VIII

598 42 7
                                    

M Y S T E R I O U S
G U Y







Lumipas ang mga araw at nasanay na ang lahat sa presensya ni ILion na mas kilala ngayon bilang Aviel. Itinanong ko sa kanya ang tungkol sa pagbabago niya ng pangalan at ito ang isinagot niya.



"You're the only one who can call me with my real name."



I sighed. Napapansin ko sa kanya na lahat nalang ng bagay na ginagawa niya ay laging may kinalaman sakin. Halimbawa, iyong mundong ginagawa niya kapag gusto niyang mapag-isa kaming dalawa para lang kausapin ako. Ako lang ang tumatawag sa kanya ngayon ng ILion, pero syempre kapag kaming dalawa lang ang magkasama.



"Sophie!"

Binitawan ko ang hawak kong item at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Agad ko naman siyang kinawayan nang mahanap siya ng mga mata ko.



"Cleo!" Nakangiti kong tawag sa kanya. May tulak-tulak siyang cart na may ga-bundok na laman; punung-puno ng mga pinamimili niya.



Ang galing...kitang-kita ang ka-sexy-han niya sa suot niyang white blouse and black shorts. Nahiya ako. Hehe...



"Wow. Ang dami naman niyan." Wika ko nang mas mapagmasdan pa ng malapitan ang mga pinamimili niya.

"Ah. Kaunti pa nga ito," tugon niya habang nagtitingin ng mga item sa shelves.



Siguro'y malaki ang bilang nila sa pamilya kaya kulang pa din ito. Hindi katulad sa'kin na sapat na ang isang basket -- nabibigyan ko pa nga si Nanay Hina eh.

"Ikaw."

"Eh?"

"Para saan ang mga pinamimili mo? Stock? Or pang-araw na 'to lang?" Tanong ni Cleo habang inuusisa ang mga laman ng basket na hawak ko.

"Ah. Oo, pang stock ng isang linggo."

"...It must be hard..."

"Hm?"

"...Living alone."



Sa mga sandaling iyon ay parang huminto ang oras. Parang may sumuntok sa dibdib ko at sobrang sakit nito ngayon. Tama siya; mahirap ang mag-isa. Walang magaalaga kapag may sakit ka, walang magpapaalala na kakain na, walang makakausap kapag problemado ka, pero sanay na ako. Dalawang taon na mula ng iwan ako ni mama para magtrabaho abroad at nasanay na akong wala siya.



"Hn." I nodded. "But I'm not totally alone. I have 'nay Hina, kuya Den, and the other tenants. Hehe." Tugon ko ng may ngiti sa mga labi.



Ayokong bahayan muli ng lungkot ang puso ko kaya palagi itong nakabukas para sa mga taong nasa paligid ko.



"Also, I have you, Theo, and Yorie. I have my friends to talk over the phone, to chat with through messages, and to laught with during school days." Paliwanag ko pa na nagpasilay ng ngiti sa mga labi ni Cleo.

"Yeah. Of course we do." She said patting my head.

"Hn!"



Pumila na kami sa cashier matapos naming makumpleto ang nakalista sa ipapamili namin. Magkahiwalay kami dahil iba ang pila sa cart at basket. Nang makalabas kami ng market ay doon ko lang nalaman na may sarili na pala siyang kotse.



A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon