Chapter 9
[Mika's POV]
Natulala ako sa sinabi ni Gabby. Totoo ba talaga na nangyayari 'to? Si Gabby "Mr. Heartbreaker" Reyes nagpapaalam na manligaw sa akin?
Nagulat silang lahat nang bigla akong tumawa ng malakas. Nakita ko ang biglang paglungkot ng mukha ni Gabby pero hindi ko 'yon pinansin. Tawa pa rin ako ng tawa hanggang sa kurutin ako ni Ate Mokmok.
"Aray naman, Te Moks," reklamo ko habang hinahawakan ang beywang ko na kinurot niya. "Sorry, hindi ko alam na joker pala 'tong si Gab," paliwanag ko.
"I'm serious, Mika," seryoso ang mukha na sabi ni Gabby.
"Serious?? At kailan ka pa naging seryoso sa babae? Hindi ba kasing-bilis ng pagdribble mo ng bola ang pagpapalit mo ng girlfriend? Ayy teka, hindi nga pala girlfriend ang tawag mo sa kanila kundi 'fling'," painsultong sabi ko. Anong akala nito, basta niya na lang ako mapapasakay sa joke niya?
Biglang namula ang buong mukha ni Gabby gawa marahil ng sobrang pagkapahiya. Obvious na obvious pa naman iyon dahil maputi ito.
Naramdaman ko ang pananaway sa akin ni Ara dahil sipa siya ng sipa sa paa ko. Si Ate Mokmok naman ay panay ang kurot sa akin. Bakit ba? Eh sa hindi bumenta sa akin ang joke anong magagawa ko?
"Ayy, may kailangan pala akong i-research," biglang sabi ni Ara. "Tara, Thom... samahan mo ko sa library. Ye, una na kami. See you around, Gab." Iyon lang at hinila na nito si Thomas.
"Ahh, una na rin pala kami ni Ate Moks, Ye," sabi naman ni Kim. "Tuturuan mo pa ko sa assignment ko, Ate, 'di ba?"
"Oo nga pala," sagot ni Ate Mokmok. "Sige, Ye, Gab. See you later." Mabilis pa sa alas-kuwatro na nawala ang mga ito sa paningin nila.
Silang dalawa na lang tuloy ni Gabby ang naiwan sa mesa. Spell A-W-K-W-A-R-D!
"Ye, I know hindi maganda ang reputation ko sa babae," malungkot na sabi ni Gabby nang maupo ito sa tapat niya. "As much as I want to change it, I can't undo my past. 'Yung present na lang ang kaya kong baguhin. Please give me a chance to prove to you that I'm sincere and that I can change. Just a chance, Ye. One chance..." pakiusap niya sa akin.
Sobrang sincere ng pagkakadeliver niya. Sa sobrang sincere nito ay parang gusto ko nang maniwala...
Pero hindi eh. Siya mismo ang nagsabi sa akin na hindi niya ako type.
"Anong nangyari dun sa 'good-thing-you're-not-my-type' dialogue mo dati?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Oh, you still remember that?" napataas ang isang sulok ng labi ni Gabby.
Paanong hindi ko maaalala eh ilang araw 'kong iniyakan 'yon, leche ka!
"Oo naaalala ko pa," sabi ko na lang. "Hindi naman ako nagka-amnesia."
"Yeah, you're still not my type, Ye."
Aba, sira ulo 'to ah! Aawayin ko na sana siya pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
"Look, Ye… Before I got to know you, I wasn't really looking for love. You've heard what they all say about me-- I'm not the commitment kind of guy. Long-term relationships scare me. I usually go for girls who are easy, game and just want to have fun… exactly your opposite if you want to put it that way. Because with them, I have control over my feelings. If fun's over, I end the relationship and move on to the next. Ganoon lang. No risk of being hurt. But everything's changed when I met you. Suddenly, my emotions are out of control. I get jealous for no reason. Pati kuya mo pinagselosan ko pa. At first I thought it's just a simple attraction, the kind that will just fade away once I get used to seeing you. But the more I see you, the more I wanted to be with you. And the more I know you, the more I love you. Kahit sinabi ko na sa sarili ko na dapat kitang iwasan dahil alam kong hindi mo naman ako magugustuhan, hindi ko pa rin nagawa. I still fell for you. Now I'm taking a risk, Mika. My bad side had always been exposed… babaero ako, commitment-phobic, heartbreaker, everyone knows that -- you know that. Pero sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sa 'yo that I'm not all that. That there's a side of me you might actually like."
Sa haba ng sinabi ni Gabby ay nanatili lang akong tahimik. Aaminin ko, hindi ko na mapigilang kiligin. Nakikita ko naman sa mga mata niya na sincere siya. Saka hello! Higit one year ko nang crush 'to no! Palalagpasin ko pa ba? Kaya lang ay marami akong alinlangan dahil hindi ko maalis sa isip ko na magduda. Sa dami ng bilang ng mga babaeng umiyak dahil sa kaniya, ano ang assurance ko na hindi ako matutulad sa kanila?
Nothing in this world is certain, Mika. People change. Give Gabby a chance to prove his worth, parang naiimagine ko na ganoon ang sasabihin ni mommy kung ikonsulta ko sa kaniya itong nararamdaman ko.
"Okay, sige na nga, chance," sabi ko. Babawiin ko na sana ang mga kamay ko nang bigla niya itong dalhin sa labi niya at halikan ang likod ng palad ko. Parang may maliliit na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Totoo pala 'yun? Akala ko sa mga romance novels lang nag-eexist ang gano'ng feeling.
"Thanks, Mika! I promise you I'll do everything to win your trust and eventually your heart," bakas sa mukha ni Gabby ang saya dahil sa sinabi ko.
"Oo na, sige na. Gawin mo na lang, 'wag kang puro salita. Saka bitawan mo na nga ang kamay ko. Tsansing ka na eh no," reklamo ko kahit ang totoo eh kanina pa ako kinikilig.
Ngumiti si Gabby at binitawan na ang kamay ko. Nagkuwentuhan pa kami sandali bago niya ako inihatid sa next class ko.
The next morning, nagising ako sa nagkakagulong boses ng mga teammates ko.
"Ano ba!!! May sunog ba at ang iingay niyo? May natutulog pa o!" reklamo ko kina Ara, Carol at Kim na hindi magkamayaw sa kuwarto. Inaantok pa ako dahil pinuyat ako ni Gabby... pinuyat sa kakaisip sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga 'yung eksenang iyon kahapon. Sobrang bilis ng mga mga pangyayari. Parang kailan lang 'yung tinatanaw-tanaw ko lang siya tapos ngayon... Hayyy...
Pinikit ko ulit ang mga mata ko para balikan ang magandang panaginip ko. Wala naman akong dapat ipagmadali dahil 1:00 p.m. pa ang first class ko today at 8 a.m. pa lang ngayon.
"Ye, utang na loob bumangon ka na at i-open mo ang Twitter mo. Ang mga fans mo nagkakagulo. Hot topic si Gabby at ang lovelife mo. Inaaway siya nu'ng iba o," sabi ni Carol.
Nawala bigla ang antok ko. Anak ng kamote naman o! Mahal ko ang mga fans ko pero why can't they just leave my love life alone? Hindi ba puwedeng 'yung paglalaro ko na lang ang pansinin nila?
Agad na hinagilap ko ang iPad ko at naglog in sa Twitter. Sabog ang interactions ko. I-tag ba naman nila ako sa lahat ng comments nila eh! In fairness, marami naman akong fans na matured mag-isip. Meron lang talagang ilan na sadyang pasaway. Pero hindi ko maiwasang maapektuhan du'n sa ibang tweets na nabasa ko, especially 'yung mga masasakit ang sinasabi about Gabby. Kesyo paglalaruan lang ako at ibibilang sa collection niya. How can they judge him like that when they know so little of him?
I have a strong urge to tweet something just to shut these haters up but decided to let it go. Hindi lang matatapos ang gulo kapag alam nilang nagreact ako. Kinuha ko na lang ang phone ko and dialed Gabby's number.
"Good morning, beautiful. Why are you up so early?" bungad sa akin ni Gabby nang sagutin niya ang tawag ko. Mukhang hindi pa siya naglalog in sa Twitter dahil masaya pa ang boses niya. I have to warn him about it para hindi siya magulat.
"Ahm, Gab, have you logged in to Twitter today?" tanong ko.
"Yeah. As a matter of fact, I'm currently online and I'm getting a lot of twitter interaction from your fans," he chuckled. "Boy, you gotta admire their protectiveness!"
"Hindi ka galit or bad trip?" nag-aalalang tanong ko.
"Nope. Why should I?"
"Inaaway ka nila eh," sabi ko.
"Sus, it's nothing. Mahal ka lang nila kaya gusto ka nilang protektahan. Kahit naman ako ang nasa sitwasyon nila, I'll worry about you, too. Wait, is that the reason why you called? You're worried about me?" nanunuksong tanong nito.
"Tsss! Ayoko lang na may inaaway ang fans ko," depensa ko. Nahihiya akong aminin kay Gabby na nag-aalala ako sa kaniya.
"Weh? Hindi nga?" pangungulit niya. "Concern ka sa akin eh. Amin amin din 'pag may time."
"Che! Sige na, matutulog na ulit ako," sabi ko habang nangingiti. Buti na lang telepono lang 'to. Hindi niya nakikita ang reaksiyon ko.
"Bye, princess. Thanks for the concern... I mean, call. Go back to sleep and dream of me," biro nito bago pinutol ang tawag.
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at impit na tumili. Nyemas kang Gabby ka! Ang aga-aga mong magpakilig!
"Hala hala, kung kiligin ang isa diyan wagas na wagas. Pbb teens ka, teh?" pang-aasar ni Ara sa akin.
Bigla akong nag-angat ng mukha. "Hoy Victonara! Wala kang karapatang i-bully ako ha dahil utang mo sa akin ang love life mo," paalala ko sa kaniya.
Biglang kambiyo si Ara. "Uyy si best friend naman hindi na mabiro. Alam mo namang mahal na mahal kita eh. Ikaw pa ba ang ibubully ko eh ikaw ang master bully sa lahat ng bully sa mundo," nakangising sabi niya.
"Gagi ka! Pumasok ka na nga. Late ka na naman," pagtataboy ko sa kaniya. Ako naman ay pipilitin pang makatulog ulit kahit pinupuno ni Gabby ang isipan ko.A/N: Sorry po sa late update. Nawalan kami ng internet the past days eh. Saka busyness din lately. I will try to update daily but I won't promise na lang po. MARAMING SALAMAT PO ULIT sa lahat ng sumusuporta sa story ko. Sana po ipagpatuloy niyo pa ang pagbasa. God bless po!
BINABASA MO ANG
When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)
FanfictionHe is Mr. Heartbreaker... She is Miss Rejection, a heartbreaker in her own right. What happens when their world collides? Will they break each other's heart? Or will they allow love to start?