XI

407 30 1
                                        




S C A R E D



Halos isang oras na akong nakatitig sa pintuan ng malaking silid na ito kung saan ako nagising matapos kong makaharap ang grupo ng mga wolves.




Hindi ko alam kung na saan ako. Ang tanging alam ko lang ay na sa isa akong silid na balot ng kadiliman at tanging iilang mga lampara sa ang nagbibigay ng liwanag para masilayan ng kaunti ang paligid ko.



Hindi ko din alam kung umaga na ba o gabi pa rin. Wala naman kasing orasan sa silid na 'to. Pero maliban pa sa mga tanong na iyan ay mas may matindi pa akong katanungan ngayon.



Iniangat ko ang aking kanang kamay at muli kong nadinig ang kalansing ng bakal mula sa 'chain' na nakalagay ngayon sa pulsuhan ko.



"Bakit ako mayro'ng ganito? Sinong naglagay nito?" tanong tsaka padabog na ibinaba ang kamay ko.

Mula sa pagkakaupo ay muli akong humiga sa napakalaking kama. Isang king-size bed sa loob ng isang king-size room. Iniisip ko na baka silid niya 'to, pero bakit may chain? Para kanino?


Bakit ako naka-chain?



"Haa, nagugutom na ko," nakahawak sa tiyan kong sabi.



Hindi pa kasi ako nakakapag-hapunan kaya naririnig ko na ang tunog ng tiyan ko. Gustohin ko man lumabas at maghanap ng makakain ay hindi naman pwede.





Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman nalang ang aking paligid. Napakatahimik at parang ako lang ang tao sa mundo. Sa bahay tahimik, at maging dito ay tahimik. Kahit papa'no ay para lang din akong nasa bahay.



Sa'king pag-i-isip ay nadinig ko ang marahang pagbukas ng pintuan kaya napadilat ako ng mga mata.


"Walk faster! And be quiet."

"Are you an idiot? How can I do that at the same time?!"


"Use your brain dimwit!"


"What?! But my brain don't have feet!"





Muntik na akong matawa dahil sa mga pag-uusap nila, pero pinili ko nalang na magkunwaring tulog at hintayin kung ano ang gagawin nila. Malakas ang kutob ko na sila din ang nagma-may-ari ng mga tinig na nadinig ko noong nakaraang gabi.



"Not funny. Just do what master had told us so we can leave already."


"What's funny? I still haven't said any jokes."



Kinagat ko ang ibabang parte ng aking labi upang pigilin ang isang pagtawa. Para silang comedian duo na kada bato ng mga dialogue e matatawa ka kahit wala namang dapat ikatawa.



Pero bakit sila nandito? Sinundan ba nila ako? Kung gano'n nga, bakit naman kaya?



"Why's this girl in a place like this?"



"She even have a chain on her right wrist."


Napakaliliit talaga ng mga boses nila. Para tuloy gusto ko nang imulat ang mga mata ko at ipaalam na gising talaga ako.

"But never mind about that. Master only told us to leave her food here."



"Ah, yeah. Let's leave it near her."



Nagkaroon ng katahimikan at sa tingin ko'y kinukuha nila 'yong pagkain na pinag-u-usapan nila. Nakarinig ako ng ingay mula sa plato at kubyertos na inilapag malapit sa'kin. Matapos no'n ay wala na akong narinig pang pag-u-usap mula sa kanila.


A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon