Chapter 10

1K 19 7
                                    

Chapter 10

[Mika's POV]

"Flowers na naman?  'Yung totoo, Gab, may flower shop ba kayo?" biro ni Kim nang abutan ako ni Gabby ng bulaklak.

Naroon kami nina Kim at Cienne sa living room sa dorm at nagmomovie marathon nang dumating si Gabby na may dala-dalang J.Co donuts and flowers for me.  Kaming tatlo lang ang naiwan dito sa dorm dahil wala kaming pasok tuwing Friday.

Naging biruan na namin dito sa dorm na baka may flower shop sina Gabby dahil everyday siya kung magbigay sa akin ng bulaklak.  Kung hindi niya personal na maibigay, he makes it a point na ipadeliver iyon.

Natawa muna si Gabby bago sumagot.  "How did you know?" nakangiting tanong niya kay Kim.

"Seryoso, Gab?  May flower shop nga kayo?" gulat na tanong ni Cienne.

"Yup, Reyes Flowers.  That's where I get these from," paliwanag niya.

Laglag ang panga namin nina Kim at Cienne sa narinig.  Hindi ko alam na ganoon pala kayaman ang family nina Gabby.  Sikat na sikat ang Reyes Flowers sa buong Pilipinas.  Halos lahat ng malls ay meron nito.  Bukod pa sa ito rin ang madalas kuhaning supplier ng mga sikat na celebrities at mayayamang personalities sa bansa.  Ilang debut at weddings na ba ng celebrities ang nakita niya sa mga magazines kung saan Reyes Flowers ang nagsupply ng flower arrangement.

"Wow, big time!" biro ni Kim.  "Sagutin mo na 'yan, Ye, para mapabilang ka na sa angkan ng mga rich and famous."

"Tsss!  Ang daldal mo, Kimmay!" sita ko sa kaniya bago ako bumaling kay Gabby.

"Gab, thanks dito ha?  Pero next time 'wag ka na ulit magbigay ng bulaklak especially since wala namang okasyon.  Kasi baka mapagalitan ka na sa inyo eh," sabi ko.

"'Wag mong isipin 'yun.  It was even my mom who personally arranged those  today," tukoy nito sa bulaklak na hawak niya.  "She was so excited when I told her I am courting you.  Fan mo kasi si Mommy eh."

"Ayown naman, Yeye o!  Botong-boto agad ang future mother in-law.  Kasalan na 'yan!" pang-aasar ni Cienne.

"Shattap, Ciennang!" naaasar na sabi ko.

 "Ahh, Mika, are you free today?  Invite sana kitang lumabas," yaya ni Gabby.

"Oo free siya.  Walang gagawin 'yang si Yeye today.  Kanina pa nga 'yan nagyayayang lumabas kami eh," sabat ni Cienne sabay kindat sa akin.

"Ikaw si Mika?!" sikmat ko kay Cienne.  Ang bully na 'to, binelatan lang ako!

Dahil nasabi na ni Cienne na free ako today, alangan namang tumanggi ako sa imbitasyon ni Gabby.  So siyempre pumayag na akong sumama.  "Okay, fine.  Magbibihis lang ako," sabi ko sa kaniya at tumayo na para magpunta sa kuwarto sa third floor.

Simple casual top and jeans lang ang isinuot ko since naka-jeans din naman si Gabby.  Tapos kinuha ko ang favorite red and black Vans ko at mabilis na isinuot.  Nang makapagsuklay at makapaglagay ng konting pulbos at lip gloss ay lumabas na ako at bumaba.

"Tara na.  Hindi kasi ako puwedeng gabihin masyado dahil maaga ang training namin," sabi ko kay Gabby.  Tinitigan muna niya ako bago ngumiti.

"You're really pretty, Mika.  I've been so used to dating girls who wouldn't be caught dead without a make up.  And you are a refreshing change.  Nothing beats natural beauty, I guess," sabi ni Gabby.

"Sus, umandar na naman 'yang pagiging sweet-talker mo.  Tara na nga."  Nauna na akong naglakad sa kaniya habang nangingiti.

Nagpunta kami sa mall para manood ng movie dahil hindi ko natapos 'yung movie marathon namin nina Kim at Cienne sa dorm.  Nang matapos ang movie ay niyaya niya ako dito sa isang acoustic bar and restaurant para magdinner.  Kasalukuyang may banda na nagseset-up sa mini-stage sa harap.  Saglit na nag-excuse si Gabby sa akin.  Tumango lang ako sa kaniya.  Maya-maya ay biglang umilaw sa centerstage at nagsimulang tumugtog ang banda.  Ang cute ng vocalist, in fairness!  Kamukha ni Gabby.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon