last First Kiss [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon