Chapter 11

967 17 7
                                    

Chapter 11

[Mika's POV]

SA UNANG set lang kumanta si Gabby.  Pagkatapos ng limang kanta ay nagpapalit na siya kay Axel dahil kailangan ko nang umuwi.

"You didn't tell me na may banda ka pala.  Nakksss, may hidden talent!" biro ko kay Gabby with matching hampas sa braso.  Naging mannerism ko na kasi ang paghampas o pagkurot kapag natatawa ako.  I'm a touchy person kaya madalas ako asarin ni Ara na clingy daw ako.

Narito kami ngayon ni Gabby sa kotse niya at nagbabyahe pauwi sa dorm.

"Hidden talaga?  Itago ko na lang, gano'n?" nakangiting sabi niya.

"Oo," sakay ko naman sabay tawa ng malakas.

Biglang nabura ang ngiti niya.  "Seriously, that bad?" parang bigla itong nahiya.

"Uyyy, joke!  Ano ka ba?  Hindi mo ba nakita 'yung reaction ng mga tao sa 'yo, lalo na ng mga babae?  Sus, pa-humble," sabi ko na ikinatawa niya.

"I didn't notice kasi nasa 'yo lang ang buong attention ko eh.  Alam mo namang humihinto ang buong mundo kapag nasa paligid kita," sabi niya sabay titig ng malagkit sa akin.

Eto na naman po ang mga daga sa dibdib ko!

"Gagi ka, Gabby!  Sa daan ka tumingin at baka maaksidente tayo."  Bahagyang tinulak ko ang mukha niya upang alisin ang pagkakatitig sa akin.  Baka makita niyang nagbablush ako, nakakahiya!

"Gaano katagal na ang banda niyo?  How come hindi yata alam sa school 'yun?" naisip kong itanong.

"We formed the band back in high school.  Axel, Mykee, Paolo and I were members of the Junior Archers then.  That's where we got the name.  We play for fun lang kasi kaya most people don't know about it.  That bar kanina, uncle nina Thom and Axel 'yung owner," nakangiting paliwanag niya.

"Alam mo, puwede mong i-consider gawing profession ang pagkanta kasi maganda talaga ang boses mo.  Tapos guwapo ka pa."  Dumulas na sa dila ko ang mga salitang iyon bago ko pa naipreno ang bibig ko.  Kaya naman ganoon na lang ang pagkakangiti ni Gabby nang alisin nito saglit ang tingin sa daan at lumingon sa akin.

"Aha!  Nagaguwapuhan ka talaga sa akin, 'no?" maluwang ang ngiti na tanong niya.  "I remember nu'ng nagkabanggaan tayo the first time, you said the same thing 'di ba?  Sabi mo, 'ang guwapo mo talaga, Gabby Reyes'," panggagaya niya sa sinabi ko dati.

"Gayahin pa talaga!  Tsss!" nakairap na sabi ko.  Facepalm, Mika!

"May crush ka sa akin, 'no?" panghuhuli niya habang nanunukso ang mga mata.

Todo tanggi ako.  Wala akong balak aminin sa kaniya na crush ko siya.

"Wala.  'Wag kang makulit, Reyes," sabi ko na may kasamang kurot.

Bigla siyang napaigtad nang kurutin ko ng madiin ang kanang braso niya.

Hala!  Napalakas yata ang kurot ko dahil namula ang braso niya.

"Naku, sorry, Gab!  'Di ko sinasadyang mapalakas," sabi ko habang marahan kong hinahaplos ang parte ng braso niya na kinurot ko.

Naramdaman kong parang bigla siyang na-tense.  "Stop!" biglang sabi niya.  Pinigilan niya pa ang kamay kong humahaplos sa braso niya.

Para naman akong napahiya.  Agad kong binawi ang kamay ko at umusog palayo sa kaniya.  Para isang kurot lang, nagalit na.  Hmp!

Nanahimik na ako buong byahe.  Baka may magawa na naman ako na hindi niya magustuhan.

Nang huminto kami sa dorm ay nagmamadali akong bumaba.  Palabas na sana ako ng kotse nang pigilan ako ni Gabby.

"Ye, are you mad?  Bigla kang natahimik eh," tanong niya.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon