Chapter 3
[Mika's POV]
ISANG malakas na palo ulit ang pinakawalan ko na nagbigay sa Lady Spikers ng 1st set win.
"Huyyy, Bes! Tune-up pa lang 'to, hindi pa championship. Sobrang ganado ka yata?" biro sa akin ni Ara during time-out.
Natawa lang ako sa sinabi niya. Napalingon ako sa likod ng bleachers namin nang biglang magsigawan ang mga fans.
"Hmmm... kaya naman pala... andyan ang mga boylets at ang true lab. Ang landeeee!" nanunuksong kinurot ako ni Ara sa tagiliran.
Narinig si Ara ng mga teammates namin kaya't napasunod rin ang tingin ng mga ito sa bleachers. Magkakatabing nakaupo sina Thomas Torres, Jeron Teng, Arnold Van Opstal at Gabby Reyes ilang upuan ang layo dito sa bench. Kumaway pa ang mga ito sa akin nang mapansin na napatingin ako.
"Ayown! Kaya pala inspired ang baby damulag eh," biro ni Rochelle.
"Naku, Coach, ang baby Yeye natin, dalaga na oh! May umaali-aligid ng mga bubuyog," nakangiting sabi ni Aby kay Coach Ramil.
"Halalala, ako na naman ang napagtripan," nakangusong sabi ko. "Coach, 'wag po kayong maniwala sa mga 'yan."
"Okay lang 'yan, girls, as long as gagamitin bilang inspirasyon. Hangga't hindi nakakasira sa pag-aaral at paglalaro niyo, approve sa akin," sabi naman ni Coach Ramil. "Pero sino ba sa apat na 'yan, Yeye, ang dahilan kung bakit ganadong-ganado ka ngayon? Sabihin mo at kakausapin ko agad si Coach Gee para permanenteng isama sa line-up natin bilang cheering squad," biro pa niya.
"Coach, pati ba naman kayo kasama sa nambubully sa 'kin?" sabi ko na ikinatawa nilang lahat.
Naging light ang mood namin all through out the game kaya't hindi kami nahirapang ipanalo ang laro in three sets.
[Gabby's POV]
"ANG ganda talaga ni Yeye," napapabuntong-hiningang sabi ni Thomas.
"Maganda na, sexy pa at magaling pang maglaro. That's my girl," sabi naman ni Arnold o Avo sa aming lahat.
"Anong that's your girl ang pinagsasabi mo diyan, bro? Eh wala pa naman siyang sinasagot sa atin 'di ba?" si Jeron.
"Woah! Relax, mga bro! Baka mag-away-away pa kayo niyan dito ha, nakakahiya sa mga tao," singit ko sa tila pagkakapikunan ng tatlo. Kasi naman, ang dami namang babae sa campus, kung bakit sa iisang babae pa nagkagusto ang mga 'to.
Nabaling tuloy ang pansin ng tatlo sa akin.
"Teka nga pala, Gab... ang alam ko, may common denominator sa aming tatlo kaya kami nandito. Pero ikaw? What are you doing here, bro?" seryosong tanong ni Thomas.
"Don't tell me may gusto ka rin kay Yeye?" nakaangat ang kilay na tanong ni Jeron.
Parang siya yata ang may gusto sa akin. I was about to say it but decided against it dahil baka mag-init lalo ang ulo ng mga kasama 'to.
Saka hindi naman ako 100% sure na may gusto nga sa akin si Mika. Feeling ko lang attracted siya sa 'kin. Hindi naman ako manhid. Saka masyadong transparent si Mika. Her innocent eyes always give her away. She always looks at me with pure admiration. I've seen that a lot of times.
Sa totoo lang ay nakakaflatter na malamang attracted sa akin si Mika. Sinong lalake ba ang hindi lalaki ang ego sa ganu'n? She is Mika Reyes, the Darling of the Crowd. At sobrang naflatter din ako nu'ng imbitahin niya akong manood nitong game nila. I knew it took a lot of courage on her part to ask me. Hindi naman kasi si Mika ang tipo ng babae na sanay magflirt. And she doesn't have to. Guys simply adore her that they are willing to do everything for her. Patunay ang tatlong kolokoy na katabi ko.
BINABASA MO ANG
When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)
FanfictionHe is Mr. Heartbreaker... She is Miss Rejection, a heartbreaker in her own right. What happens when their world collides? Will they break each other's heart? Or will they allow love to start?