GEORGE's POV
Galit na galit ako kay JB. Walangyang yun. Sabi kong ayokong manuod ng The Grudge, pinilit pa talaga ako. Sobrang takot ko nun naiyak tuloy ako.
Naalala ko tuloy yung dati.
[FLASHBACK]
Haay naku. Pagkatapos nilang gamitin 'tong classroom para sa horror booth e hindi man lang nila inisip na linisan ito. Saan ba pumunta yung mga classroom officers?
Haay naku. Ako na nga lang ang lilinis.
Since madilim dito dahil natatakpan ng manila papers ang mga bintana, pinaandar ko na lang ang ilaw para makapaglinis ako ng maayos. Last day kasi ng intrams namin ngayon at wala ng gaanong tao. Katatapos lang din ng mga booths. Itong horror booth namin katatapos lang din kanina pero yung mga in-charge dito at yung mga officers, naglaho lahat. Ewan ko ba, takang taka lang ako kasi kahit grade 8 pa lang kami e, mabenta tong horror booth namin. Balita ko nga e mas pinagkaguluhan ito kesa sa horror booth ng mga 4th year at 3rd year. Malaki kasi ang budget ng booth namin at mas nakakatakot ang costumes.
Nasan na kasi sina Amber, Zeke at Clint?
Nagsimula na akong pumulot ng mga nakakalat na plastic bottles, crampled papers, at candy wrappers. Inilagay ko 'to sa basurahan pagkatapos. Then sunod ay nagwalis na ako.
Maya-maya ay pumapatay-sindi ang mga ilaw.
At first akala ko baka dahil sa linya lang 'to ng kuryente na nagloloko. Kaya nabahala na lang ako.
Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko pero patuloy pa rin sa pag-flicker ang mga ilaw.
Weird.
Kinuha ko yung trashbin sa gilid ng cubicle ng adviser namin para dun itatapon ang mga kalat at dun na pumatay ang ilaw. As in totally. Perfect timing.
Kinabahan tuloy ako kasi kusang sumara ang pinto.
Nginig na nginig ako kasi ako lang ang tao dito. Sinubukan kong tawagan sina Clint, Zeke at Amber pero ang hina ng signal. May narinig akong boses na nagpatayo ng bawat balahibo sa katawan ko.
"Kkugggh kkkguuggghhh!!"
Jusko!
Yung tunog niya ay parang palaka na nabilaukan at patuloy lang siyang ganun. Habang tumatagal, lalong lumalakas. Kaya nag-panic na ako.
"Tulong!!!" sigaw ko habang binubuksan ang mga bintana. Pero ayaw bumukas!!!!
"Kkkgguuuuggghh kkkkgguggghhh!"
Pumapalapit ang boses!! Mama!!!!!
"Tulong!! Multo!! Tulungan niyo ko!!"
sigaw ko pa rin pero wala pa ring nakakarinig sakin.
Biglang nag-on ang mga ilaw. At sa gitna mismo ng blackboard ay may isang------babae na nakaputi ng damit at napakaputla niya!!! Natatakpan ng mahaba niyang napaka-itim na buhok ang kanyang mukha at yung postura niya ay parang bali-bali!!!
For instant parang lahat ng dugo ko sa katawan ay naubos at ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot. Sa sobrang takot ko, nagpa-panic na ako. Maiihi na ata ako!!
Jusko!!! Andito ngayon si Kayako Saeki ng The Grudge!!!!
"Tulong!!! Tulungan niyo ako!!" sigaw ko pa rin.
Nagsimula ng maglakad ang babae papunta sakin at ako naman ay na-trap sa pinakasuluk-sulukan ng cubicle ng adviser namin. Sumisigaw na rin ako kasi talagang nakakatakot ang itsura ng babae at ang likot niyang maglakad. Para siyang Barbie doll na bali-bali ang katawan, maputla nga lang.

BINABASA MO ANG
Last First Kiss [boyxboy]
Teen FictionA story about a typical boy, losing his best friend with an unknown reason, and finds it easily to mend his broken heart when this hot-from-head-to-toe guy comes along --- a weird friendship sparked between them two. But as the time goes by, the clo...