II

1.1K 74 36
                                    




[S T R O N G W I N D ]





Halos mag-i-isang oras na matapos akong magising, pero nakaupo pa rin ako sa aking kama sapo ang kaliwang kamay na sa pagkakatanda ko'y may gasgas at sugat.



Sa muling pagkakataon ay tinitigan ko itong wala ng bahid ng sugat at gasgas. Nagtataka talaga ako kung paanong nangyari na gano'n kabilis naghilom ang sugat ko samantalang tubig at sabon lang naman ang ginamit ko para linisin iyon.




"...Good night...Sweet dreams..."




Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang mga katagang iyon sa utak ko. At sa tuwing nag-iisip ako ng pwedeng dahilan ay laging ang pigura ng isang lalaki ang sumasagi sa utak ko.





Hindi malinaw na imahe ng isang matangkad na lalaki na nakatayo malapit sa bintana ng aking kwarto ang naaalala ko. Iniisip ko na pagod lang ako kaya gano'n dahil imposibleng may makapasok sa kwarto ko.



Pero kung lalaki lang naman ang pag-uusapan.



I crossed my arms and tilted my head. "Could it be that guy?" I said though its too crazy to think that way since it's impossible.

Hinawakan ko ang noo ko kung saan naramdaman ko kagabi na parang may humalik matapos sabihin ang mga katagang 'Good night. Sweet dreams.' I closed my eyes and tried to remenice that nice feeling. It might be my imagination or it may also be just in my dream.





"But it felt so...real."




Napatalon ako sa gulat nang may sunod-sunod na pagkatok akong narinig sa aking pinto.



"Sophie hija! Gumising ka na! Magtatanghali na!" Sigaw ni 'nay Hina mula sa labas.



That's another question for me. I woke up real late for the first time. It's almost 11 in the morning.

"Hija! Nariyan ka ba?!"



I immediately rose from my bed and rushed towards the door to let 'nay Hina know that I'm here. "Magandang umaga po 'nay Hina." I tried to greet her with a smile para wala na siyang itanong pa.

Kumunot naman ang kanyang noo at pinasadahan ako ng tingin from head to toe. "Kagigising mo lang talaga? Aba't ngayon lang nangyari 'to ah." Nagtataka niyang pahayag tsaka nameywang.




Iniangat ko ang mga kamay ko para ayusin ang buhaghag kong buhok tsaka muling ngumiti sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya tsaka iniabot sa akin ang isang lalagyan.



"Heto. Buti at naisipan ko na dalhan ka ng pananghalian. Hala sige kumain ka na para may laman ang tiyan mo." Pahayag ni nanay Hina sabay abot sakin ng luto niya.




"Uwaaa..." Mangha kong sabi nang makita ang laman ng baunan. "Maraming salamat po 'nay Hina! Alam mo talaga favorite ko!" Ngiting-ngiti kong sabi pa.




"Wala ano man. Oh siya pupunta pa ako ng department store. Kailan ko nang umalis." Nagmamadali niyang sabi.



A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon