Chapter 24.2

1K 24 27
                                    

Tentententen... Ang susunod na update ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ay kailangan.  Maaaring naglalaman ng maseselang tema, lenguahe, karahasan, sexual, horror, o droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. :)

Chapter 24.2

[Mika's POV]

"WALANGHIYA ka, Gabby!  Bakit dito mo ako dinala sa sementeryo?!" natatakot na sabi ko.

At sa labis na inis ko ay tumawa pa ang hudyo!

"Takot ka ba sa ghosts?  Sorry, I didn't know.  Marami pa naman yata silang nandito ngayon," nakangising pang-aasar niya sa akin.  Obvious naman na nang-aasar lang siya dahil noon niya pa alam na iyon ang greatest fear ko.

Bigla akong napasiksik sa tabi niya sa driver's seat.  Kulang na lang ay kumandong ako sa kaniya sa sobrang takot.  Takot talaga ako sa multo kahit noong bata pa ako.  Madalas kasi akong takutin noon nina Kuya Perry at Ate Aereen kapag naglalaro kami.

Niyakap niya ako habang tumatawa.  "Ang laki laki mong tao tapos takot ka pala sa ghosts?"

"Sorry naman sa mga tulad mong hindi takot ha!" nakasimangot na sabi ko sabay layo sa kaniya.  "Ano ba kasi ang gagawin natin dito?  Iuwi mo na ko!"

"I need to show you something.  Come on," yaya niya at hinawakan ang kamay ko.

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kaniya habang naglalakad papasok ng memorial park.  Inakbayan niya na ako dahil ilang beses ko nang ginustong tumakbo pabalik.

Huminto kami sa isang napakagandang mausoleum.  'San Agustin' ang nakasulat sa labas.  Biglang may bumundol na kaba sa dibdib ko.  Isa lang ang kilala kong San Agustin ang apelyido.

"G-gab?" nag-aalalang napatingin ako sa kaniya.

Malungkot siyang nakatitig sa isang tombstone.  "Yeye, meet Jelly," sabi niya sabay turo sa akin sa tombstone na tinitingnan niya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.  Marjelly San Agustin nga ang nabasa ko roon.  May framed picture din sa ibabaw.  Napatitig ako sa picture.  She's the same girl who approached me at the elevator a year ago.

"Gab, w-what happened?  Why is she... I mean... Sorry, I don't know what to say.  It must have been hard for you knowing how much you love her."  Hindi ko alam ang tamang sabihin kay Gabby.  I had no idea that he's going through a rough time the past six months.  Masakit sa aking malaman na nasasaktan din pala siya all this time.  Halos isumpa ko siya sa pananakit niya sa akin noon 'yun pala ay may pinagdadaanan din siya.

"Babe, you're wrong about everything," sabi niya as he looked at me closely. "I loved Jelly.  Yes, loved as in past tense because the moment I saw you I knew I would love you more than I loved her.  Kaya nga if you would remember, I tried to stay away from you.  It's just that destiny had other plans because we keep on bumping into each other.  I fell in love with you in spite of me.  And then Jelly came back.  I had to leave you, not because I still love her but because it's her last wish to be with me.  She was dying then, Mika."

He went on and told me about the conversation he had with Jelly's dad, how he tried to keep our relationship while he's with Jelly dahil ayaw niya akong masaktan, and all the things he sacrificed just to make her happy until her last breath.  Napaiyak na lang ako sa nalaman ko.  I felt so embarrassed with all the things I said to Gabby then.  Sobrang galit na galit ako sa kaniya noon.  Ang sama-sama ng tingin ko sa kaniya.  Halos murahin ko siya sa isip ko dahil akala ko isa siyang manloloko, manggagamit at sinungaling.  I really thought the worst of him.  'Yun pala napakabuti niyang tao.  Siya na yata ang may pinakabusilak na puso sa lahat.  Hindi lahat ng tao kayang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa iba.  Pero si Gabby, mas pinili niyang pabaunan ng magandang alaala ang isang kaibigan kesa unahin ang sarili.  One billion pogi points para sa guwapong lalakeng ito.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon