Chapter 19

805 20 19
                                    

Chapter 19

[Mika's POV]

INIP na inip na akong matapos ang klase ko. Marami pa akong kailangang gawin at puntahan as soon as makalabas ako ng classroom na ito. Lahat ng iyon ay may kinalaman sa pagiging missing in action ni Gabby these past few days. Ni text o tawag ay wala man lang akong natatanggap mula sa kaniya. I'm freaking mad as much as I am worried. Kaunting-kaunti na lang at tatawagan ko na ang sister niyang si Yena para hanapin siya. Pero hanggat maaari ay ayaw kong gawin iyon.

Nang sa wakas ay payagan na kami ng prof namin na lumabas ay dali-dali kong kinuha ang gamit ko. Balak kong puntahan ang classroom ni Gabby. Alam kong may klase siya ng 2 p.m. tuwing Friday. Ako lang mag-isa ang pupunta dahil may lakad si Cienne.

Naglalakad na ako papunta sa elevator nang may tumawag sa akin. Isang napakasopistikadang babae ang nalingunan ko. Kung hindi lang siya maputla ay iisipin kong naging tao si Barbie Doll. To say that she's beautiful is an understatement. Siya na yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko dito sa campus.

"Mika Reyes?" tanong niya sa akin habang naglalakad palapit.

Nakuuuu... pamilyar ang ganitong eksena! Mukhang Isabel part two yata ito...

"Ako nga. Bakit?" balik-tanong ko. My guard is up immediately.

"Marjelly San Agustin," pakilala niya sa akin. "I assume you already know me," sabi niya.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya o maiinis. Assumera ka, teh?! Artista ka ba para dapat kilala kita??? ngali-ngali ko nang sabihin sa kaniya.

"Sorry but I don't know you," sa halip ay mahinahong sabi ko.

"You mean Gabby never shared to you his past? Some girlfriend you are, huh!" sabi niya habang nakaarko ang isang kilay.

Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang pang-iinsulto niya. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba nang banggitin niya si Gabby.

Gabby. Past. Marjelly. Jelly???

"Y-you're Gabby's--"

"Yup, I am Gabby's one great love," putol niya sa pagsasalita ko. "I'm just here to tell you that I'm taking him back. So please, stay out of his life from now on," sabi niya sabay talikod papunta sa elevator.

"Oh, and by the way, please stop texting or calling him. Gabby just doesn't have the heart to ditch you that's why he's not answering your messages and calls," dagdag pa nito bago sumarado ang pinto ng elevator.

Mukha akong tangang nakasunod lang ng tingin sa kaniya. Hindi ako makagalaw sa pagkakatayo. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin papunta sa hallway na walang masyadong tao.

"Not now, Issa, please," pakiusap ko sa kaniya sabay piksi ng braso kong hawak-hawak niya. "Tama na ang isang confrontation sa isang araw." Kaunti na lang kasi ay sasabog na ang pinipigil kong luha.

"Mika, why did you let that wicked witch talk to you that way? Don't tell me that after all the trainings and workshops I put you through, you still haven't learned?" matamang nakatingin siya sa akin. Ako naman ay naguguluhan sa sinasabi ni Issa.

"What are you talking about?!"

"I took you to Bitch 101 class but it seems you never learned anything. Nailabas ko na ang lahat ng bitchiness na alam ko but I never succeeded in provoking you," pumapalatak pa na sabi nito.

"A-are you telling me it was all an act???" shocked na tanong ko sa kaniya.

"Come on, Mika... You've met my family. Saan sa tingin mo ako kukuha ng masamang ugali?" natatawang tanong niya. "I was just trying to provoke you. Gusto kong malaman kung ano-ano ang kaya mong gawin for Kuya. Kaso nakakainis ka naman eh, ayaw mong pumatol," nakalabing sabi ni Issa.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon