M A D
Napakatahimik sa loob ng silid kung nasaan ako at si ILion. Wala naman kasing nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik lang siyang nakasandal sa aking likod at nakayakap sa aking bewang. Alam kong hindi maganda sa isang babae na magtagal sa bahay ng lalaki lalo na kung wala namang relasyong namamagitan. Pero ito lang siguro ang magagawa ko para maipakita sa kanya ang pagpapasalamat ko.
Ilang beses niya ba akong ililigtas?
Palagi nalang na kapag nasa delikadong sitwasyon ako ay dumarating siya at sinasaklolohan ako. At sa nakikita ko ay hindi siya pangkaraniwang tao. May kakaiba siyang kakayahan at lakas kumpara sa isang simpleng tao. Nakakatakot siya at parang laging may masamang gagawin sa'yo, pero wala pa naman siyang ginawa para masaktan ako.
Pero hindi ko pa din lubusang magawa ang magtiwala...may kakaiba talaga sa kanya...lalo na ang mga mata niya...
*Gasp!*
Kulay pula ang mga ito kahit umaga. Nakita ko na ito noon. Hindi kaya matakot sa kanya ang mga estudyante kapag makita siya ng mga iyon at mapansin ang kanyang mga mata? Kung siya nga talaga iyong exchange student galing Japan ay ano nalang ang magiging reaksyon ng mga kaklase namin?
Kung ako nga natakot din, paano pa kaya sila?
Lumingon ako ng bahagya sa mukha niyang nakasandal sa kaliwa kong balikat. Aah. Napakakinis naman ng mukha niya. Napakahaba ng mga pilik mata, at matangos ang kanyang ilong. Pero ang mga pulang mata niya ang talagang nakakatawag pansin.
"Uhm...ILion..." Wika ko sa mababang tono. "Gising ka ba?" Tanong ko.
Ilang segundo ang hinintay ko, pero wala siyang sagot. Naisip ko na baka nakatulog siya dahil sa pagod. Kanina kasi matapos niyang labanan 'yong halimaw ay napaluhod siya; nanghina siya. Naisip kong mamaya na talakayin ang problema paggising niya, pero nang gumalaw ang mga braso niya at mas yumakap pa sa'kin ay nalaman kong gising siya.
Wala ba siyang lakas magsalita o ayaw niya lang akong pansinin?
"ILion...mukhang gising ka na naman kaya sasabihin ko na. Bakit ka lumipat sa paaralang pinapasukan ko? Bakit hindi ka pa pumapasok? At kung papasok ka man, paano ang mga mata mo?" Sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa pinto ng silid. "Gusto kong malaman ang mga sagot mo. Pwede bang sagutin mo?" Nahihiya man ay itinanong ko na. Ito lang kasi ang pagkakataon ko para magtanong. Habang kalmado siya.
Walang imik o kilos man lang mula sa kanya. Alam kong gising siya at nakakainis na hindi niya ako pinapansin.
"Baka matakot sila sa mga mata ko once na pumasok ka ng school. Kakaiba kasi ang kulay. Parang sa mga paniki. Hehe..." Paliwanag ko ngunit wala pa ding reaksyon mula sa kanya. "Ahaa..." Napabuntong-hininga nalang ako dahil para akong nakikipag-usap sa bato.
BINABASA MO ANG
A Pure blood's Vow
VampirosFormer: Pureblood Lover | I Belong To This Pureblood Vampire Synopsis: Sophia Valderima, a 16 year old girl, while walking home met a mysterious guy who saved him from being harm by a night creature. A scenario under the beautiful crescent moon, whe...