I was thinking that maybe Grae Fernandez would be a great visual of George. Haha^^
Kyut yung smile niya kasi. Pero dibale. Ranz na lang. 😂PICTURE OF RANZ ABOVE👆👆👆
***
GEORGE's POV
Masaya akong pumasok sa bahay. Yung tipong ang saya mo kasi galing ka sa labas kasama ang taong mahal mo. Medyo nauhaw ako kaya pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, at di ko napansin na andun pala si kuya Greg. Kumakain ng dinner. Kawawa naman si kuya, kumakain ng mag-isa. Sabayan ko na lang muna tutal hindi pa naman ako inaantok e.
"Hi, kuya!" masaya kong bati sa kanya.
"O, Bunsoy! Dumating ka na pala?" Sabi niya.
"Opo kuya kakarating lang."
"Kumain ka na ba? May bacon pa oh. Gusto mo?"
"OK lang kuya. Thanks."
Umupo ako sa tabi ni kuya at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Siya nga pala, musta ang date niyo ni JB? Ayieee?"
"Well.... Uhm.. Masaya naman. Nakakatawa nga siya e. Takot sa heights! Hahaha!"
"E ano ba ginawa niyo?"
"Wala lang.... Sumakay lang ng coaster."
"Masaya ba?"
"Oo naman kuya! Syempre."
"Mabuti naman kung ganun. Oy George. May sasabihin ako."
Biglang nagseryoso si kuya. Kanina parang ang bagets lang ngayon parang isa na siyang jury ng korte. Anyare bro? O_O
"Alam mo kasi..... May mga bagay talaga na.... Ginagawa sa tamang oras... Yun bang.... Hindi minamadali...."
"A-anong ibig sabihin nun, kuya?" Honestly, confused talaga ako.
"Ang ibig kong sabihin ay.... Kapag hindi niyo talaga mapigilan... E, pigilan niyo...."
"Haa???" This time, gusto ko ng tumawa kasi hindi lang ako nalilito e para pa siyang adik kung magsalita.
"Yun bang...... Alam mo na.... Mga kabataan pa naman ngayon e.... Malaki ka na.... Alam mo na kung ano ang tama at mali at uhh.... You know...."
😨
"Kuya, wag mo ng ipagpatuloy!" Ngayon alam ko na kung anong gustong iparating ni kuya. He's talking about......
"What!!? Pinapaalala ko lang sayo na----"
"Kuya wag na kasi. Hindi kami ganun ni JB. Pramis!!"
"Sigurado ka?? E baka niyan nasubukan------"
"KUYA!! Virgin pa ako ano ba!!"
"OK! OK! Just uhh.... Naninigurado lang ako! Hahahaha!" Natatawa niyang sabi. Hay naku kuya.
"Peksman! Virgin pa ako. Tsaka pwede ba kuya kalimutan na lang natin yun? Nakakadiri ka!"
BINABASA MO ANG
Last First Kiss [boyxboy]
Teen FictionA story about a typical boy, losing his best friend with an unknown reason, and finds it easily to mend his broken heart when this hot-from-head-to-toe guy comes along --- a weird friendship sparked between them two. But as the time goes by, the clo...