Chapter Eleven

46 9 0
                                    


Argh! I'm so corny. Sorry about that. All of my ideas were somehow faded in my mind and I can't recover 'em.

**

THIRD PERSON's POV

Simula nung lumipat sa klase ni George ang apat na estudyanteng galing special classes (lalo na si JB) ay parang nadagdagan ng ingay ang room.

Unang-una, yung dalawang students na sina Dianne at Eaton, na galing sa SPA, ay madalas pagkaguluhuan ng iba nilang kaklase dahil sa trip nila sa gitara at organ. Especially mga grupo ng boys sa klase na lakas maka OPM.

Yung iba, nagjajamming at sumasabay sa kantahan at hiyawan. Hindi maka-concentrate ng maayos si George, at worse pa dun ay sina Amber at Zeke ay sumasabay rin.

Di naman sa KJ siya or something pero biglang nagbago ang atmospheric condition (BIG WORD. LOL.) ng buong klase. Dati hindi masyadong maingay. Dati kasi medyo boring dahil tahimik ang classrooms ng Star Sections. Madalas lang mag ingay. You know, be a good role model ang motto ng advisers nila. Nasanay lang ata si George na tahimik ang klase.

Yung galing naman sa SPS, si Howard at, yeah, Jonas Brett a.k.a. JB, ay lalong dumagdag ng ingay sa room. Madalas kinaiinisan si Howard dahil sa lakas ng kanyang boses. Parang nakalunok ng megaphone.

Panay topic niya ay mga babae. Kung gaano daw kasaya pumunta ng isang bar at maka-'score' sa chics. Kung gaano daw siya tinitingnan ng mga babae dahil daw sa kagwapuhan niya.

Halos masuka ang buong klase sa mga pinagsasabi niya, especially the girls.

Kung titingnan man lang, may itsura naman si Howard. Maputi, medyo brown ang buhok at matipuno rin ang katawan. Matalino rin naman. Kaya lang mahangin raw sabi ng lahat.

Speaking of mahangin, mas hindi kakalog ang pagiging mahangin ni JB. Takang taka si George dahil kapag nagyayabang si JB, sumasabay ang lahat. Tumatawa pa! Kumbaga, kahit na mayabang si JB, people-smart din pala.

Kung si Howard naman ang nagyayabang, kulang na lang hagisan siya ng isang higanteng bola ng papel sa mukha niya para tumahimik pero pagdating kay JB, oks ang lahat. Why is that.

Napahilamos tuloy ni George ang kanyang dalawang palad sa mukha niya.

Bakit ba ang weirdo nila? sabi niya sa kanyang sarili.

Naramdaman niyang may humablot ng phone niya sa bulsa ng kanyang polo.

"Hoy akin yan!" Pilit niyang inaagaw ang phone niya kay JB na pilit ring inilalayo sa kanya pataas.

"Ayoko nga!"

"Akin na sabi e!"

"Sin-ave mo ba number ko?"

"Oo nga!"

"Weh?"

"Oo nga sabi! Akin na ang cellphone ko, JB!"

"Yoko. Iche-check ko muna kung sinave mo talaga."

Chineck iyon ni JB at ni letra ng pangalan niya walang naka-book doon. Kaya inis na inis siya kay George.

"Hindi mo sin-ave! Sabi ko i-save mo!"

"Nakalimutan ko kagabi! Sabi ko nga sayo busy ako!"

"At sabi ko rin sayo malilintikan ka sakin kapag hindi mo sin-ave ang number ko!"

"Ha-ha!" George emphasized the sarcasm in his tone. "As if naman kung natatakot ako sayo!"

JB angrily grabbed George's bag and he made George chase him for it.

Last First Kiss [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon