Chapter 16
[Mika's POV]
"WOW, grabe ang sarap ng ulam natin," komento ni Kim pagkatapos dumighay.
Kakatapos lang magdinner ng buong team. Naroon kaming lahat sa living room at nagkukuwentuhan habang nagpapababa ng kinain.
"Oo nga, super bongga ng dinner natin today. Ang dami kong nakain! Favorite ko kaya ang kare-kare," sabi ni Cienne habang hinihimas ang tiyan. "Salamat, Chef Justine. I waf you!"
"I waf you, too, Cienney, pero hindi ako ang nagluto ng dinner," nakangiting sagot ni Justine.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kuwentuhan. Busy ako sa paglalaro sa phone ko.
"Uyyy, Chef Mika, magsalita ka diyan. Ang sarap daw ng luto mo, o," baling sa akin ni Justine sabay hampas sa balikat ko.
"Aray! Kailangan talaga may kasamang hampas?" masama ang tingin na tanong ko sa kaniya. Nahulog kasi sa tubig ang character ko sa Temple Run 2.
Nakangising nagpeace sign si Justine.
"Oo na, salamat sa compliment niyong lahat," sabi ko. "Glad to know you liked the food."
Epic ang mga reaksiyon ng Lady Spikers nang marinig nila ang sinabi ko. Nganga kung nganga ang peg! Alam kasi nila na hindi ako marunong magluto. Todo effort talaga ako today. Masyado lang akong masaya ngayon kaya naisip kong ipagluto ang teammates ko. Mabuti na lang at matiyagang magturo si Justine.
"Stop joking, you two," saway sa amin ni Ate Aby. "Nanggugoodtime na naman kayo eh."
Hala, si Ate Aby talaga... good time daw?
"Nakakatampo ka naman, Ate," nakasimangot na sabi ko. "Ako naman talaga ang nagluto eh, tapos ayaw niyong maniwala..."
"Seryoso, Ye, ikaw talaga?" manghang tanong ni Ate Aby.
Tumango na lang ako. Hanep talaga 'tong mga teammates ko, walang tiwala sa cooking skills ko.
"Hindi nga, damulag?" pangungulit ni Kim.
"Wow, paulit-ulit lang, Kim? Market market, Tawi-Tawi, Balic-Balic?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.
"Ang bully mo, damulag! Shocked lang kasi kami. Ano'ng nakain mo?" sagot ni Kim.
"Ahhmm, katulad rin ng kinain niyo," pilosopong sagot ko sabay tawa ng malakas.
Tumatawang umilag ako nang ambahan ako ni Kim ng throwpillow.
"Ang sabihin niyo, inspired si damulag," biglang singit ni Ara. Kanina pa siya tahimik dahil busy sa iPad niya.
BINABASA MO ANG
When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)
FanfictionHe is Mr. Heartbreaker... She is Miss Rejection, a heartbreaker in her own right. What happens when their world collides? Will they break each other's heart? Or will they allow love to start?