Chapter 6

982 21 5
                                    

Chapter 6

[Mika's POV]

MONDAY morning sa parking lot ng La Salle...

Nagmamadali akong bumaba ng kotse dahil thirty minutes na lang at magsisimula na ang klase ko.  I need to talk to Cienne pa para chumika sa happening nila nu'ng Saturday.

Nakakailang-hakbang na ako nang tawagin ako ni Kuya Perry.

"Ye, you left your phone sa car," sabi niya habang iwinawagayway ang iPhone ko.

Oh shoot!  Sobrang makalimutin ko na talaga.  Napalabas pa tuloy ng kotse si Kuya.

Tumakbo ako pabalik sa kaniya at kinuha ang phone ko.

"Thanks, pogi," biro ko kay Kuya sabay halik sa pisngi niya.  Alam kong pinagtitinginan kami ng mga babaeng schoolmate ko na mukhang naguwapuhan yata kay Kuya kaya lalo ko pa silang inasar.  Nasabi ko na bang may pagkamaldita rin ako?  Hahaha!

"Ingat, baby.  I love you," sakay ni Kuya Perry sa joke ko.  Syempre kanino pa ba ako magmamana ng pagiging bully?  Hehehe

Kumaway ako sa kaniya at naglakad na papunta sa building ng first subject ko.

Nagulat na lang ako nang biglang may magsalita sa tabi ko.  "May boyfriend ka na pala bakit hindi mo pa binabasted si Thom?"

Kung nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita, mas nagulat ako sa expression ng mukha niya.  Salubong ang kilay at madilim ang mukha nito.

"What are you talking about, Gabby?" takang tanong ko, totally ignoring his angered look.

"Don't try to deny it.  I saw you two at the parking lot," matigas na sabi niya.

Galit lang?  Anong problema ng isang 'to?

"I'm not denying anything okay?" sagot ko.

"So inaamin mo na boyfriend mo nga 'yung mestisong bangus na 'yon?"

Hala!  Tawagin bang mestisong bangus si Kuya Perry?!  Naghahanap yata 'to ng away eh.

"Teka... teka nga!" nagsisimula na rin akong mainis.  "Ano bang problema mo kung boyfriend ko siya o hindi?!  Kung makareact ka parang ikaw ang may gusto sa 'kin at nagseselos ka."

[Gabby's POV]

"Kung makareact ka parang ikaw ang may gusto sa akin at nagseselos ka!"

Natigilan ako sa sinabi ni Mika.  Bakit nga ba ganun na lang ang galit ko nang makita ko siyang halikan ang mestisong bangus na 'yon?  I was fighting the urge to pull her away from him a while back.  She shouldn't kiss anybody else... but me.  Woah!  Where did that come from?

"O, ba't natigilan ka?  What is it this time?"  Salubong na rin ang mga kilay ni Mika.  "Ah, oo nga pala, namention mo si Thomas... Don't tell me si Thom naman ang ilalakad mo sa 'kin ngayon?"

Tell her, Gab.  Tell her you like her.  Tell the truth!  Now!

"Y-yeah, si Thomas nga," sa halip ay nasabi ko.

Great, man... just great! sarcastic na sabi ng isip ko.  Napansin kong may disappointment na saglit na dumaan sa mga mata ni Mika ngunit agad rin itong napalitan ng pagkainis.

"After hindi umubra sa akin ni Avo, si Thom naman.  Tsss!  What are you, official bridge ng Green Archers?  Well for your information, Reyes, matagal ko nang binasted si Thomas.  Siya lang 'tong masyadong persistent kaya wala kang karapatang pagalitan ako kung makipagboyfriend man ako ngayon.  Besides, I'm not your type 'di ba?  So what do you care?  Just get off my back and leave me alone." Iyon lang at iniwanan niya na akong nakatulala.

When Miss Rejection and Mr. Heartbreaker Collides (Gabby/Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon