Chapter 18

849 25 7
                                    

Chapter 18

[Gabby's POV]

HINDI ako makatulog dahil sa sinabi ni Issa. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. I'm having mixed emotions. Part of me is excited to see Jelly. I wonder how is she doing now... So many times in the past that I wished she'd come back for me, na sana nagawa niya akong ipaglaban sa parents niya. Pero umasa lang ako sa wala. I tried to forget her and I think I've succeeded. I'm with Mika now and I love her.

Pero bakit ganun? I'm suddenly scared... I'm scared that if I see Jelly, I will fall for her all over again. Natatakot akong baka masaktan ko si Mika.

No, Gab. Don't doubt your love for Mika. You love her so much, 'di ba? You won't do anything stupid. Nagawa mo ngang maging faithful sa kaniya noong nanliligaw ka pa lang. Kakayanin mo rin ngayon. Have faith.

I pushed the negative thoughts aside and tried to sleep. Pero hindi ako dalawin ng antok. Pabiling-biling lang ako sa higaan. I decided to take my phone and give Mika a call. I need to speak to her to reassure myself that she's the only one I would ever want.

"Babe?" Obvious na nagising ko siya. Her voice was kind of raspy yet sexy.

"Hi, babe. Sorry if I wake you up. I just want to hear your voice before I sleep," paghingi ko ng paumanhin.

"Awww, ang sweet naman ng babe ko. Pero bakit parang malungkot ang boses mo? May problem ba? Nag-away ba kayo ni Issa?" sunod-sunod na tanong ni Mika.

Saglit akong hindi nakasagot. I wanted to tell her about Jelly pero ayokong mag-alala pa siya tungkol doon. "Ahm, I'm okay, babe. Walang problem," kaila ko. "Nagkausap na rin kami ni Issa. Don't mind her na lang."

"Oh, okay. Wala naman talaga akong balak patulan siya. Mahaba naman ang pasensiya ko eh, hindi basta basta nauubos katulad ng ganda ko," biro niya.

I smiled when I heard her chuckled at her own joke. Kahit kailan talaga she never fails to amuse me.

"Sige na, sleep ka na ulit. I love you, babe. Good night," sabi ko.

"Good night, boyfriend kong pogi. I love you! Mwah."

Napapailing na lang ako habang nakangiting pinutol ang tawag. Back to good vibes ako ulit. I knew I just have to hear her at mawawala lahat ng worries ko.

With Mika in my mind, I peacefully fell asleep.

AFTER a week...

[Mika's POV]

Sinundo ako ni Gabby para isama ulit sa bahay nila. Nag-invite kasi ang mommy niya na sa kanila daw ulit ako magdinner. Siyempre pa ay umoo lang ako. Magaan naman kasi ang loob ko sa family ni Gabby, kahit kay Isabel. Tinatarayan niya pa rin ako kapag nagkikita kami sa school pero wala talaga akong makapang galit sa kaniya. Kaya nga hindi ko siya pinapatulan kahit na minsan feeling ko sinasadya niya talagang iprovoke ako para patulan ko siya.

Kakatapos lang naming magdinner at nag-offer si Gabby na ipasyal ako sa mansiyon nila. Ayaw ni Gabby na tinatawag kong mansiyon ang bahay nila pero mukha naman kasi talagang mansiyon sa laki eh.

Nang mapagod kami sa paglilibot ay niyaya niya akong magpahinga muna sa garden. Magkatabi kaming naupo sa wicker swing seat.

Nawalan ako ng balanse ng biglang pagalawin ni Gabby ang swing. Tatawa-tawang inakbayan niya ako at pinasandal sa dibdib niya.

He was gently sniffing my hair. Ramdam ko nang halik-halikan niya ang ulo ko.

"Style mo, bulok!" pang-aasar ko habang nakasandal pa rin sa kaniya. "Gusto mo lang makatsansing eh," napapangiting sabi ko.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon