Chapter 15

979 24 10
                                    

Chapter 15

[Mika's POV]

Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa kong libro nang pumasok si Cienne sa room.  Inabot niya sa akin ang dala-dalang bulaklak.  I caught a glimpse of the familiar logo of the flower shop.  May card na kasama ang flowers pero hindi ako nag-abalang basahin iyon.  Itinabi ko lang sa side table ang mga bulaklak

"Umalis na siya," bungad niya sa akin.  Tumango lang ako sa kaniya at itinuloy ang pagbabasa.  Naramdaman kong tumabi sa akin si Cienne.

"Baks, hanggang kailan mo ba siya hindi kakausapin?  Ilang beses na siyang pabalik-balik dito pero hindi mo hinaharap.  Tapos sa school pinagtataguan mo rin siya.  Naaawa na ko sa kaniya, Ye," sabi niya.

Hindi ako kumibo.  Isang linggo na mula nang mangyari ang insidenteng iyon ngunit hindi ko pa rin magawang kausapin si Gabby.  Araw-araw siyang tumatawag, halos oras-oras na nga, pero hindi ko sinasagot ang tawag niya.  I don't even respond to his text messages.  Humupa na ang intensity ng galit ko sa kaniya pero nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko ang nakita ko at ang sinabi ni Isabel.

"Ye, kung makikita mo lang siya ngayon, maaawa ka rin sa kaniya," patuloy ni Cienne nang hindi ako magsalita.  "Parang bigla siyang namayat tapos nanlalalim ang mga mata.  He looks like he hasn't been sleeping well.  Tapos I've heard from Thom na palagi siyang napapagalitan ni Coach Juno dahil wala raw sa focus.  He's being benched lately."  Nagbuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy.  "Naikuwento na sa amin ni Jeron ang totoong nangyari.  Walang kasalanan si Gabby, Ye.  Kung nasasaktan ka ngayon, mas nasasaktan siya dahil ipinapakita mo sa kaniya na wala kang tiwala sa kaniya.  Baks, have a heart naman...  Kung ayaw mo na sa kaniya dahil sa nakita mo at sa doubt na itinanim sa 'yo ng bruhang si Isabel, just tell it straight.  Bastedin mo na ng tuluyan.  Don't keep him hanging kung wala na talagang pag-asa.  Alam kong bully ka at mataray sa mga suitors but I've not known you to be this cruel."  Iyon lang at lumabas na si Cienne.  Magpeprepare na raw siya dahil may pasok kami.

Humiga ako sa kama at nag-isip.  Tinamaan ako sa sinabi ni Cienne.  Ang totoo, nakikita ko ang lulugo lugong hitsura ni Gabby mula dito sa bintana kapag dumadalaw siya at hindi ko hinaharap.  Napansin ko din ang lahat ng observation ni Cienne.  He really looked distraught.  Gustong gusto ko na siyang lapitan at makipag-ayos pero natatakot ako.  Paano kung mangyari ulit 'yun sa susunod?  Kakayanin ko bang ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kaniya?  Pero paano?  Hindi ako marunong lumaban.  Sa court lang ako maangas pero hindi ako ganon off the court.  I can't even speak out sa mga bashers ko at sa mga fans na pasaway.  It's always Ara and the bullies who fight for me.

Ahhhhh!  Bahala na si Batman!  Nagdesisyon akong tapusin na ang pandededma ko kay Gabby.  It's time to hear his side.

Kinuha ko ang phone ko upang i-dial ang number ni Gabby.  Thirty one missed calls!  All from him.  At ngayong araw lang 'yan.  Pinindot ko ang keypad for his number... then press the cancelled button.  Mas mabuti yata kung personal kaming mag-usap.  I'll talk to him later para maliwanagan na ang lahat.  Pero for now, I gotta get ready for school.

[Gabby's POV]

I drove straight to Alabang after coming from Mika's dorm.  Ganun pa rin.  She still refused to see me.  Sabi ni Cienne umalis raw si Mika but I know in my heart she's there... ayaw lang niya akong harapin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.  Gusto ko lang siyang makausap to explain my side.  But she won't give me a chance.

I feel so frustrated.  Pakiramdam ko lahat ng efforts ko to win her over went down the drain.  All because of Trisha.

Aahhhhhh!  Trisha.  Just thinking of her name makes my blood boil.  I don't know what got into her.  The last time we saw each other, we parted in good terms.  I even heard she's already dating that Fil-Am soccer player.  I can't understand why all of a sudden she would show up and kissed me in front of those people.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon