Chapter Forty-One

28 3 1
                                        

GEORGE's POV

Bandang gabi na. Dumating na ang mama ni Clint at may dala siyang pagkain. Jollibee! Yey! Isang chickenjoy akin, spaghetti at chickenjoy ang kay Clint, at Burger steak naman ang kay tita Carla. Ewan ko ba pero ang masaya talaga kasama si tita Carla. She really knows how to interact to teenagers like us.

Pagkatapos nung dinner namin, nagpaalam si tita Carla kasi babalik pa siya sa trabaho niya. Napadaan lang kasi siya rito. Ayos lang naman kay Clint yun kasi naiintindihan niya ang mama niya.

***

10:42 PM.

Hindi ako makatulog. Actually, inaantok na ako pero kahit pilitin ko pa ang sarili ko na matulog, ayaw pa rin. Hindi naman ako nakainom ng kape or something. Si Clint naman, ang himbing na ng tulog. Mabuti pa siya.

I slammed myself on the couch katabi ng bintana. I opened the curtains, and watched the peaceful sky. Ine-entertain ko na lang sarili ko sa mga bituin, baka sakaling makatulog ako. But I'm still unsuccessful. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko.

This time, I played some relaxing songs on my phone. Hindi pa rin ako makatulog! Mas lalo akong hindi makatulog nito kasi maingay. Hay naku!

"Bwiset naman oh!" Pagmumura ko sa sarili ko.

Ibinaluktot ko na lang ang sarili ko sa couch. May unan sa tabi so binaon ko na lang ang mukha ko dun. Ay naku. Sarap sumigaw. Pramis. Kagabi nakatulog naman ako ah!? Bakit ngayon hindi!? Kung pwede lang saba talaga na sumigaw dito sa ospital e kanina ko pa ginawa.

"Jusmeyo santa teresita maria labu!" pagmumura ko ulit.

"George?" narinig kong nagsalita si Clint. Nagising ata.

"Bakit?"

"Ba't gising ka pa? Tsaka sino ba si Teresita Maria?"

Ammpft. Fota.

"Tch. Wala ah! Matulog ka na lang jan."

Tumahimik naman siya. Pero maya-maya ulit ay nagsalita na naman siya.

"George?"

"Oh?"

"Halika nga dito. Tabihan mo ako."

Anudaw?

"Ha?"

"Sabi ko tabihan mo ako."

"Bakit naman?"

"Tss. Basta! Halika na nga."

Hesitant pa ako sa una pero lumapit naman ako agad. Umusog naman siya ng konti. Sa tingin ko, mahuhulog ang isa samin nito. Clint naman e!

"Mukhang 50-50 tayo nito. Ang laki mo kaya!"

"Tch. E ikaw, ang liit mo. Kakasya ka rito. Tabihan mo na ako!"

"Clint..."

"George... Wag na makulit."

"Fine."

Last First Kiss [boyxboy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon