XIII

359 27 1
                                    

Date started: 02-28-2016
Date published: 03-14-2016

**



T H I R S T




"Drink my blood," pakiusap ko sa kanya pero hindi niya ako kinikibo.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin at sa kanya kung gawin niya nga ang hinihiling ko.

She's just a mortal...

Gayun pa man, hindi ko matatanggap na maliitin nila ako dahil lang sa uri ko. Pero bago ko patunayan ang sarili ko sa kanila ay mahalagang makabawi ako sa lalaking ipinakita sa kanilang lahat ang kahalagahan ko.

"ILion. Pwede ba na makinig ka naman sa akin ngayon? Kapag nagmatigas ka baka--ah!"

Gamit ang kanang kamay ay hinawi ako ni ILion dahilan para mapaupo ako sa tabi niya.

"Stop," usal niya.

Nakusot ko ang tela ng higaan. "Bakit? Gusto ko lang na ibalik ang lahat ng nagawa mo para sa akin," paliwanag ko sa kanya.

Itinago niya ang kanyang mukha gamit ang kanang braso. "You don't have to," aniya.

"Bakit? Wala ba akong karapatang tulungan ka? ILion," pagmamatigas ko dahil hindi niya naiintindihan ang nararamdaman ko!

"If I really do what you want, then it only means that what they said is true," pahayag niya na nagbigay ng masakit na pakiramdam sa dibdib ko.

Kusang tumulo ang mga luha na kanina ko pa iniinda. Nanlalabo ang aking paningin at nanginginig ang aking mga kamay. Dala ito marahil ng galit sa pangmamaliit nila sa akin.

"You're my precious princess. I do not want anybody to look down on you. You're not even my food," he said then I heard him clicked his tongue.

Nang madinig ko ang mga binitawan niyang mga salita ay naliwanagan ako. Dinala niya ako dito hindi para maliitin at pagtawanan. Naririto ako ngayon dahil pinapahalagahan niya ako.

"ILion," wika ko tsaka dinamba siya ng yakap. "I'm sorry," umiiyak kong paliwanag habang nakasandal sa dibdib niya.

Nagkamali ako. Sana pala ay inisip ko muna ang rason sa mga kinikilos at sinasalita niya.

Naramdaman ko ang paggalaw niya at pagyakap din sa akin. Malamig ang kanyang mga kamay, pero napakainit sa pakiramdam ng yakap niya.

I missed you.

Siya nga pala si ILion na palaging iniisip at inuuna ang kapakanan ko. Siya nga pala ang palaging na sa tabi ko.

Kaya naman para sa kanya ay gagawin ko ang makakaya ko.

Umangat ako ng bahagya at pinagmasdan ang kanyang maputlang mukha. Nakapikit siya at nakakunot ang kanyang noo. Alam kong may iniinda siya at alam ko kung ano iyon.

Paano ko ba siya mapapainom ng dugo ng hindi mapapansin ng iba?

Sa kalagitnaan nang pag-iisip ay napatitig ako sa mapupula niyang mga labi. Agad nag-init ang aking mukha dala ng hiya. Gayun pa man ay wala ng ibang paraan kundi ito.

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon