Chapter 8
[Mika's POV]
"HI, GORGEOUS. Where's Ara?"
Nag-angat ako ng tingin mula sa kinakain ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Thomas. Nasa school canteen ako at mag-isang kumakain. Nasa library kasi si Cienne at nagreresearch para sa report niya sa SIKOPIL. Tapos ko na kasi 'yung sa akin kaya heto relax relax din 'pag may time. May two hours pa ako bago ang next class namin.
"Pinuri mo muna ako para hanapin sa akin si Ara pagkatapos? Ano ako, information counter?! Magtapat ka nga, Thomas… sa akin ka ba nanliligaw o kay Ara?" masungit na tanong ko kay Thomas.
Nakita kong natigilan siya. Agad siyang namula at parang hindi alam ang sasabihin. "Ahh, ano, sorry, Ye. Don't be mad, please. Kasi--"
"Gotcha!" tumatawang sabi ko. "Joke lang, hindi ako galit. Maupo ka muna at mag-usap tayo. May klase pa si Ara eh pero palabas na rin 'yun in thirty minutes."
Napailing-iling naman si Thomas at umupo sa tapat ko. "Baliw ka, Ye. Pinakaba mo 'ko. I thought you're mad at me," relieved na sabi ni Thomas.
"So did you have fun last Saturday?" nakangiting tanong ko. Hindi kami masyadong nakapag-usap ni Ara dahil tulog na ako nu'ng umuwi siya nu'ng Saturday. Kahapon naman na Sunday ay maaga akong sinundo nina Kuya Perry dahil nagyaya sina Miko at Mikole sa MOA. Plus I got a text from Ara saying that she's with Thom.
"You planned it, no? You weren't really sick," nag-aakusang sabi ni Thomas.
I smiled sheepily. "Guilty," amin ko. "But it worked, right? You two had fun?"
"Well, she's really fun to be with," amin rin ni Thomas. "Makulit, madaldal, may pagkabaliw minsan pero cute. No dull moments dahil sobrang hyper."
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Thomas. His eyes are sparkling as he narrates how he spent the weekend with Ara.
"So I guess we're just gonna be friends from now on, huh?" tanong ko kay Thomas.
"I don't know. I still like you, Mika," biglang nagseryosong sabi niya.
"Like? What happened to love? Hindi ba parang kelan lang 'yun when you insisted that you love me? Bakit biglang bumaba ang level ng feelings mo for me?" biro ko.
Hindi nakasagot si Thomas.
"Admit it, Thom… it's not really love. Nachallenge ka lang because I keep on rejecting you. Pero kung titingnan mo lang ang sarili mo sa salamin, you would know what I'm saying. Your eyes don't shine when you look at me the way it does when you look at Ara. Right from the start that's how you look at her. Kaya nga nagulat ako na sa akin ka nanligaw."
"Naintimidate kasi ako sa kaniya when I first met her," pagkoconfess ni Thomas. "Kasi sobrang sikat tapos sobrang galing pa. Rookie of the Year na tapos MVP pa. Eh sino ba naman ako? Wala pa akong napapatunayan sa basketball. I can't even give our team a championship trophy. Feeling ko hindi ako bagay sa kaniya."
"So tingin mo bagay ka sa 'kin, ganon?" nakaangat ang isang kilay na tanong ko.
"Hehehe I wasn't thinking that way," natatawang sabi ni Thomas. "I just thought that if I can't have Ara, I'll have the one closest to her… you."
"So balak mo lang pala akong gamitin, ganon?! Mabuti pala at hindi ako na-in love sa 'yong bansot ka kung hindi broken hearted ang labas ko. Hindi kita ilalakad sa kaniya, manigas ka!" salubong ang kilay na sabi ko. Sabi ko lang 'yon pero sa totoo lang ay sobrang saya ko para kay Ara. Ang sarap lang asarin ng chinitong bansot na 'to kaya naggagalit-galitan ako.
BINABASA MO ANG
When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)
FanfictionHe is Mr. Heartbreaker... She is Miss Rejection, a heartbreaker in her own right. What happens when their world collides? Will they break each other's heart? Or will they allow love to start?