XXV

81 7 2
                                    

Sorry po sa mga typo and grammatical errors. Di ko na nae-edit eh. Gomen~

* * *

Dedicated to Ms. Arriane Nicole 😉

* * *




E X I S T E N C E




''Lady Sophia, you shouldn't do this without His Highness' consent,'' said Hansel trying to refrain me from what I want to do.

''Ako nang bahala kay ILion. Ikuha mo nalang si Myra ng damit at makakain. Please,'' wika ko tsaka siya pinagtulakan. ''Don't worry,'' nakangiti kong sabi bago pumasok ng kulungan ni Myra.

Nakaramdam ako ng awa nang muling mapagmasdan ang kalagayan niya. Napakuyom ako ng mga kamao dahil sa galit. Babae si Myra kahit pa sabihing isa siya sa mga wolves na kalaban ng mga vampires.

This is too much!

This is so unfair. Pagaalaga ang natanggap ko nang ipatapon ako ni Seth sa teritoryo ng mga wolves. They're not wild as they sound. They're kind. Myra should receive the same treatment as I did.

Lumapit ako sa kanya ngunit umusog siya palayo. ''Myra...''

''Please don't come a-any closer...I might--''

''Myra.'' Madiin kong pagtawag sa pangalan niya. ''Please let me wipe your tears,'' buong pagsuyo kong wika.

Alam kong punung-puno ang puso niya ng hinanakit. Ang pagwawalang halaga sa kanya ng ikalawang pagkakataon ang pinakamalaking suliranin na kinakaharap niya ngayon.

''Hindi na kailangan...mamamatay na din naman ako mamaya,'' pagmamatigas niya tsaka tuluyan akong tinalikuran.

Agad kong nakita ang mga sugat sa kanyang likuran. Kumirot ang puso ko. Sino ang may gawa nito? Kagagawan ba ito ng master niya? Ipinag-utos ba ito ni ILion?

Imposible!

''But you saved me,'' saad ko. Nasaktan niya nga ako pero siya pa rin ang nagligtas ng buhay ko. ''Hindi dapat ito ang ginawa nila sa'yo.''

''Ako ang humiling nito kaya pabayaan mo nalang ako.''

Gulat akong napatitig sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Ginusto niyang mamatay?

''What are you saying?! Ganun nalang ba sa'yo ang buhay?'' Napatayo ako sa inis. Hindi ako makapaniwala. ''Paano ang papa mo? Ang mama mo? Kahit ipagtabuyan ka pa ng mundo pwede ka pa rin bumalik sa kanila.''

Hihilingin ko kay ILion na pakawalan siya at tulungang makabalik ng mundo ng mga tao. Kung itinakwil na siya ng mga kauri niya ay tao pa din siya at may tahanang mauuwian. Hindi ako papayag na itapon na naman niya ang buhay niya.

''Wala na sila,'' basag ang tinig na wika ni Myra. Nakatalikod pa din siya sa akin pero nakikita ko ang panginginig ng kanyang katawan.

Umiiyak na naman siya.

''A-Ano?'' Hindi makapaniwala kong sabi.

''Patay na sila! Wala na sila! Wala na akong babalikan pa!'' Umiiyak niyang sigaw.

Natulala ako. Patay na ba talaga ang mga magulang niya? Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kaya paupo akong bumagsak sa malamig na sahit.

''S-Sorry. Hindi ko...'' Pinangunahan na ako ng pag-iyak kaya hindi na ako nakapagsalita.

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon