Chapter 1

1.6K 18 1
                                    

Chapter 1

[Mika's POV]

RIIIINNNNNGGGG!!!

Hayy, salamat bell na. Tapos na rin ang student life ko for today.

"Mika, bilisan mo dyan. Malelate na tayo sa training," narinig kong sabi ni Cienne na nasa bungad ng pinto. Classmate ko siya at teammate sa volleyball.

'Ayun, may training pa nga pala kami. Habang ang mga classmates namin ay nagmamadali para pumunta sa gimik o date after class, kami ni Cienne ay nagmamadaling pumunta sa gym para sa date namin... kay Coach. Ang hirap talagang maging student-athlete, walang social life!

Naku, daldal na ako ng daldal pero hindi pa pala ako nagpapakilala. Sareeh naman! Ako nga pala si Mika Aereen Reyes, nineteen years old, third year AB-Psychology student at middle hitter ng DLSU Lady Spikers. I'm sure kilala niyo 'yung team namin, 3-peater kaya kami sa UAAP. Uyy 'di ako nagyayabang ha. Totoo naman 'yung sinabi ko eh.

I'm on my third year na with the team, and so far happy naman ako. Kahit sobrang patayan ang training namin, fulfilling naman kasi ilang beses nagchampion ang team namin. At sana mapagpatuloy pa namin--

"Hoyyy!"

"Ayyy naknampu-- Ano ba!" angil ko kay Cienne bago yumuko para damputin ang mga libro kong nahulog nang kalampagin niya ang upuan ko.

"Ano ba ka rin!" sagot nito. "Sabi ko sa 'yo magmadali ka na dahil malelate na tayo tapos para kang nang-aasar dyan na ngayon mo pa napiling magdaydream. Kapag tayo pinadouble training ni Coach mamaya, tatalakan kita ng walang humpay sa dorm," banta nito bago bumirada ng alis.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling sumunod kay Cienne. Syempre ayoko ring maparusahan ni Coach. Super strict kaya nu'n.

Lakad-takbo ang ginawa namin ni Cienne. Ang layo pa naman ng building namin sa gym. Hingal-kabayo na kami sa ginagawang walk-a-thon.

"Huyy, Ciennang! Wait naman," angal ko nang bilisan niya ang takbo. Palibhasa ang liit ng babaeng 'to kaya ang bilis kumilos eh. Lugi ako dahil sa height ko. Wala akong choice kundi tumakbo na rin.

Sa wakas ay malapit na rin ako sa pinto ng gym. Konting hakbang na lang iyon nang biglang...

BOGSHHH!

"What the hell!"

Hindi ko pinansin ang pagalit na boses na 'yon. Natulala ako sa mukhang nasa harapan ko. OH. MY. GOD. Is this really happening or am I just dreaming? Parang lyrics lang sa kanta eh no? Pero seriously, hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ako sanay na titigan ang ubod ng guwapong mukhang ito sa malapitan. I'm so used to seeing him from a far lang. Ohmaygulay! Sobrang lapit ng mukha niya, kitang-kita kung gaano kaflawless ang skin, ang mapupungay na mga mata, ang mahahabang eyelashes, ang rosy cheeks, ang matangos na ilong, at oh wow... those sexy sexy red lips!

Ang guwapo mo talaga, Gabby Reyes!!!

"Well, thanks, Mika, but I already know that," smug na sabi ni Gabby.

"Huh??" Anong sinasabi nito? At kilala niya pala ako.

"You said, 'ang guwapo mo talaga, Gabby Reyes'. Matagal ko nang alam 'yon. And of course I know who you are. You are the most popular girl in the UAAP."

Hala ka! Nasabi ko pala ng malakas 'yun. Akala ko sarili ko lang ang kausap ko. Naman, Mika oh!

"Yes, you said it to yourself... LOUDLY," ani Gabby, may amusement sa tinig nito.

Hiyang-hiya ako, grabe! Tinikom ko na lang ang bibig ko at baka kung ano-ano pa ang masabi ko. Quota na ko sa kahihiyan for today. At sa lahat naman talaga ng makakawitness ng kashungaan ko kailangan talagang ang ultimate crush ko pa eh no! Why, destiny, why? Paghihinanakit ko habang nakasubsob sa napakabango at napakatigas na... Teka, saan nga ba ako nakasubsob??

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon