May 24, 2016 to May 28, 2016
Note: Hindi pa ako tapos buohin ang chapter 16 kaya ito na lang muna. Another extra chapter. Nagrerevise din kasi ako. Hehe... Dami kasi talaga kailangan ayusin bago ko ituloy ang story. Anyway, please enjoy this chapter. <3
**
Kasalukuyang nagrereview ang buong klase para sa isasagawang pagsusulit sa Filipino. Hindi pwedeng magpabaya ang kahit na sino sa amin dahil ang makakuha ng perpektong marka ay hindi kukuha ng exam sa darating na exam week.
Halos kasabayan kasi ng Filipino ang Geometry kaya naman gusto kong mag-focus sa Math kapag makapasa ako dito. Sigurado akong ganito din ang balak ng lahat.
"Aviel? Wala ka bang balak magreview?"
Huh? Napahinto ako sa pagbabasa ng marinig ang isang kaklase na kumausap kay ILion. Lumingon ako sa direksyon nila at nakita si ILion na masamang nakatingin sa textbook niya.
"Why?" Tanong niya kaya medyo nangunot ang noo ng kumausap sa kanya.
"Ah, eh. May long quiz kasi tayo ngayon. Ayaw mo bang pumasa?" Nagtataka nitong tanong.
Sa halip na sumagot ay nanahimik lang si ILion na kilala ng lahat bilang Aviel. Nagkibit-balikat na lang ang katabi niya at nagpatuloy sa pag-aaral. Bigla tuloy akong naawa kay ILion. Sinabi nga niya na nakakaintindi siya ng Tagalog, pero alam nga kaya niya kung anong ginagawa sa loob ng isang klase?
Dapat ko ba siyang...Uwa!
Mabilis akong napaharap sa libro ko nang biglang tumingin sa direksyon ko si ILion. Naramdaman niya siguro ang pagtitig ko sa kanya ng matagal.
"Haa," pagbuntong-hininga ko.
"May problema ba?" Tanong ni Theo na sandaling huminto sa pagsusulat.
Umiling ako bilang tugon. Wala naman talaga akong problema. Sa pagkakataong ito ay si ILion ang may problema.
Muli ay nagbalik ako sa pagbabasa, pero hindi talaga maalis sa isip ko na baka bumagsak si ILion mamaya. Haa. Hindi ko maiwasang mag-alala.
Bumukas ang pinto ng silid ngunit sa halip na ang guro namin ang pumasok ay isang estudyante na mukhang galing sa unang klase ng guro namin.
"Excuse me. Pinapasabi ni Ma'am Anne na hindi siya makakapasok ngayon. Nagka-emergency kaya umalis siya agad after magklase sa amin. Mag-review daw kayo at tuloy ang pagsusulit bukas," pahayag niya bago lumabas ng silid.
"Haaa? Nagpuyat pa naman ako kakareview kagabi!"
"Haa. Ayos lang. Di ko pa masyadong kabisado ang ilang nasa libro eh."
"Hahaha! Sabi sa inyo di matutuloy ang quiz eh! Whoohooh!"
Agad na umingay sa loob ng klase matapos ang announcement kanina. Kahit papano ay nakahinga din ako ng maluwag. May oras pa kasi para magreview.
At isa pa...
Bahagya ko siyang nilingon at nagtaka nang hindi siya makita sa upuan niya.
"ILion?"
Hindi na siya bumalik hanggang sa huling klase. Nakakapagtaka dahil wala man lang nakapansin. Isa ba ito sa kakayahan niya bilang bampira?
"O siya sino gustong umuwi na?" Tanong ni Cleo na halatang pagod na. "Tss. May trabaho pa pala ako."
"Syempre ikaw. Joke. Uuwi na din ako. Nakakapagod magreview!" Sabi naman ni Yorie na humihikab na sa pagod.
"Ikaw Theo? Uuwi ka na rin ba?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
A Pure blood's Vow
VampiriFormer: Pureblood Lover | I Belong To This Pureblood Vampire Synopsis: Sophia Valderima, a 16 year old girl, while walking home met a mysterious guy who saved him from being harm by a night creature. A scenario under the beautiful crescent moon, whe...