Chapter 4

1K 16 4
                                    

Chapter 4

[Mika's POV]

"MIKS!" Papunta ako sa canteen nang marinig ko na may tumatawag sa akin. Paglingon ko ay nakita kong tumatakbo si Thomas.

"O, bakit?" tanong ko nang huminto siya at makalapit sa akin.

Tila kanina pa niya ako hinahabol dahil humihingal siya nang makarating sa tapat ko.

Ngumiti si Thomas bago nagsalita. "Pupunta ka ba sa canteen? Can I join you?" namumulang sabi niya.

Hayy, Thomas... Cute ka sana pero...

"Ah, kasi Thom sabay kaming maglalunch nina Ara, Kim at Ate Mokmok eh. May pag-uusapan daw kami," sabi ko.

"Oh, okay. Tomorrow perhaps?" hirit pa rin niya habang nakangiti sa akin, his chinito eyes pleading.

Urgh, Thomas! Kung naiba-iba ka lang malamang kanina pa kita tinarayan. I wasn't called "Miss Rejection" for nothing. Although mga fans at sports media ang nagbansag sa akin ng "Miss Rejection" dahil sa blocking skills ko, nagkaroon iyon ng iba pang meaning mula sa mga suitors ko na binasted ko.

"Ahm let's see tomorrow," non-committal na sagot ko bago tinalikuran si Thomas.

Ang totoo, wala akong balak sagutin si Thomas. Sure, he's super cute. Mabait din naman at sobrang funny. Tapos sikat pa dahil magaling magbasketball. Magaan rin ang loob ko sa kaniya. Kung meron man isa sa mga suitors ko na gugustuhin kong mapalapit nang husto, it would be Thom. Kaso lang, hindi talaga pwede. Unang-una na ang height difference namin. Mas matangkad ako ng dalawang pulgada sa kaniya dahil 5'9" lang siya. Mukha kaming magkapatid kapag magkasama kami. Buti sana kung mukha siyang kuya ko. Ang masaklap eh ako ang mukhang ate niya dahil baby-faced siya. Pangalawa, maraming nagkakagusto kay Thomas. Wala akong balak na galitin ang halos kalahati ng women population ng La Salle. Pangatlo at siyang pinakamatinding dahilan kung bakit never kong sasagutin si Thomas... si Victonara. Matagal nang may crush si Ara kay Thomas. Kung gaano katagal ko nang crush si Gabby, ganun din si Ara kay Thom. Mabuti nga at hindi naapektuhan ang friendship namin ni Ara nang manligaw si Thomas. Ewan ko ba naman kasi sa isang 'yun kung bakit ako pa ang nagustuhan. Wala talagang mapapala sa akin si Thom dahil kahit kailan hindi ko magagawang saktan si Ara, especially where he is concerned. Parang kapatid na kasi ang turing ko sa lukaret na 'yon.

Sa katunayan, si Ara lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinotolerate ko ang panliligaw ni Thomas. Nakiusap kasi si Ara na huwag ko daw biglaang bastedin si Thomas dahil siguradong didibdibin daw iyon ni Thomas. Ayaw niyang masaktan ng todo ang chinitong bansot kaya dahan-dahanin ko daw. O, 'di ba may pagkamasokista talaga ang luka-lukang 'yon? Sabi ni Ara, mas kaya niya raw tanggapin na ako ang mahal ni Thomas kesa naman ibang babae. Awww, nakakatouch... kaso kamartiran lang 'yun. Pa'no mababaling ang atensiyon ni Thomas sa kaniya kung laging nakabuntot sa akin? One of these days kailangan na talaga naming mag-usap ng masinsinan ni Thomas.

"TAGAL mo, damulag! Gutom na gutom na kami," nakasimangot na reklamo ni Kim nang makarating ako sa canteen. Si Thomas kasi!

"Eh ba't hindi pa kayo kumain? Hindi ko naman hawak ang bibig niyo," masungit na sabi ko. Ang init kasi tapos ang layo pa ng nilakad ko dahil nasa opposite side ang canteen mula sa classroom ko.

"Ang hard nu'n, Ye, ah," komento ni Ate Mokmok. "Alam mo namang malaking sakripisyo na kay Kim ang magpigil ng gutom."

"Sorry, Ate Mowky. Hindi ko kasi nailabas 'yung taray ko sa kausap ko kanina kaya dito nabuhos," paliwanag ko. "Peace tayo, Kimmay! Sareeeh!" Nag-peace sign pa ako sabay smile ng pa-cute.

Umismid siya pero alam kong bale-wala na 'yun sa kaniya. Sanay na kami sa topak ng bawat isa.

"Sino na naman bang malas na kalahi ni Adan ang muntik maging biktima ni Miss Rejection?" tanong ni Ara.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon