Chapter 12

948 18 5
                                    

Chapter 12

[Gabby's POV]

Opening game ng Lady Spikers today.  Maaga akong gumising para pumunta sa bahay nina Mika sa Bulacan.  I got a call from Perry last night asking me if I can pick up Tita, Tito and the kids dahil may biglaang lakad siya.  Hahabol na lang daw siya sa game.  Walang kaso sa akin dahil ilang beses na rin akong nakapunta sa kanila since that day na nagpaalam ako sa parents ni Mika na manliligaw ako sa kaniya.

Flashback…

After that serious talk with Jeron, I decided to formally court Mika.  Honestly, wala akong idea kung paano ba ang tamang panliligaw dahil I never courted anyone before.  Even Jelly.  I never had to court her because we've been together since we were born.  Friends kasi ang family namin so I always knew I would end up with her.

All the girls who dated me after Jelly were either because of my looks, my money or my being an Archer.  Ni hindi ko kailangang magpapansin sa girls.  Kaya hindi ko alam kung paano magsisimulang manligaw kay Mika.  I immediately called mom to ask for advice.  Being an only son, sobrang close ako sa mommy ko.  She's like my best friend.  I tell her everything.  She was so happy when I told her I'm going to court Mika.  She's always been a fan of her since her rookie year kaya approved sa kaniya ang panliligaw ko.  Mom told me that the best way to show a girl my sincerity and pure intention is to give respect to her family.  I need to get their approval, first and foremost.

So I decided I'll start with Perry first.  I know how protective brothers can be.  I should know dahil sobrang protective din ako kina Issa and Yena.  I always scare their suitors away.

I asked Jeron to contact Perry on my behalf since close naman sila.  At heto nga, magkikita kami dito sa Starbucks MOA.  Sana positive naman ang maging resulta nito.  Ilang minuto lang akong naghintay nang makita ko na siyang paparating.  Agad akong lumapit sa kaniya at nagpakilala.

Pormal at seryoso ang mukha ni Perry nang tanggapin niya ang kamay ko for a handshake.

"Perry, I'll go straight to the point," panimula ko.  "I just want to inform you personally that I will be courting your sister Mika.  I love her and I intend to do everything just to get her to say yes.  The reason I'm telling you this is because I know how you feel as a brother.  I have younger sisters too and if some guy breaks their hearts, I want to be able to know who's going to be accountable for that.  Kaya nagpapakilala ako sa 'yo ngayon.  I want you to know na malinis ang intensiyon ko sa kapatid mo."  Dire-diretso ang pagsasalita ko dahil natentensiyon ako.  Hindi lang halata dahil sobrang kalmado ang hitsura ko.  Pero ang totoo ay may pangamba rin sa puso ko.  Paano kung hindi ako payagan ni Perry na ligawan si Mika?

"Hindi ako nakikialam sa mga desisyon ni Yeye pagdating sa pakikipagrelasyon," buong kaseryosohang sagot ni Perry sa mga sinabi ko.  "Nag-aadvise lang ako kapag nanghihingi siya but most often, she handles it on her own.  Pero sa totoo lang, pinahanga mo ako sa ginawa mong ito.  Nowadays, bihira na ang mga lalakeng magpapaalam sa pamilya ng babae kung pwedeng manligaw. Lalo pa at malayo naman physically sa amin si Yeye.  With that, I'm giving you my blessing.  Pero isa lang ang lagi mong tatandaan Reyes, one tear from her and you're dead!"

Mula nang naging pag-uusap namin na 'yon ni Perry ay naging malapit kami sa isa't isa.  Nakatulong pa na nalaman kong girlfriend pala ni Perry ang favorite cousin kong si Trina.  I sometimes hang out at Trina's place at nagkakausap kami ni Perry doon.  Since friends na kami ni Perry, hindi na ako nahirapang kausapin ang parents ni Mika.  Sinamahan ako ni Perry papuntang Bulacan to meet their parents.  I would never forget the conversation I had with Tito Manuelito, Mika's dad.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon