P U N I S H M E N T
Habang nakasunod kay Kurasama pabalik sa loob ng palasyo ay patuloy ang pag-ulit-ulit ng mga salitang tinuran ni Theo kanina. Pinagmasdan ko ang likod ni Kurasuma dahil nababagabag ako sa kung anong iniisip niya tungkol sa akin ngayon.
"Wait," aniya sa seryosong tinig tsaka ako bahagyang hinila sa likod ng mataas na haligi.
"B-Bakit? Anong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong dito.
"Ssh." Pagsuway niya sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa harapan.
Sinilip ko ang kanyang tinitignan at nakita ang ilang kalalakihan na lumalakad palabas ng palasyo. Base sa ekspresyong ng kanilang mukha ay hindi naging maganda ang nangyari sa loob.
"Huh? Si ILmm!"
Napapikit ako nang mabilis na tinakpan ni Kurasuma ang aking bibig ng kanyang kamay tsaka ako niyakap para itago. Mga ilang sandali lang ay nahinto ang ingay na gawa ng kanilang mga yabag.
"Hm?"
"What's wrong Mr. Akuma?"
"...Nothing. Let's go."
"Alright."
Mahigpit akong napakapit sa braso ni Kurasuma sa takot na baka pumunta pa sila sa lugar kung saan kami nagtatago ngayon. Mabuti nalang at hindi na nila ito pinansin pa.
Inalalayan naman ako ni Kurasuma na makatayo. "Kurasuma. Sino sila? Mga bampira din sila, pero kakaiba ang nararamdaman ko sa kanila," wika ko nang magtuloy kami sa paglalakad.
"Elders."
"Elders?"
Tumigil kami sa tapat ng malaking pinto na papasok sa silid kung nasaan ang trono ng hari.
"There's nothing good about them, so stop asking," aniya sa iritadong tono.
Bakit kaya? Sino ba ang mga elders na tinutukoy niya?
Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang pabalik na kami kay ILion.
"We're back Your Highness," magalang na pagkuha ng atensyon dito ni Kurasuma.
Nakaupo lamang si ILion sa kanyang trono pero halatang pagod na siya para sa araw na ito. Lumakad ako patungo sa kanya at sinalubong siya ng ngiti. Walang mangyayari kung daragdagan ko pa anuman ang iniisip niya ngayon. Hindi ko dapat ipagsawalang bahala ang pagiging hari niya.
"Could it be that they want you to do something for them again?" Tanong ni Kurasuma nang makalapit kay ILion.
"According to them, a group of vampires started to act against their principles and policies," pahayag ng lalaking nakatayo malapit sa kanan ng hari.
"S-Sino siya Kurasuma?" Pabulong kong tanong kay Kurasuma.
"His name's Kuromaro. Just like me, he's also the king's aid," tugon niya.
Napatingin ako kay Kuromaro at bahagya naman siyang yumuko nang magtama ang aming mga tingin. Napayuko na rin ako bilang paggalang.
Parang nadining ko na ang pangalan niya, pero hindi ko matandaan kung kailan. Kung pagmamasdan sina Kurasuma at Kuromaro ay hindi mapagkakailang malalakas sila. Nasaksihan ko na kung gaano kalakas si Kurasuma, pero kahit hindi ko pa makita kung paano lumaban si Kuromaro ay alam kong kayang-kaya niyang ipagtanggol ang kaniyang hari.

BINABASA MO ANG
A Pure blood's Vow
VampirFormer: Pureblood Lover | I Belong To This Pureblood Vampire Synopsis: Sophia Valderima, a 16 year old girl, while walking home met a mysterious guy who saved him from being harm by a night creature. A scenario under the beautiful crescent moon, whe...