Chapter 5
[Mika's POV]
MULA nang maganap ang insidente sa canteen ay iniwasan ko nang makita si Gabby. Kung noon ay lagi akong present sa mga basketball games at practices ng Green Archers, ngayon ay pinakaiiwas-iwasan ko nang magawi man lang sa gym kapag oras ng practice nila. Kahit ang makasalubong siya sa corridor ay ayoko na. Not that I'm being bitter about what happened. Oo, masakit pa rin kapag naiisip ko 'yun pero tanggap ko nang hindi siguro si Gabby ang nakatakda para sa akin. Sabi ni Mommy, bawat isang tao raw sa mundo ay may nakatadhanang maging kasama niya sa pagtanda. Maybe there's somebody out there who's really meant for me. Akala ko lang siguro na si Gabby 'yun pero hindi naman pala. Sayang nga kasi ang dami kong ni-reject na suitors kakahintay kay Gabby. What if isa na pala sa kanila ang meant for me? Pero Mommy said that if two people are meant to be together, they will be together... eventually.
Well, naniniwala naman ako kay Mommy. Kaya 'eto, tinigil-tigilan ko na ang kakaasa na may mapapala ko kay Gabby. Aba eh nakakapagod rin ngumanga! Isang taon din 'yun eh. It was during the opening games of men's basketball season last year when I first noticed Gabby. He was a rookie, sophomore naman ako. Ahead ako sa kaniya ng one year dito sa La Salle kahit mas matanda siya sa akin ng buwan. Rich kid kasi 'yun kaya nag-grade seven pa. Samantalang ako, sa mababang paaralan ng Pulilan lang nag-grade school... Sige, self-pity pa, Mika!
Anyway, when I first saw him, I instantly had a crush on him. Eventually lumalim yung feelings ko for him. Kaso, 'ayun nga... hindi mutual eh. Kaya kahit mahirap magmove on, kailangang kayanin.
"Naku, baks, si Gabby pasalubong sa atin. Tara, punta muna tayo sa canteen," tarantang yaya ko kay Cienne. Kakalabas lang namin ng classroom at papunta sana kami sa library para magresearch nang makita kong makakasalubong namin si Gabby kasama si Axel Torres.
"Ano ba, baks, obvious naman tayo niyan eh. Ang lapit na kaya nila sa atin. Magtataka lang 'yun kapag umiwas tayo," pabulong na sabi ni Cienne. "Tango ka na lang 'pag binati ka."
Wala na nga akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Cienne.
"Hi, Cienne. Hi, Mika," nakangiting bati ni Gabby pagtapat nila sa amin.
"Hi, Gab. Hi, Axel," ani Cienne sabay ngiti sa dalawa. Gumanti naman ng ngiti si Axel kay Cienne.
Ako naman ay mabilis na tiningnan si Gabby at tumango. Simpleng ngiti naman ang binigay ko kay Axel tapos nagpatuloy na kami ni Cienne sa paglakad.
Halos kaladkarin ko na si Cienne papunta sa library para makaiwas na kami kay Gabby. Awa ng Diyos naman ay nagawa ko pa ring magconcentrate sa research namin kahit bothered ako kanina sa engkuwentro namin ni Gabby. Two weeks na rin kasi 'yung eksena namin sa canteen tapos ngayon na lang kami ulit nagkita. Pero something's off du'n sa reaksiyon niya kanina nu'ng tumango lang ako sa kaniya. He seemed... sad, I don't know. Baka feeling ko lang. Ewan. Ayoko nang isipin pa siya.
Kinagabihan ay naisipan ko na i-open ulit ang Twitter account ko. It's been a while mula ng huli akong magcheck dahil naging sobrang busy sa school.
Expected ko nang sabog ang mentions. Ang daming tweets from fans. Thankful ako sa support nila pero hindi ko talaga kayang magreply sa lahat ng tweets nila eh. I tried to answer some before replying to my friends na.
Online din pala sina Ara at Kim kaya heto at nag-aasaran kami ngayon sa Twitter tulad ng madalas naming gawin. Nasa iisang kuwarto lang naman kami at halos magkakatabi sa higaan pero nagpapalitan pa kami ng tweets. Lakas naming magtrip eh.
@kimfajardo9: Hoy damulag @mikareyesss may HOPIA ako, you want? Hahaha
@VSGalang: uy baks @kimfajardo9 , ang hard nu'n ha! Tagos hanggang last cuticle ng hair ni damulag @mikareyesss hahahahaha
BINABASA MO ANG
When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)
FanfictionHe is Mr. Heartbreaker... She is Miss Rejection, a heartbreaker in her own right. What happens when their world collides? Will they break each other's heart? Or will they allow love to start?