Chapter 14
[Mika's POV]
PAGKATAPOS ng training ay dumiretso na kami sa dorm. Nadatnan namin si Thomas na kakababa lang ng kotse niya. Nagpunta raw siya para yayain kaming magpunta sa bar since Friday night naman. Free time kasi nila samantalang kami naman ay hapon pa ang practice bukas.
Kami lang ni Ara ang sumama dahil may kaniya-kaniyang lakad ang ibang bullies at iba pang teammates namin.
Niyaya kami ni Thomas sa Seventh High sa The Fort dahil naroon daw ang ibang Green Archers. Alam kong nandoon nga sila dahil nagtext sa akin sina Gabby at Jeron pagkarating nila doon kanina.
Tamang-tama na naroon si Gabby dahil kailangan ko siyang makausap tungkol kay Isabel. Inaamin ko na naapektuhan ako ng mga sinabi niya. Nagkaroon ng doubt sa isip ko na baka nga may iba pa si Gabby, na baka tama nga ang sinasabi ng ibang tao na pinaglalaruan niya lang ako. Gusto ko lang linawin niya sa akin ang lahat. Wala naman proof na pinakita si Isabel so it's just gonna be her word against his. And of course I will believe him. He just needs to be honest and tell me everything.
Masaya kaming nagkukuwentuhan nina Ara at Thomas habang papasok sa bar. Nakaakbay si Thomas kay Ara habang naka-abrisyete naman ako sa left arm ni Ara.
Palinga-linga kaming tatlo sa paghahanap sa mga teammates ni Thomas. Medyo madilim kasi sa loob at marami pang tao. May napansin kaming konting commotion sa table malapit sa bar. I think I saw Avo among the guys there kaya niyaya ko doon sina Ara. We squeezed our way through the crowd and finally found the guys.
Ngunit ganon na lang ang gulat ko nang makita ko kung ano o sino ang pinagkakaguluhan ng mga boys… Gabby in a liplocking session with a girl!
Bigla akong namutla sa nakita ko. Agad nagdagsaan ang iba't ibang klase ng emosyon sa dibdib ko. Shock, anger, disappointment, hurt, sadness, rage, jealousy, confusion… hindi ko na alam kung ano sa mga iyan ang una kong naramdaman. Mukha lang akong tangang nakatayo malapit kay Gabby, my hands covering my mouth in extreme shock. Bahagyang nakatalikod si Gabby sa akin kaya hindi niya ako napapansin.
Sa wakas ay nagsawa rin sila. The girl moved towards the door.
Aalis na rin sana ako nang biglang pumihit paharap sa amin si Gabby. It was his turn to get shocked. Biglang nawalan ng kulay ng mukha niya nang makita niya ako.
After what I just saw, I don't think I can face Gabby without screaming at his face. Rage was the first emotion I recognized.
Bigla akong bumitaw kay Ara at nagmamadaling naglakad sa pinto ngunit maagap akong nahawakan ni Gabby sa braso.
"Mika," pigil niya sa akin.
Agad kong ipiniksi ang braso ko at tinitigan siya ng masama. I am fuming mad.
"Babe, please let me explain," tarantang pagsusumamo ni Gabby sa akin pero bingi ako sa paliwanag sa ngayon. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. How can he do this to me? All this time niloloko niya lang pala ako! I should have listened to everyone. Once a heartbreaker, always a heartbreaker. Para akong tanga na nadala sa mga kasweetan niya. Akala ko lang pala na totoo iyon.
I was on the verge of tears so I decided to get away from there as soon as possible. Mabilis akong tumakbo at iniwanan silang lahat.
[Jeron's POV]
Nagulat ako sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Susundan ko na sana si Mika nang lumabas siya ngunit bigla namang bumalandra sa sahig si Gabby. Sinapak pala siya ni Ara.
Agad na tinulungan ni Jed at Luigi si Gabby upang makatayo habang pigil-pigil ni Thomas ang nagwawalang si Ara sa beywang.
"Ang kapal ng mukha mo, Reyes! Hindi ka pa nga sinasagot ni Yeye pero niloloko mo na siya. Ang lakas pa ng loob mong ipakita sa mga tao 'yang ginawa mo. Ano ha, feeling mo ikinaguwapo mo 'yan?!" galit na galit si Ara habang pilit na nagpupumiglas kay Thomas.
BINABASA MO ANG
When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)
FanfictionHe is Mr. Heartbreaker... She is Miss Rejection, a heartbreaker in her own right. What happens when their world collides? Will they break each other's heart? Or will they allow love to start?