GEORGE's POV
Habang naliligo pa si JB, I took my time on wandering inside his room. Ang astig talaga e.
Ang awkward kasi, sinusuot ko yung underwear niya ngayon. Sheez. At least unused. Hindi ko talaga tatanggapin yung ginagamit na niya araw-araw. Yuck. I'd rather go for dinner hanging loose in my pajamas. Ha! Ha!
May mga picture siya sa mini drawer niya katabi ng higaan niya. Tiningnan ko ang mga ito. May picture ng isang lalaki at isang babae na nagyayakapan. Kahawig niya ang mukha ng lalaki at kapareho sila ng mata ng babae. Parents niya ata.
I think Fil-Am sila pareho. Inglisero kasi si JB. At sa itsura pa lang ng mga parents niya parang mga Amerikano ang dating. Ang ganda ng mama niya. At ang gwapo rin ng papa niya. Manang-mana si JB sa kanila, because he inherited some of their characteristics.
Pero sa ugali, hindi ko alam kung kanino siya nag-mana. Hindi ko pa name-meet parents niya e. Nasa America daw sila ngayon sabi ni JB.
May isa rin siyang picture pagkabata niya. Ang kyut kyut pa nga niya e.
"Hoy anong ginagawa mo??!"
Paglingon ko, agad akong napatakip ng mata dahil sa nakita ko. JB is wearing nothing but his towel wrapped around his waist. And those abs. Oh my God. Ang hot niya. Ay potek George, erase!
"Oy! Magdamit ka nga!"
"Sus. Heto naman."
"Magdamit ka sabi e! Mamaya maghubad ka pa makikita ko yang ano mo!"
"Haha. Anong ano ko, huh?"
"Yung ano mo-----Ah basta!! Magdamit ka na!"
"Hahahaha! Wag kang mag-alala naka-boxers na ako. Sus heto naman ang arte."
Mga ilang segundo pa ay biglang siyang tumahimik.
"O ayan. You can open your eyes na."
When I opened my eyes, nakadamit na siya. And he looked so innocent in those pajamas. Naka-simple maroon v-neck shirt lang siya at white pajamas.
Tiningnan ko ang suot ko at napansin kong magkapareho kami ng pajamas. Yun nga lang, navy-blue ang v-neck shirt ko.
"We're the perfect match."
"Anong ibig mong sabihin?"
Lumapit siya sakin. He tugged my shirt lightly and caressed my chin.
"Ang suot mo blue at akin maroon. You're cool, and I'm hot. So, perfect match tayo." he winked at me. I jabbed his chest lightly.
"Ang korni mo." natawa pa ako. Ugh. May mas tatamis pa ba sa mga sandaling ito?
He laughed. Yung tawa niya na napaka-sexy at cute. Parang combination ng dalawa. Ugh. I am now completely out of right words to say. Gustong-gusto ko lang talaga 'tong lalaki na 'to.
Maya-maya pa at may biglang kumatok sa pinto.
"What do you want!??" sigaw ni JB.
"Sir Jonas, pinapatawag na po kayo ng ate mo. Handa na po ang hapunan." sabi ng babae na nasa pinto. Isa ata sa mga kasambahay.
"We'll be right down!" he yelled back.
He looked at me again for the last time.
"Tara na? I'm starving."
"Tara." I replied.
***
BINABASA MO ANG
Last First Kiss [boyxboy]
Ficção AdolescenteA story about a typical boy, losing his best friend with an unknown reason, and finds it easily to mend his broken heart when this hot-from-head-to-toe guy comes along --- a weird friendship sparked between them two. But as the time goes by, the clo...