Chapter 23

881 22 9
                                    

Chapter 23

[Mika's POV]

"REYES and Reyes!"

Awtomatikong naghiwalay kami ni Gabby nang marinig ang boses ni Coach Ramil.

What the hell had just happened?!  Did he really kiss me?  And did I just kiss him back?

Gulong-gulo ang isip ko at hindi ako makatingin kahit kay Coach.  Parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko sa labis na kahihiyan.  Sobrang hiyang-hiya ako na nahuli niya kami sa ganoong sitwasyon.

"Both of you in my office.  Now!"  Iyon lang at tumalikod na si Coach Ramil na namumula sa galit.

Waaahhhh galit na galit si Coach.  Patay kang Mika ka!

Wala sa sariling pumihit ako para sumunod kay Coach.  Ngunit hindi ako nakalayo dahil may pumigil sa kamay ko.

Nagtatanong ang tingin na nilingon ko si Gabby.

He held both my hands and said, "Everything will be fine, Ye.  Hindi kita papabayaan."

A warm, fuzzy feeling enveloped me.  I don't know but despite what happened between us, my heart still trusts his words.

Tumango lang ako at nauna nang maglakad.

Naupo kami sa magkatapat na visitor's chair sa office ni Coach.

"What was that all about, Mr. Reyes?" mahinahon ang pagkakatanong ni Coach kay Gabby pero sa tagal ko nang kilala si Coach Ramil alam ko na kung ano ang boses niya kapag galit siya at kapag galit na galit siya.

So far, nasa galit na galit na level na siya.  Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko at hilingin na sana ay bumukas ang lupa at kunin na lang ako.  Sobra sobrang kahihiyan talaga ang nararamdaman ko.

And I can't shake the guilty feeling as well.  It's all so wrong.  Bakit ako pumayag makipaghalikan sa lalakeng may girlfriend na?

"Coach, it's all my fault po.  She bumped into me and lost her balance.  I broke her fall and I-I... Ako po ang nagtake advantage kay Mika.  Wala po siyang kasalanan.  Please allow her to go.  I will take all the consequences po," narinig kong sabi ni Gabby.

Shocked na napatingin ako sa kaniya kaso nga lang ay hindi siya nakatingin sa akin.  Bakit inaako niya lahat?  I am as much to blame as he is and he knows it!

"I hope you understand the gravity of what you did, Mr. Reyes."

"Yes, Coach," nakayukong sagot ni Gabby.

"Nasa Code of Conduct ng inyong Student's Handbook na mahigpit na ipinagbabawal ang kahit anong form of public display of physical intimacy dito sa loob ng campus.  Naiintindihan mo rin ba ang kaukulang punishment dito?" tanong ni Coach Ramil.

So silang dalawa lang talaga ang nag-uusap?  Hindi ako kasali, ganun?

"I do, Coach. And wala po akong reklamo."

"Okay, good.  I will prepare the report and send it to the Discipline Committee.  Hopefully you'll get the minimum penalty, probably just a one week suspension since wala ka namang bad record dito sa school.  Or at least do a community service.  But your scholarship and slot sa basketball team could be at stake."

Loading pa ang utak ko kaya hindi ko agad nasundan ang pinag-uusapan nila.  It took a while bago naprocess ng utak ko ang lahat ng narinig ko.

"One week suspension???  For Gabby?  No, no, no!  Hindi pwede, Coach!  Hindi naman niya kasalanan.  Ako ang may kasalanan kaya kami nagkabanggaan.  Please, Coach... Let this incident go.  Promise, hindi na po mauulit.  Huwag niyo na pong ipasuspend si Gabby," frantic na pakiusap ko.

"Let this incident go?!  Mika Reyes! Are you asking me to lie??" napataas ang boses na tanong ni Coach sa akin.

"No po, Coach," nakayukong sabi ko habang kagat-kagat ang labi ko. "Nakikiusap lang po ako kung pwedeng 'wag niyo na lang i-report.  Wala naman pong nakakita.  Saka bakit si Gabby lang ang paparusahan?  May kasalanan din po ako.  If you're going to suspend him, I should also suffer the same consequence."

"Even if it means kicking you out of the volleyball team?" nakataas ang kilay na tanong ni Coach Ramil.

Hindi ako agad nakapagsalita.  Ganu'n ba talaga kabigat ang parusa sa ginawa namin?

Sasagot na sana ako ng oo ngunit naunahan ako ni Coach na magsalita.

"You're one of the best players I have, Yeye.  Ayokong mawala ka sa team.  And you don't have to think about it.  Inako na ni Gabby ang lahat base sa mga statements niya kanina," sabi ni Coach Ramil.

"Pero--"

Nabitin ang pagsasalita ko nang masuyong haplusin ni Gabby ang pisngi ko.  "Enough, Yeye.  It's okay.  It all started with me naman talaga.  So I should be a man and own it.  Hayaan mong itama ko ang pagkakamali ko," bahagyang nakangiting sabi niya.

Hayaan mong itama ko ang pagkakamali ko.  Bakit ganu'n?  Bakit pakiramdam ko ay may iba pa siyang gustong tukuyin du'n sa linyang 'yun?

Nakupo!  Hindi ko na naman mapigilang mag-assume.  Deliks!  Gising, Mika, gising!  May girlfriend na si Gabby, remember? Spell T-A-K-E-N?

Naguguluhan ako.  Hindi lang dahil sa bilis ng mga pangyayari kundi dahil sa mga emosyong akala ko ay matagal ko nang nailibing sa pinakatagong bahagi ng puso ko ngunit nagtatangka na namang bumalik.

Nang i-dismiss kami ni Coach ay wala na akong nagawa para baguhin ang desisyon niya.  Ipagpepray ko na lang na sana ay hindi suspension ang penalty ni Gabby.


[Gabby's POV]

DESPITE the heaviness of the situation, I still can't help but feel so happy.  I got to kiss her and she kissed me back!

Alam kong hindi biro ang kinakaharap kong sitwasyon.  First time kong magkaroon ng offense sa school.  At tulad nga ng sinabi ni Coach Ramil, it could mean losing my scholarship and being kicked out of the team.  I know my parents will be extremely upset.  But that's the least of my concern right now.  I know eventually they will understand.  They always do.

Kung bibigyan ako ng chance na i-rewind ang lahat ng nangyari kanina, ganu'n pa rin ang gagawin ko. Hindi ko pinagsisisihan na hinalikan ko siya.  It was a spur of the moment but it felt like it was the most rightful thing to do.  It's been way too long since I had her in my arms.  And kissing her again has always been in my dreams.  Akala ko ay hanggang pangarap na lang 'yun.  Who would have thought that dreams do come true?

And what happened after that was way beyond what I imagined.  She kissed me back!  Sa lahat ng pinagdaanan namin at sa laki ng galit niya sa akin, iyon ang isang bagay na hindi ko na inaasahang mangyayari.  But it did.  Does it mean na may feelings pa rin siya for me?  Baka.  Sana.

All of a sudden I found the courage to tell Mika everything.  I should have done it before but I chickened out.  Hahanap lang ako ng tyempo pero this time ay desidido na ako.  Ngayon ay hindi ko na papalampasin ang pagkakataong sabihin sa kaniya ang lahat lahat.  Hihingi na rin ako sa kaniya ng isa pang chance.  Handa akong maghirap ulit na ligawan siya if that would mean getting her trust back and getting her back in my life.

Despite my impending one week suspension, there's a big smile on my face that I can't erase.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon