Chapter 13
[Mika's POV]
I decided to wait for the perfect time bago ko sagutin si Gabby. Naniniwala naman akong mahal niya ako but he still needs to earn my trust. So far naman, I can say that I'm almost there. Nakikita ko naman ang effort niya na umiwas sa babae. Alam kong studies, basketball at ako lang ang focus niya kaya it might not take a while at sasagutin ko na siya. But right now, chill lang muna. Wala namang dapat ipagmadali dahil mga bata pa kami.
Anyway, it's the end of my last class for today. As usual papunta kami ni Cienne sa gym para magtraining. Palabas na kami ng building nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita kong palapit sa akin ang isang napakagandang babae, tingin ko same age lang kami.
"Mika Reyes," sabi niya sa akin. Hindi siya mukhang nagtatanong kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko. She sounded a little unfriendly kaya pati si Cienne ay napatitig sa kaniya. May pagkaaristokrata ang arrive nitong girl na 'to. Mukha siyang may lahing kastila dahil kulay mais ang buhok niya at pangMexican novela ang features ng mukha niya.
"Yes?" tanong ko sa kaniya.
She looked at me from head to toe, as in literal na pinasadahan niya ako ng tingin. Mahaba ang pasensiya ko pero medyo nairita ako sa kaniya.
"So, ikaw pala ang flavor of the month ngayon ni Gab." So iyon pala ang dahilan... si Gabby.
"Excuse me... Ilang buwan na siyang nililigawan ni Gabby so you couldn't call that 'flavor of the month'... More like an all-time favorite," mataray na sabat ni Cienne. Obvious na iritado siya kay Miss Spain.
Pasimple kong kinurot si Cienne upang tumahimik. Baka mapaaway pa kami nito. Tiyak lagot kami kay Coach.
"All-time favorite? You wish!" Tumawa ito ng nakakainsulto. "Are you sure you're the only one?" sarcastic na tanong niya sa akin.
Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Cienne kaya inunahan ko na siyang magsalita.
"Ahm, excuse me, Miss, pero ano ba ang kailangan mo sa akin? May training pa kasi kami kaya kung pwede sana sabihin mo na kung ano ang pakay mo para makaalis na kami," mahinahong sabi ko. Marami-rami na rin akong basher na naencounter sa social networking sites kaya hindi na ako masyadong nabother. Although first time kong maexperience na may magbash ng face to face.
"Alright. I'll be straight to the point then... Stay away from Gabby. You hear me? Hindi ka bagay sa kaniya," nakataas ang perfectly arched brows ni Miss Spain.
"At sino ka naman para sundin ka ni Yeye, aber?" mainit na sagot ni Cienne.
"My name's Isabel. But I'm not talking to you so please, shut up," mataray na sabi niya kay Cienne.
Agad na namula ang buong mukha ni Cienne. Alam kong isang provocation na lang at iigkas na ang kamay niya kaya agad kong hinawakan ang mga kamay niya bago ko hinarap si Isabel.
Sa nagtitimpi kong tinig ay kinausap ko siya. "Sorry, Isabel, pero hindi ako ang dapat mong pagsabihan niyan kundi si Gabby. Hindi naman kasi ako ang lapit ng lapit kundi siya. Aside from that, I don't think it's any of your business kung sino man ang gusto kong lapitan. I make my own decisions. And lastly, I don't care kung tingin mo hindi ako bagay kay Gab. I don't know you so I don't value your opinion." Pagkasabi ko nu'n ay hinila ko na si Cienne palayo.
SA LOOB ng gym habang practice...
"Bes!" sigaw ko ngunit huli na.
"Nyeta, Yeye! Ang sakit ha! Kung kanino ka man galit, 'wag mo sa akin ibunton," asar na sabi ni Ara habang sapo niya ang mukha. Hindi sinasadyang nafacial ko siya.
Agad akong lumapit at niyakap siya.
"Sorry, bes! Hindi ko talaga sinasadya, promise. 'Wag ka nang magalit please. Patingin ko nga," sabi ko at iniangat ang mukha niya. Namumula ang kanang bahagi ng mukha ni Ara. Patay ako kay Thomas nito!
"Ano bang problema, baby?" tanong ni Ate Aby sa akin na lumapit upang tingnan si Ara. Tumawag muna si Coach ng fifteen minute break.
"Wala po, Ate Aby," maiksing sagot ko. Ayoko munang ikuwento ang nangyari kanina hangga't 'di ko nakakausap si Gabby.
"Ano bang wala eh kanina ka pa ganiyan mula pagdating niyo ni Cienne," sagot ni Ate Aby. "And speaking of Cienne... Isa ka pang lukaret ka," baling ni Ate Aby kay Cienne. "Kanina ka pa gigil na gigil kaya panay outside ang tira mo. Ano bang problema niyong dalawa? Napagalitan ba kayo ng prof niyo?"
Tumingin muna si Cienne sa akin. Saglit kaming nag-usap sa mata bago siya sumagot. "Hindi po Ate. Marami lang kasi kaming assignments today. Sorry. Magpofocus na kami ni Yeye."
"O, siya, tama na 'yan. Back to serious training na ulit at baka si Coach naman ang mapikon sa inyo," sabi ni Ate Aby at bumalik na sa gitna ng court.
Muli akong nagsorry kay Ara bago bumalik sa training. She seems fine na. Buti na lang hindi siya nagalit ng tuluyan. Ano ka ba naman kasi, Mika? Focus! 'Wag mo munang isipin 'yung mga sinabi ni Miss Spain. Talk to Gabby before making conclusions. 'Wag magpaapekto!
It took all my will power to focus on the practice. Mabuti na lang at nagawa ko naman dahil kung hindi, sermon ang aabutin ko kay Coach.
Mamaya na lang after practice kami magtutuos ni Gabby.
[Gabby's POV]
"Hi, lover boy!" Nagulat ako nang bigla na lang may yumakap sa akin from behind. Nandito kami ng mga teammates ko sa Seventh High Bar at nag-a-unwind. Sobrang toxic kasi nu'ng last few weeks namin because of the exams and intense training ni Coach Juno. Bago kasi ang head coach namin kaya matindi na naman ang training. Mabuti na lang at binigyan niya kami ng free time today.
Agad kong tiningnan kung sino ang yumakap sa akin. Dali-dali kong inalis ang mga kamay ni Trisha na nakapulupot sa leeg ko. Si Trisha ang last fling ko six months ago. I stopped dating her when I started courting Mika.
"Trish, stop," seryosong saway ko. Ni hindi man lang siya naconscious sa mga kasama ko sa table.
"It's quite loud here, babe. Why don't we go somewhere quiet?" yaya ni Trisha. Nilapit niya pa ang bibig niya sa tenga ko. Sa sulok ng mata ko ay nakita kong nagngingisihan ang mga teammates kong sina Avo, Luigi Dela Paz at Jed Manguera. Mataman namang nakatingin sa amin si Jeron.
"Sorry, Trish. I can't," sagot ko. Nakita kong nagpalitan ng tingin ang mga teammates ko.
"Come on, Gab... It's been a while since we hang out eh. I missed you, big boy," pilit pa rin nito. She smiled seductively while looking at me. Marahan niyang pinagapang ang kamay niya sa batok ko papunta sa mukha ko. Her fingers gently traced the outline of my lips.
Ngunit imbes na madala sa pang-aakit ni Trisha ay lalo pa akong nairita. Malapit nang maubos ang pasensiya ko sa kakulitan niya. Hinawakan ko ang kamay niya at inilayo sa mukha ko.
"Trish... Didn't we talk about this before? I thought we agreed that we will stop dating?" bakas ang frustration sa boses ko. Bakit ba may mga babaeng hindi makaintindi? I'm no longer who I used to be. Playtime's over. Why is that so hard to understand?
"Okay, fine," nakasimangot na sabi ni Trisha nang makita niyang seryoso ang mukha ko. She probably noticed I've never been more serious in rejecting women now than before. I've finally found the girl I've been looking for so the search is over. "I'll leave you alone now. But not after this..."
Hindi na ako nakareact nang bigla niya akong halikan sa labi. I was non-responsive while she's kissing me passionately. Alam kong hihinto rin siya if I remain passive. There were hoots and calls from my teammates. Naka-attract na rin ng attention ng ibang tao ang ginagawa ni Trisha pero hinayaan ko siya. Eventually ay huminto na nga siya at umalis.
Nakahinga ako ng maluwag nang umalis si Trisha. Sinundan ko pa siya ng tingin upang masigurong papalabas na siya ng bar. Kung hindi siya nagpasyang umalis ay siguradong ako ang aalis.
Ngunit saglit lang pala ang relief na naramdaman ko dahil paglingon ko sa may bandang kanan ko ay nakita ko ang nakatulalang mukha nina Ara at Thomas. And standing beside Ara was Mika...
BINABASA MO ANG
When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)
FanfictionHe is Mr. Heartbreaker... She is Miss Rejection, a heartbreaker in her own right. What happens when their world collides? Will they break each other's heart? Or will they allow love to start?