A/N: Let's stop playing around. 2 Thousand words per chapter. Un-edited.
**
S E N S A T I O N
Nang magising ako kinaumagahan ay nagkaroon ako ng pakiramdam na hanapin si ILion na hindi ko naman madalas ginagawa.
Siguro kasi natulugan ko siya kagabi at hindi nangyari ang gusto niya. Nakakapagod naman kasi ang tablahin ang lakas niya. Napagod ako kakatulak sa kanya kasi sobrang higpit ng yakap niya. Ang hirap huminga.
"Alright. We'll visit him today," dinig kong sabi ni ILion ilang hakbang palang ako palabas ng kanyang silid.
Nakapamulsa siya habang nakasandal sa isang pillar. May binabanggit siyang hindi ko maintindihan. Humakbang pa ako ng ilang beses para malaman kung sino ang kinakausap niya.
"Kurasuma."
Mabilis kong tinakpan ng mga kamay ang aking bibig nang hindi sinasadyang masabi ko ang pangalan ng lalaking iyon sa isipan ko.
"You can take a rest for now," saad ni ILion bago naglaho sa paningin ko ang kaninang nakaluhod sa isang tuhod na si Kurasuma.
Mabilis na nalipat ang aking paningin kay ILion na nakalapit na pala sa akin.
"Good morning my Sophia," pagbati niya sa akin.
"Good morning. Hindi ko sinasadyang sumingit sa u--"
Itinapat niya ang kanyang hintuturo sa gitna ng aking mga labi kaya natigilan ako. Pinagmasdan ako ng malamlam niyang mga mata ng mga ilang minuto bago nagsalita.
"How are you feeling?" Tanong niya na mabilis nakapagpamula sa mga pisngi ko.
"I'm fine," I replied pouting.
Iyon ang isinagot ko pero ang totoo'y nanlalabo ang paningin ko at medyo nakararamdam ako ng hilo.
"Kyaa!" Tili ko na umalingangaw sa pasilyo nang bigla akong buhatid ni ILion sa kanyang mga bisig.
"You loose weight," aniya tsaka lumakad pabalik sa dinaanan ko kanina.
"S-Sandali lang. Ibaba mo ko. Kaya ko namang lumakad." Protesta ko.
"You can't even put strength in your voice," pagpansin niya sa boses ko. "I'm not convinced."
Hindi ko nga malagyan ng lakas ang boses ko. Pakiramdam ko hinang-hina ako at tinatamad na kumilos.
"But I want to see you," halos pabulong ko nang sabi pagkapasok namin ng silid.
"I'm here," saad niya tsaka naupo sa pahabang couch.
Hindi pa rin niya ako ibinababa at hinayaan lang sa kandungan niya sa gano'ng posisyon. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib tsaka iniangat ang tingin sa kanya.
"Anong pinag-uusapan niyo ni Kurasuma?" Tanong ko.
Kinuha niya ang kanang kamay ko at inilapit sa kanyang mga labi. "Nothing important," tugon niya habang nakatitig sa akin ang kanyang mga mata.
Mapang-akit na pulang mga mata.
"Pero napakaseryoso niyo kanina. May kinalaman ba 'to sa mga elders?" Bakit ayaw niyang sabihin sa akin?
BINABASA MO ANG
A Pure blood's Vow
VampireFormer: Pureblood Lover | I Belong To This Pureblood Vampire Synopsis: Sophia Valderima, a 16 year old girl, while walking home met a mysterious guy who saved him from being harm by a night creature. A scenario under the beautiful crescent moon, whe...