Chapter Thirty-Six

29 4 1
                                    

GEORGE's POV

Malikot kong ginagalaw ang mga kamay ko habang nag-aantay sa doctor. Napapatadyak na rin ako sa sahig dahil sa sobrang alala ko kay Clint na sa kasalukuyang nasa loob ng operating room. Kinakabahan ako kasi baka malala ang kanyang lagay ngayon. Kamusta na kaya siya? Magiging OK lang ba siya?

"Di ka na dapat lumabas kanina, George. Baka kung napano ka pa!" pinagalitan ako ni kuya Greg.

"Kuya tapos na. Nangyari na. Dumating naman on time ang mga pulis e."

"Pero hindi pa rin tama ang ginawa mo. Pano kung hindi nakarating ang mga pulis? E nabugbog ka rin?"

Tama si kuya. Pero kasi kawawa naman din si Clint e. Kahit siya man yung nabugbog o hindi, hindi ko pa rin matitiis na may nasasaktan. Like, hello? It's a violation against human rights!

"Sorry kuya. Hindi na mauulit." sabi ko.

"Pinag-alala mo ko. Dibale. Iko-consider ko na lang yun." sabi ni kuya.

Nahilamos ko tuloy ang mga kamay ko sa mukha ko. Naramdaman ko na lang ang pag-agos ng mga luha ko. Nag-aalala talaga ako kay Clint. Tsaka, bakit kaya sa dumaan dun? Wala naman siyang kilala sa compound namin kundi ako lang ah. Tsaka ever since nung ni-reject niya ako, hindi na siya pumupunta sa bahay (malamang) at di na rin siya dumadaan sa street namin. Nakapagtataka. Di kaya, siya yung lalaking naka-hoodie na tumatambay sa may bench sa kanto sa ilalim ng puno? Siya kaya yung nakikita kong tumitingin sa bahay? Siya kaya yun?

There is something about the situation made me feel guilty. Ewan ko kung bakit. Nagi-guilty ako kasi.. Ughh! Ewan ko! Kasalanan ko ba ang lahat!??

"Sshh.. Tahan na.. Magiging maayos din siya..." hinihipo na ni kuya ang likod ko at pinapatahan ako.

"E kasi kuya, nag-away kami ni Clint. Hindi ko talaga inaasahan ang ganito..... Kasalanan ko 'to..." naiiyak kong sabi.

"Sssh... Wag mong sisihin ang sarili mo. Kung ano man ang pinag-awayan niyo, sigurado akong wala kang kasalanan.... Tahan na..."

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Bespren ko yun e. Si Clint yung napahamak. Di siya basta-bastang tao lang na binugbog ng mga adik sa kanto.

"Niligtas mo ang buhay niya... Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo..."

"Pero kasi kuya-----"

"Shh. Tama na. Magiging maayos na ang lahat."

Tumango na lang ako. Magiging maayos ang lahat. Magiging maayos.

Biglang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas mula rito ang doctor. Napatayo ako bigla at ganun din si kuya.

"Uhm---Gaano-ano niyo ba ang pasyente?" tanong ni doctor. Napaka-pro ng boses at approach niya. Parang walang problema.

"Kaibigan ko po. Kamusta na po siya doc??" atat na talaga ako.

"Ayos lang siya. Tinahi lang namin ang kanyang mga sugat. Wala namang damage ang kanyang ulo, pero may konting injuries ang kanyang likod at torso. But he'll be okay."

"Gaano katagal siya makaka-recover, doc?" tanong ni kuya Greg.

"Well, approximately about 3 days lang kanyang recovery time. Minor injuries lang naman ang kanyang natamo."

Nakaramdam ako ng ginhawa sa sarili. Buti naman at ayos lang siya.

"Sige maiiwan ko muna kayo." sabi ni doc at umalis na.

"Maraming salamat po, doc." sabi ko.


***


Last First Kiss [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon