Chapter 22

840 21 12
                                    

Tentententen... Ang susunod na update ay Rated SPG.  Striktong patnubay at gabay ng magulang ay kailangan.  Maaaring naglalaman ng maseselang tema, lenguahe, karahasan, sexual, horror, o droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa.  :)

Chapter 22

[Mika's POV]

"Ano'ng meron?  Para saan itong kumperensiyang nagaganap?  Saka sino ang pulutan?" tanong ko sa mga roomies ko na sina Carol, Ara, Kim, Camille at Cienne. Naabutan ko kasi silang seryosong nag-uusap nang pumasok ako sa kwarto.

"Sino'ng pulutan? Eh 'di syempre kung sino 'yung wala dito kanina," nakangising sabi ni Ara.

"Don't tell me ako na naman 'yan?" angal ko.

Nagtawanan lang ang mga lukaret.

"Natural ikaw ang topic. Ikaw lang naman ang short hair na long hair eh," sabi ni Kim sabay tawa.

"Patawa!  Ano na namang tungkol sa akin?  Bakit kailangan ng pagpupulong?" tanong ko at nakisiksik sa pagitan nila ni Ara.

"Kasi baks, base sa mga nakaraang kaganapan, we therefore conclude, mahal ka pa rin niya!" sabi ni Carol na may kasama pang pagtili.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kilig. May bahagi ng pagkatao ko ang parang natuwa sa sinabi ni Carol.

"Pwede ba!  Isang taon na kaming wala ni Gabby.  Imposible 'yang sinasabi mo," sa halip ay sabi ko sa kaniya.

Nagpalitan ng tingin ang lima.

"Damulag, si Jeron ang tinutukoy namin," sabi ni Kim.

Napahiya naman ako du'n. Bakit ko ba kasi naisip agad si Gabby?

Kasi, Mika, aminin mo na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya, bulong ng isip ko.

No, no, no!  May Jelly na siya kaya dapat kalimutan ko na talaga kung ano man itong nararamdaman ko.  Hindi ako pang-other woman kaya erase, erase, erase!

"Ahhh si Jeron ba?  Ano ba kayo?  Friends lang kami.  'Wag niyo ngang lagyan ng malisya.  Sadya talagang mabait at sweet lang siya," sabi ko.

"Sus, friends!  May friends bang ganu'n?  Isang tawag mo lang iniiwan niya lahat ng ginagawa niya para puntahan ka?  Daig pa ang doktor sa pagiging on-call," komento ni Carol.

So hindi lang pala ako ang nagkakaroon ng malisya sa mga pinapakita ni Jeron.  Pati pala ang mga kaibigan ko ay napupuna na rin ang extra sweetness at attentiveness niya.  Kasi naman kung tratuhin niya ako, parang ako lang ang babae sa campus.  Pero wala naman siyang binabanggit na kahit ano tungkol sa feelings niya or kung ano ang intensiyon niya.  Nakakahiya lang mag-assume.

"Damulag, magsabi ka nga ng totoo... ano ba talaga ang status niyo ni Jeron?  Araw-araw kayong magkasama.  Last time na umuwi ka sa inyo, bitbit mo siya.  Sa mga games nila, nandu'n ka.  Sa mga games natin, nandu'n siya.  Hindi na kayo mapaghiwalay.  Kulang na lang ay dito siya matulog eh," pang-iintriga ni Kim.

"Exagg mo, Kim," sabi ko.  "Magkaibigan nga lang talaga kami.  Saka hindi naman nanliligaw si Je."

"Eh kung manligaw ulit, may pag-asa?" tanong ni Carol.

"Hmm... ewan ko," sagot ko.

Nagulat ako ng biglang napalatak ng malakas si Ara.

"Deliks kayo, kambal!" sabi ni Ara, sabay tawa.  "EWAN na ngayon ang sagot ni Yeye samantalang nu'ng unang manligaw si Jeron, matigas na WALA ang sagot sa atin."

Bigla akong naguluhan.  "Teka, anong konek ni Jeron sa kambal?  Bakit delikado kayo?" baling ko kina Cienne at Camille.

"Ah eh, hehehe, kasi du'n sa party ni Thomas kanina, nafeel namin 'yung tension sa pagitan nina Gabby at Jeron.  Grabe, para kaming nanonood ng teleserye.  Sweet-sweetan kasi kayo ni Jeron nu'ng una tapos nu'ng lumabas si Gab, ayun!  Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig ang peg.  Tapos 'yung mga tinginan niyo pa ni Gabby... ay sows!  Ang lakas maka-Daniel at Katarina!" kinikilig na sabi ni Cienne.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon