Chapter 17

898 18 7
                                    

Chapter 17

[Mika's POV]

"ATE! Bangon ka na raw sabi ni Mommy."

Boses ni Miko ang narinig kong gumigising sa akin. Tumihaya ako mula sa pagkakadapa ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Tinatamad pa akong bumangon.

"Five minutes pa, Miko. Sabihin mo kay Mommy," inaantok na sabi ko.

" Anong five minutes ka diyan? Expired na ang five minutes mo, Mika Aereen. Namaos na si Miko kakagising sa 'yo. Bumangon ka na diyan kung ayaw mong buhatin kita at itapat sa cold shower! Bumaba ka na at kakain na tayo."

Hala, si Kuya Perry, umagang-umaga ang sungit! Makabangon na nga at baka maligo ako ng cold shower nang wala sa plano. Pero urggghhhh! Inaantok pa talaga ako!

With my eyes half-closed, I managed to get my towel and headed downstairs. Nasilip ko pa ang hitsura ko sa salamin. Alam kong mukha akong boldstar na zombie... sabog sabog ang magulo kong buhok, puno ng muta ang mata, ang boyleg shorts na pantulog ko ay umakyat na hanggang singit kaya nagmukhang panty, at ang itim kong sando ay parang binaril sa dami ng butas. Pero hindi na ako nag-abalang ayusin pa ang sarili ko bago humarap sa dining table dahil sanay na naman ang pamilya ko sa akin. They've seen worst actually.

Pero siguro ay hinding-hindi ko magagawang magpakita kay Gabby sa ganitong hitsura. Nakakahiya, baka maturn-off siya. No, never!

"'Morning, everyone," inaantok na bati ko sa pamilya ko habang half-closed pa rin ang mga mata ko. Dire-diretso akong naglakad na parang zombie papunta sa upuan ko.

"Good morning, babe."

%!:?!,@!!! Agad akong napamulat ng mata nang marinig ko ang nagsalita. OH MY GOD! Kakasabi ko lang eh...

"Gab??? What are you doing here?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. Naudlot ang tangka kong pag-upo. Tarantang binalot ko ng tuwalya ang sarili ko at nagpunas ng mukha. Pero mas okay siguro kung sa ulo ko na lang ilagay ang tuwalya. Parang wala na akong mukhang ihaharap kay Gabby.

"Siguro naman ngayon ay magtatanda ka na, Mika," natatawang sermon ni Mommy. "Nakita ka ng boyfriend mo sa nakakahiyang ayos. Maybe this will serve you a lesson to always be presentable the moment you stepped out of your room."

Hala, alam na pala nila ang tungkol sa amin ni Gabby. Ngayon ko pa lang sana balak sabihin eh, naunahan na pala ako.

Itinuloy ko na ang pag-upo. Sa gawing kanan ni Gabby ang puwesto ko.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Ni hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka," nakasimangot na baling ko sa kaniya.

Ang hudyo, may gana pa talagang tumawa!

Naiinis na kinurot ko siya sa kanang hita. "Sige, tawa pa," pabulong na sabi ko.

"Ouch!" nakangiwing sabi ni Gabby habang hinuhuli ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Tumigil na siya sa pagtawa pero umiilaw pa rin ang mga mata. "'Di ba I told you last time I'll see you on Sunday? Saka Mommy Baby invited me to join you sa mass today eh," paliwanag niya.

"Teka, teka... Mommy talaga ang tawag mo sa Mommy ko?! Wow, pare... ang lakas-makaassume ha," nang-aasar na sabi ko kay Gabby. Makaganti man lang sa pagkapahiya ko kanina.

"Ako ang nagsabi kay Gab na mommy ang itawag sa akin," sabat ni Mommy bago pa makasagot si Gabby. "Bakit, may problema ba, Mika?"

"Wala po, 'My," tahimik na sabi ko. Isang kurot ulit ang binigay ko kay Gabby nang belatan niya ako. Si mommy naman kasi basag-trip eh!

I'm just teasing Gab but I'm actually happy that he gets along well with my family. Si Ate Aereen na lang ang hindi niya pa nakikilala dahil may sarili na siyang pamilya pero confident ako na magugustuhan niya rin si Gab.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon