Chapter Eight

53 9 0
                                        

Ready. Set. Go!

***

GEORGE's POV

"Bunsoy! Tara kain tayo ng ice cream! Libre ko!" yaya sa'kin ni Clint na mukhang masaya.

Dahil libre niya, di na ako tumanggi. Minsan nga lang siya manglilibre tatanggi pa ako.

Pumunta kami sa may ice cream parlor ng cafeteria. Di mapakali si Clint dahil sa dami ng flavors na nakadisplay.

"Anong gusto mo?" sabi niya sakin habang nakatitig sakin.

Wala akong mapili dahil andami ng flavors. Mga lima lang. Mukhang masarap naman lahat tingnan eh. Tingnan lang.

"Wala akong mapili eh. Ikaw na lang pumili para sa'kin."

"Sigurado ka?"

"Oo na! Ikaw rin naman ang babayad eh."

"Fine! Uhm---- manang, dalawang cones nga po ng dark chocolate na ice cream. Damihan niyo po ang scoop nung sakin ah?" sabi niya habang nakangiti.

Ang adik talaga.

Naaliw naman si Manang sorbetera sa enthusiasm ni Clint. Tsaka ang daya kasi mas marami ang scoop ng kanya. Mga apat. Akin dalawa lang. Sus nagreklamo pa. Ako na nga nilibre. Adik ka George.

Pagkatapos ng pagbili namin ng ice cream, niyaya ko siyang tumambay sa may puno ng acacia kung saan madalas akong tumambay.

"Oy, Clint natapos mo na ba ang assignment mo sa math?"

"Oo bakit?"

"Pakopya!"

"Hindi pwede! Pinaghirapan ko yun eh!"

"Hoy andaya nito! Pinakopya nga kita sa assignment natin sa Economics eh!"

"Basta ayoko!"

"Ito naman eh! Sige na please??" Nag puppy eyes pa ako.

I noticed that he became uncomfortable with my cute gesture. Nailang siya. Kasalanan ko bang kyut ako?

Weakness niya to eh. Bwahaha.

"George wag ka ngang mag-puppy eyes! Para kang tarsier."

Dickhead.

"Oy! Tarsier ka jan! Sige na kasi!! Pleeeeeeaaaasssssseeeee??"

"Yoko." Aba, at nagpakyut din.

"Sige na!"

"Yoko."

"Clintot naman eh!"

"No, no, no!"

"Libre kita bukas!"

"Ayo----- tologo??? Tologo???"

Konting lambing lang at suhulan mo, bibigay din. Kyut ako eh.

"Oo basta pakopya kahit ngayon lang kaya pleeeeaaassee?"

"Hmmmmm..... Ice cream?"

"Oo kahit ano pang flavor!"

"With almonds?"

"Oo kahit may raisins at buko pa yan pakopyahin mo lang ako! Sige na kasi umoo ka na!"

Dahil siguro sa kakulitan ko, pumayag na siya. Inakbayan niya ako at siniksik ang ulo ko sa may dibdib niya.

Last First Kiss [boyxboy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon