Chapter 25
[Mika's POV]
NAIINIS ako kay Gabby pero alam kong tama siya about Jeron. Hindi makapagmove on si Jeron sa akin dahil ayaw ko siyang pakawalan. Jeron has been my security blanket since Gabby and I broke up. Siya ang lagi kong pinupuntahan kapag malungkot ako. Siya ang unang dumadamay sa akin kapag may problema ako. Hindi ko naisip na magkaboyfriend after Gabby dahil nandiyan naman siya. I didn't see the need to have a boyfriend when he's always been there for me, minus the commitment.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jeron na handa akong tanggapin ulit si Gabby sa buhay ko. Tiyak na masasaktan ko siya. He's been nothing but good to me. How can I break his heart for the second time? Feeling ko ang sama-sama ko for hurting him... Sana tulad na lang ako ng dati, nu'ng Miss Rejection pa ako. Wala akong pakialam sa feelings ng mga lalakeng binabasted ko. But Jeron is different. Alam ko sa sarili ko na kung hindi bumalik si Gabby sa akin, darating ang time na mamahalin ko rin si Jeron.
Pero alam ko rin na hangga't hindi ko pinapakawalan si Jeron ay patuloy lang siyang aasa. At mas lalo ko lang siyang masasaktan. I need to tell him now. Saka ayokong si Gabby ang magsabi kay Jeron. Baka mag-away pa sila.
Kaya lang ay may takot pa rin ako na baka mali ang desisyon ko na tanggapin ulit si Gabby. Paano kung piliin ko siya tapos masaktan lang ulit ako? Natatakot na akong magtake ng risk dahil baka wala ng Jeron na tumulong sa akin makarecover.
Aaaarrgggghhhh! Bakit kasi napakakumplikado ng love?
"O, bes, ano'ng problem?" tanong ni Ara sa akin. Nakatulala lang kasi ako sa locker room habang busy silang lahat sa pagshashower. Kakatapos lang kasi ng practice namin.
"Ars... I need your advice," problemadong sabi ko.
"About Jeron, tama? Nagkabalikan na kayo ni Gab?" pagkukumpirma niya.
"Yes and no," sagot ko. "Yes, I need help with Jeron pero hindi kami nagkabalikan ni Gab... well, not until I've sorted out my issue with Jeron."
"So ang prob mo is how to tell Jeron that for the second time at sa hinaba-haba ng pagtunganga niya sa 'yo eh sa pagkakabasted pa rin ang uwi niya?"
"Ouch naman, bes! Kahapon lang naman siya nagsabi na gusto niya ulit manligaw," depensa ko. "It's not like pinaasa ko siya on purpose."
"Oo nga, but you've always known na mahal ka niya."
"Feeling ko lang naman 'yun. Malay ko bang ganu'n pa rin pala ang nararamdaman niya. Hindi naman kasi siya nagsasalita tungkol du'n eh," paliwanag ko.
"So paano na 'yan? How are you going to tell him about it?" tanong ni Ara.
"Tingnan mo 'tong luka-lukang 'to... Ako nga ang nagtatanong sa 'yo niyan kanina eh," nakasimangot na sabi ko kay Ara.
Natawa naman si Ara. "Alam mo, sa tingin ko, you just have to tell Jeron everything. He will get hurt, yes, but I'm hundred percent sure he will understand. Napakabait kaya ng taong 'yun! Everything will be fine, Ye," pag-aassure niya sa akin.
"I hope so, bes," sabi ko bago pumasok ng shower room.
PABABA ako ng taxi nang magring ang cellphone ko. Si Jeron ang tumatawag.
"Yes, Je?" bungad ko.
"Yeye, I'm at Serendra. Let me know if you're within the area na para puntahan kita."
Dito kami nagkasundong magkita nang tumawag ako sa kaniya. May promotional activity kasi ang brand ng shoes na ineendorse ni Jeron kaya hindi siya makaalis sa event. Sumaglit lang siya just to meet me.
BINABASA MO ANG
When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)
FanfictionHe is Mr. Heartbreaker... She is Miss Rejection, a heartbreaker in her own right. What happens when their world collides? Will they break each other's heart? Or will they allow love to start?