XII

430 26 2
                                    

Date started: 02-14-2016
Date finished: 02-27-2016

Ay ang hirap humugot ng inspirasyon lalo na kung puro naman problema ang ibinibigay sa'yo.

Keme lang ni author, pero totoo guys. Ugh!

***



P R O T E C T






Muli akong nagising sa hindi pamilyar na silid. Bahagya akong bumangon, at umayos ng upo. Medyo nanlalabo pa ang aking paningin, pero nang dahil sa maaliwalas naman ang lugar ay nabatid ko agad hindi na ito gaya ng unang silid.

Mabilis na bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari ng gabing iyon. Ang pagkakagapos ko, sina Hansel at Grethel, si Kuromaro, at si ILion. Maging ang sugat na ako mismo ang gumawa ay malinaw pa din sa akin.

Pinagmasdan ko ang aking braso at nakitang naroon pa din ang sugat dahil sa pagkakabenda dito.



Bakit kaya?


Kadalasan naman ay agad naghihilom ang mga sugat ko kahit na hindi ko naman talaga alam kung bakit.


Masyado bang malalim ang nagawa kong sugat?



Nakuha ng mga katok mula sa pintuan ang atensyon ko. Hindi ko alam kung babalik ba uli ako sa pagkakahiga o mananatili na lang sa aking pagkakaupo. Baka kasi may gawin sila sa akin o hindi kaya ay dalhin na naman nila ako sa madilim na lugar na iyon.

Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong tao; isang maid, isang butler, at isang lalaki na malamang ay na sa kanyang kabinataan pa lamang.

"Gising ka na pala. Kamusta ang iyong pakiramdam?" Tanong ng lalaking mukhang mas bata pa sa akin.

Gusto kong tumugon sa tanong niya, pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Dala pa din siguro ng panghihina kaya tanging pagtitig lang sa kanyang mga mata ang nagawa ko.

"Ah, malamang ay nanghihina ka pa rin," saad niya tsaka bahagyang iniangat ang kanyang kanang kamay. "Ipaghanda niyo siya ng makakain."

Yumuko ng bahagya ang dalawang na sa likuran niya tsaka tumalikod at lumakad na palabas ng silid. Nang maisara ang pinto ay bigla na lang nagbago ang hangin sa loob ng silid.

Mas kumportable kaysa kanina. Mas madaling huminga kaysa kanina. Siya ba ang may gawa nito? Tanong ko sa aking sarili.

"How are you feeling?" he asked that made me return to my senses.

"...fine," tanging naisagot ko kahit ang totoo ay hindi ko pa talaga alam.

Ngumiti siya tsaka naupo sa silya malapit sa higaan ko. Doon ko lang napansin na may maliit pa lang papel sa katabing desk ng higaan.

"His Highness left that note for you," sabi niya tsaka kinuha ang sulat at ibinigay sa akin.

Inabot ko ito tsaka nagpasalamat sa kanya. Nakatupi lang sa dalawa ang papel kaya hindi na ako nahirapan na buksan ito. Iniangat ko ang isang bahagi nito at bigla na lang may kung anong majika ang lumabas mula sa sulat. Isang hindi maipaliwanag na init ang yumakap sa akin.


"I want to see you Sophia."

It's just a short message, but I don't really understand it.


Siya ang nagdala sa akin dito, pero hindi niya ako pwedeng harapin? Hindi ko maintindihan.

"ILion..." sambit ko dala ng kalituhan.

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon