Chapter 2

988 17 2
                                    

Chapter 2

[Mika's POV]

"ANO na, Ye? Uupo na lang ba tayo dito at papanooring makipaglandian sa mga girlash 'yang Gabby mo?" naiinip na tanong ni Cienne.

Naroon kami sa bench sa ilalim ng puno dahil may isang oras pa bago ang last subject namin. Malungkot na nakatanaw lang ako at pinanonood si Gabby habang nakikipagflirt sa dalawang babae na nasa 'di kalayuan sa amin.

"Move on, move on din, girl, 'pag may time," dagdag pa ni Cienne.

"Ang hirap, Cienne, eh," reklamo ko. "Alam mo 'yung feeling na parang finally you met someone na kayang bulabugin ang mundo mo, 'yung taong kaya kang pangitiin nang hindi niya alam, 'yung taong pinakikilig ka sa ngiti niya kahit pa hindi naman ikaw 'yung kangitian niya? 'Yun si Gabby sa akin, girl."

"I feel you, baks. Kaso lang wala namang nangyayari sa pagtanghod mo sa kaniya eh. Everyday na lang stalker ang peg natin. Bakit ba kasi hindi mo na lang lapitan at sabihin mo 'yang nararamdaman mo? Uso naman na 'yun ngayon. Modern times na, teh!"

"Eeehhh, nakakahiya 'yun, baks. Baka malaman ng mga fans ko, ikahiya pa ako."

"Wow, fans talaga, huh! Lakas mo, teh!" tumatawang sabi ni Cienne. "So pa'no? Hihintayin mo na lang na kusa kang pansinin ni Reyes? Aba'y baka retired na sa paglalaro ng basketball 'yan eh no pansin ka pa rin sa kaniya."

"So you're suggesting that I should make the first move?" tanong ko.

"Oo pero hindi 'yung garapal. Subtle moves lang dapat kasi Mika Reyes ka, eh. Hindi bagay sa 'yo ang all-out papansin sa boys dahil halos buong Green Achers na nga ang suitors mo eh. Ang haba-haba nga ng hair mo eh kahit maiksi," biro ni Cienne.

"Tssss! Ilang Green Archers nga ang suitors ko, pero 'yung kaisa-isang Green Archer na gusto ko dedmakels naman ako," himutok ko.

"Eh ganu'n talaga. Sometimes we don't always get what we want. But that's not enough reason for us to stop trying, 'di ba?"

Oo nga naman. May point din ang bully na 'to. Pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi ni Cienne. Then I reached a conclusion... I'm going to make a move. Bahala na si Batman kung papano. Ang importante maipaalam ko kay Gabby that I like him. To hell with what everyone's going to say.

AFTER a few days...

"Hey, watch out!"

Muntik na akong masubsob sa sahig kung hindi ako maagap na nahawakan ni Gabby sa braso. Nadulas kasi ako habang pababa ng hagdan. Mabuti na lang at natiyempo namang paakyat si Gabby kaya't naalalayan niya ako.

"If I don't know any better, iisipin ko na nagpapapansin ka lang sa 'kin kaya lagi kang naaaksidente whenever I'm around," biro niya na ikinapula ng mukha ko.

Boom! Paano nito nahulaan ang pinaggagagawa ko lately? Sobrang bulok ba ng style na naisip ko? Eh feeling ko naman mas bulok 'yung suggestion ni Cienne na laglag panyo.

"Hey, Mika... I meant it as a joke," sabi ulit ni Gabby nang hindi ako kumibo.

"Ahm, okay lang, Gab. Totoo naman eh... err, I mean, thank you for helping me." What am I saying??? Natigilan tuloy si Gabby dahil sa sinabi ko.

"Wala 'yun," nakangiting sabi niya nang makabawi sa pagkagulat. "So pa'no, alis na ko. Uso ang mag-ingat next time. Pwede mo rin i-try," bilin niya.

"Ah Gabby, wait!" tawag ko nang saktong aakyat na siya. It's now or never, Mika! "May tune-up game kami against ADMU this Friday, 3p.m. here at the gym. Hope you can w-watch and cheer for me, I mean, u-us," nabulol pa ako sa sobrang kaba.

"Woah, wait! Are you asking me what I think you're asking me?" Hindi ko alam kung nangingiti siya o natatawa sa akin. "Seems to me you're asking me for a date," amused na sabi niya. Lalong lumawak ang pagkakangiti niya nang mamula ako ng husto.

Oh God! This embarrassment is too much. Hindi na lang sana ako nakinig sa kalokohan ni Cienne. I should have kept this stupid feeling forever.

"I have a class until 3:30 but I will sure catch up and cheer for you... I mean, for your team," kumindat pa siya sa akin bago ipinagpatuloy ang pag-akyat ng hagdan.

Naiwan akong nakatulala at hindi malaman kung anong nangyari.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon