Chapter 24.1

808 22 6
                                    

Chapter 24.1

[Mika's POV]

GABI na natapos ang event na pinuntahan namin ni Jeron.  Nakakapagod pero masaya naman.  Saka masaya talagang kasama ang chinitong mama na ito.  Swak kasi ang ugali namin.  Pareho kaming kalog at makulit.  Parang siya ang male version ko.

"Nagdedaydream ka na naman about me," puna ni Jeron pagkababa ko ng kotse niya.  Hinatid niya kasi ako sa dorm.  "I told you, you don't have to live with a dream kasi nandito naman ako.  I can make your dreams come true," swabeng banat niya.

Natawa naman ako.  "Ungas!  Lakas mong mag-assume.  Saka gabi na kaya hindi na daydream 'yun," pagbibiro ko.

"Eh 'di sige, night dream," nakatawang sakay niya sa joke ko.  "Pero seriously, Ye..."  He paused as he comes nearer.  "I'm here for you. I always have."  He was looking at me straight in the eyes.

Bigla akong naconscious.  Uh-oh! What was that, my heart? Bakit biglang bumilis ang tibok mo?

Sa tinagal-tagal na naming magkakilala ni Jeron, parang ngayon lang ako nakaramdam ng kakaiba sa kaniya.  Hindi man ito katulad ng naramdaman ko, and probably nararamdaman pa rin, for Gabby, but I know it's something special.

"I know I've told you before na tanggap ko na hanggang magkaibigan lang tayo.  I'm still willing to be your friend, Ye.  But I just want you to know that I can be more than that if you will only allow me.  Kasi hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa 'yo."

Huminto siya sandali and moved one step forward. Now we're standing literally face to face.

"Yeye, pwede mo kayang subukan kung kaya mo na akong mahalin?"

Napayuko ako.  Somehow ineexpect na ko nang sasabihin niya ito one of these days.  Kaya lang ay hindi pa rin ako handa.  Oo, may nararamdaman ako para sa kaniya pero hindi ko alam kung sapat na ba iyon. Ayokong gawin kay Jeron ang ginawa sa akin ni Gabby.  Gusto ko kung tatanggapin ko si Jeron ay dahil mahal ko siya ng buong-buo, 'yung walang pag-aalinlangan.  Ayokong maranasan niya 'yung sakit na naramdaman ko nu'ng ipagpalit ako ni Gabby sa ex niya.

Kaso sa ngayon kasi ay nasa puso ko pa rin si Gabby.  Kahit ayoko, kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na magmahal ng iba, siya at siya pa rin ang nandito.

But at the same time, hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Jeron.  Mahalaga siya sa akin.  Sobra na akong naging dependent sa kaniya at alam kong malulungkot ako ng sobra kapag nagkalayo kami.  Kung puwede nga lang na ganito na lang kami habang-buhay, walang label ang relasyon pero nagkakaintindihan.  Kaso alam kong unfair 'yun.

"Ahhmm, Je... ano, kasi--"

"It's okay, I get it," malungkot na putol ni Jeron sa gusto kong sabihin.  "Si Gabby pa rin ang mahal mo after all this time.  Pero, Ye, may mahal na siyang iba.  Don't you think it's about time na buksan mo ang puso mo para sa iba?"

Napabuntong-hininga ako.  "I know, Je.  And that's what I intend to do, really.  I just need some time. Hindi naman kasi ganu'n kadali 'yun eh.  Hindi naman natuturuan ang puso.  Kung pwede nga lang sana na basta ko na lang alisin ang nararamdaman ko para sa kaniya 'di ba kaso hindi eh.  Hindi--"

Natigil ako sa pagsasalita nang lumapat ang isang daliri ni Jeron sa mga labi ko.  Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong kinabahan.  Kilig ba 'yun?

"Sssshhh!  Okay na, I understand.  You don't need to explain anything," nakangiting pigil niya sa pagpapaliwanag ko.  "Sana lang kapag handa ka nang magmahal ulit, ako muna ang unang tingnan mo. Can you promise me that, Ye?"

Napatango na lang ako dahil nasa labi ko pa rin ang daliri niya.

He smiled and lightly patted my left cheek.  "Sige na, pasok ka na.  I'll go ahead na rin."  Then he walked towards his car.

Nakasunod lang ako ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Kayo na ba?"

Muntik akong mapatalon sa sobrang gulat. Marahas akong napalingon sa kanan ko.

"Potek!  Gabby, aatakihin ako sa puso sa 'yo eh!  Ba't ka ba nanggugulat?" paninita ko sa kaniya.  Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at bakit 'di ko siya napansin.

Hindi siya sumagot at nanatili lang nakatayo habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng jeans niya.  Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko.

"I think I asked you a question first."

Aba, ang sungit ng mokong na 'to ah!

"Well, it's none of your business," masungit rin na sagot ko.  "So, kanina ka pa nga diyan?"

"Yeah, long enough to see your public display of whatever but far away to hear what you were saying."

"Ahhhh.  So wala ka palang nasagap na chismis.  Too bad, huh?" pang-aasar ko.  Nakakainis kasi siya eh.  Bakit siya pa ang parang galit eh siya na nga lang 'tong nakikichismis?  Saka bakit ba siya nakikialam kung kami na ni Jeron o hindi?

"Mika, please... just answer me.  Kayo na ba ni Jeron?"  Sobrang seryoso ng mukha niya, parang nakakatakot sumagot ng mali.

Pero bakit ba?  Wala na kaming relasyon eh.  Wala na dapat kaming pakialamanan sa isa't isa 'di ba?

"Uulitin ko ha?  What me and Jeron have is none of your business.  Why do you even care ba?" sagot ko. Napipikon na rin ako sa kakulitan niya.

"I care because I still love you, damn it!" sigaw niya.

Laglag ang panga ko sa narinig ko.  Hindi ko alam kung saan ako mas nashock, sa pagsigaw niya o sa sinabi niya.  Mahal niya pa raw ako?

"You still love me pero may girlfriend kang iba?  Some love, huh?" mapait na sabi ko.  Lahat ng sakit na naranasan ko noon ay muli na namang bumabalik.  Bakit ba kailangan niya pang sabihin 'yun?

"I don't have a girlfriend, not anymore," narinig kong sabi niya.

"Ahhh, break na naman kayo?  Kaya ka ba bumabalik sa akin?  Bakit, ano ba'ng akala mo sa akin, spare tire mo?!  Kapag nagkakalabuan kayo, tatakbo ka sa 'kin tapos iiwan mo kong parang basahan kapag bumalik siya?  Mahal kita Gabby, pero hindi ako tanga!  Leave me alone and go back to Jelly!"

Hindi ko na napigilang mapaiyak sa naghalo-halong emosyon... galit, pait, sama ng loob at awa sa sarili. Napaupo na lang ako habang umiiyak.  Niyakap ko ang mga tuhod ko at sumubsob doon para umiyak.

Naramdaman ko nang itayo niya ako at yakapin ng mahigpit.  Pumipiglas ako sa kaniya ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.  Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko.  He kept on whispering 'sorry' as he caresses my back.  Hanggang sa unti-unti ay kumalma ako.

"I'm really, really sorry, babe," bulong niya sa akin.  Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako.  Kapagkuwan ay naglabas siya ng panyo at pinunasan ang mga luha sa mata ko.  "Come with me, baby, and I'll show you something that will help explain everything," masuyong sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"No!" sabi ko sabay piglas.  "Ayoko nang makinig sa 'yo, Gabby.  Umuwi ka na at tantanan mo na ako."  Tinalikuran ko na siya pagkasabi ko nu'n.  Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko.  Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.  Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa beywang ko.

"Sorry, babe, but you're going to come with me whether you like it or not.  I've decided that today will be the day that I will tell you everything.  I can't let another day pass me by, Mika.  Kasi bawat araw na lumilipas, nagagawa ni Jeron na mapamahal sa 'yo.  And I can't let that happen.  You're mine, Mika... only mine."  He paused and looked at me possessively.  "Either you come with me freely o kakargahin kita papasok sa kotse ko.  You're choice, babe.  Though the last option is kind of tempting, don't you think?" his voice laced with sexual undertone.

"Don't you dare, Gabriel!  Sisigaw ako, promise!  Andiyan lang sa loob sina Ate Aby, sige," pananakot ko.

Tumawa lang si Gabby.  "Sorry, Yeye but I'm not scared.  I've just experienced breaking some rules when I kissed you at school, so kidnapping doesn't seem like a bad idea, right?"

He's saying these naughty things but I know he can't do it.  He respects me a lot kaya alam kong nang-aasar lang siya.

"Arrrgghhh!  Kainis ka!  Oo na, sasama na!" naiinis na sabi ko sabay tulak sa kaniya at nauna nang naglakad patawid sa kabilang kalsada.  Doon pala siya nakapark kaya hindi ko siya napansin nang dumating kami ni Jeron kanina.

Wala talaga akong panalo sa kaniya basta asaran ang pag-uusapan.  Saka naiinis ako sa sarili ko kasi kahit anong galit at sama ng loob ko kay Gabby ay hindi ko pa rin siya matiis.  Ang bilis mawala ng galit ko.  Heto nga, napilit pa niya akong sumama sa kaniya sa kung saan.

"Hoyyy, Gabriel!  Make sure na ibalik mo ako sa dorm bago mag-twelve.  Lagot ako kay Coach kapag na-late ako ng uwi sa curfew namin," sabi ko sa kaniya nang makasakay na kami sa kotse at magsimulang magbiyahe.  Mukha pa namang uulan dahil makulimlim nu'ng bandang hapon.

"Huh?  Who told you I'm taking you back?" gulat na tanong ni Gabby.  "Didn't I tell you na itatanan na kita?" tanong ni Gabby sa seryosong mukha.

"Gago ka, Gabby!  'Wag kang magbiro nang ganiyan," sabi ko na biglang kinabahan.  Baka inabot na ng kabaliwan 'tong si Gabby at totohanin nga ang sinabi.  Lagot ako kina Mommy.

Weh?  Eh bakit parang mas na-excite ka pa kesa sa mag-alala ka?  Amin amin din 'pag may time, panunukso ng isang bahagi ng isip ko.

Tumawa si Gabby bago nagsalita.  "Nahh, just kidding.  I'm going to give you the best wedding you'll ever dreamed of so don't worry," nakangiting sabi niya na may pilyong kislap sa mga mata.

"Tsss!  Wedding wedding ka diyan, eh hindi pa naman kita tinatanggap ulit sa buhay ko," bubulong-bulong na sabi ko.  Mukhang hindi naman niya narinig dahil hindi siya nagreact sa sinabi ko kaya nanahimik na lang ako.

Maya-maya pa ay pumapasok na kami sa...

"Gabriel Reyes!" nanghihilakbot na sabi ko.  "Anak ka ng mommy mo!  Bakit tayo nandito?!  Saka dapat talaga gabi tayo magpunta?  Balik na tayo, please.  Ibalik moooooo!!!" natatarantang sabi ko.

A/N:  Sorry po, bibitinin ko muna ha?  Sleepy na kasi talaga ako.  I need to get up really early tomorrow.  I'll try to post the continuation tomorrow evening, if not, on the following day.  Chapter 25 will be the last update, by the way.  Thanks everyone for the support.  Sana nag-eenjoy pa rin kayong basahin 'to.  Please always support the Lady Spikers and Green Archers and join me in my prayers na sana ay paglaruin naman si Gabby.  T__T  God bless everyone!  Lab and gigil.  Mwah mwah tsup tsup

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon