Nakita ko yung picture sa taas sa Twitter ko tapos sabi ko, "Woah! Ito talaga ang imagination ko kapag nakasuot ng white polo si Ronnie!" ❤❤
***
THIRD PERSON's POV
Nakailang tawag na si JB kay George sa kanyang phone pero hindi pa rin ito sumasagot. Ni text nga walang natatanggap. Nagsimula na siyang magalit. Impatience dominates him. Sino ba namang hindi mababadtrip kapag ang boyfriend mo hindi sinasagot ang mga tawag mo?
As for George naman, wala siyang kaalam-alam na naiwan ang kanyang phone sa kwarto niya. He was too busy thinking about Clint's condition rather than his phone. To him, what's more important: his phone or his best friend? Syempre best friend niya.
Nagising na si George. Kinapa niya ang kanyang bulsa. Ngayon pa lang niya na-realize na hindi niya dala ang kanyang phone. So bigla na lang siyang napabangon. Nung inangat niya ang kanyang ulo, tulog pa rin si Clint. Pero nagtataka siya, sino ba yung humahawak sa ulo niya kanina??
Tiningnan niya ng maayos kasi baka si Clint yun. Malapit lang kasi ang ulo ni George sa kanang kamay ni Clint e. So may posibilidad na siya talaga yun.
Pero imposible talaga. Tulog pa rin siya e. Kaya kinilabutan na si George.
Agad naman niya itong binalewala. Walang multo sa ospital!
Kaya napaupo na lang siya sa may bintana. Masyado siyang puyat para isipin lahat ang tungkol dun. Such a ridiculous event. Baka guni-guni niya lang yun?
***
Time check: 1:26 PM.
George sniffed his pit and he almost gagged. Hindi pa pala siya nakakaligo! Ang weird kasi, pinagpawisan siya kahit aircon. Dumiretso na siya banyo para makapag-freshen up man lang ng katawan. Nung matapos siya ay bumalik ulit siya sa pag-upo sa harapan ni Clint.
"Clintot..." sabi niya.
"Sana magising ka na oh. Miss na miss na talaga kita." he said those words so low that he could only hear it himself. But loud enough for Clint to hear.
As for Clint naman, nagpapanggap lang siyang tulog. Sa totoo nga lang e naririnig niya ang mga sinasabi ni George. Miss na miss na rin niya si George. But why is he pretending to sleep all the time? Magising na lang kaya siya para mag-usap silang dalawa!?
Thing is: takot pa rin si Clint. Takot siya na baka iwasan siya ni George kapag sinabi niyang may gusto siya rito kaya niya nagawang itaboy siya. It seems so irrational to George, isn't it?
***
Nakatulog ulit si George sa harap ni Clint. Pagod na pagod siya kasi wala talaga siyang magawa. Himbing na himbing ang kanyang tulog. Si Clint naman, inulit ang paghipo sa ulo ni George. Tumutulo na naman ang luha niya. Di na niya matiis ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.
Maya-maya pa't nagising si George. Nung inangat niya ang ulo niya, laking gulat niya ay nakapatong na ang kamay ni Clint sa kanya at bigla siyang hinawakan sa pisngi. Nagkatitigan silang dalawa, yung tipong sobrang titig, isama mo pa ang pagiging awkward. It's been so long since they stared at each other like this.
Iyak na iyak si Clint habang hinahawakan niya si George sa kanyang pisngi. Sobrang saya niya kasi nakit niya ulit ang mukha ng bespren niya.
"C-clint?? G-gising ka na...." napipitla na sabi ni George. Pero masayang-masaya siya dahil gising na si Clint. Si Clint naman, patuloy pa rin sa pag-iyak. Bakas ang kanyang mabilis na hininga sa oxygen mask na kanyang suot.
"O bakit? Bakit ka umiiyak?" marahang sabi ni George. Nagtataka kasi siya.
Si Clint naman, hindi siya makapagsalita. Hinayaan na lang niya na umagos ang kanyang mga luha sa kanyang mukha. Gusto niyang mag-sorry kay George. Pero naunahan na siya ng kanyang mga luha. Hindi na niya matiis kasi.
Pinunasan na ni George ang mga luha ni Clint. Napahawak tuloy si Clint sa kamay ni George ng sobrang higpit. Ayaw niyang mabitaw rito.
"George...." Naiiyak na sabi ni Clint.
"George...." Ulit uli niya.
Di na rin natiis ni George at hinayaan na lang niya na tumulo ang kanyang mga luha mula sa kanyang mata. Sobrang saya niya kasi gising na si Clint pero nakapagtataka lang, ba't ba siya umiiyak???
"George, sorry sa lahat..... Sorry... Sorry...."
"Sshhh.... Ayos lang... Tahan na... Andito lang ako..."
Mas lalong napahigpit si Clint sa kamay ni George.
"Wag mo na akong iiwan, please?? Di ko na kayang mag-isa.... Please, George.... Dito ka lang sa tabi ko...." desperadong sabi ni Clint.
Nalilito si George sa mga sinasabi ni Clint. Ano ba ang gustong ipahiwatig niya?
Sa totoo lang, walang ideya si George sa kung anong nangyayari ngayon kay Clint. He's acting weird. And it only became a lot weirder when Clint said:"Mahal kita, George. Mahal na mahal kita..."
***
END OF CHAPTER 38.
SORRY IT'S SHORT.Payday ko ngayon (allowance day) so gagala muna ako ng mall. Hahaha^^ RK. Dibale, while I'm on my way I'll update. Nakakagana kasing mag-update dun sa FoodCourt ng SM e. So bye muna! Love always,
- Russ😙1999
BINABASA MO ANG
Last First Kiss [boyxboy]
Roman pour AdolescentsA story about a typical boy, losing his best friend with an unknown reason, and finds it easily to mend his broken heart when this hot-from-head-to-toe guy comes along --- a weird friendship sparked between them two. But as the time goes by, the clo...