XI.I

405 30 3
                                    




A
N E W
Y E A R
W I T H
Y O U



-----

Kanina pa ako nakatanaw mula sa aking bintana at pinagmamasdan ang magagandang fireworks display. Nakakamangha talaga ang mga ito at nakakatuwa.

"Happy New Year! Whooh!" Dinig kong sigaw ng mga tao mula sa labas ng unit ko.


May salu-salo kasi ngayon sa baba sa pangunguna ng land lord na si Nay Hina. Tanging ingay mula sa tambourine at ibang maingay na bagay ang ginagamit nila para mag-ingay at makaiwas na din sa disgrasya. Umakyat lang ako dahil sinubukan kong tawagan si mama, pero hindi niya sinasagot.

"Busy siguro siya," wika ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha mula sa'king mga mata.

I should understand, yet I'm crying...

Pinunasan ko ang aking mga luha at pinilit na ngumiti. Mahigpit ko namang hinawakan ang teleponong ginamit ko para tawagan si mama. Naiintindihan ko kung bakit kailangang magtrabaho ni mama, at alam ko din na marami siyang ginagawa. Dapat kong intindihin ang lahat.


"Happy new year ma," wika ko habang nakatingin sa kalangitan na tinatahanan ng magagandang mga bituin.

Nakaramdam ako ng matinding lamig kaya napagdesisyunan ko nang isara ang bintana, pero hindi ko itinakip ang kurtina dahil gusto ko pang makakita ng mga fireworks display.

"Why are you crying?"

Natigilan ako nang madinig ang malalim, at malamig na tinig ng isang lalaki. Naramdaman ko ang paglapit niya sa aking likuran kaya agad kong pinunasan ang aking magkabilang pisngi.


Hinawakan niya ako sa kanang balikat at marahang iniharap sa kanya. Nanatili akong nakayuko dahil nahihiya ako sa itsura ng mugto kong mga mata. Kahit pa madilim at ang liwanag mula sa buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa aking silid ay alam ko kung gaano ka-linaw ang mga mata niya lalo na't gabi.



Umiling na lamang ako bilang tugon, dahil alam kong basag pa ang boses ko. Gayun pa man ay hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at marahang iniangat ang aking tingin sa kanya.



Nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luha ko na muling umagos mula sa'king mga mata. Sobrang nalulungkot ako, dahil kahit na naririto ang mga kaibigan ko ay pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako.


"ILion..." umiiyak ko siyang niyakap at sa dibdib niya inilabas ang matinding kalungkutan na nararamdaman ko.


Gusto kong makita si mama at malaman kung na sa maayos ba siyang kalagayan. Nais ko siyang yakapin ng mahigpit at halikan sa mga pisngi. Gusto ko makipagkwentuhan sa kanya at muling masilayan ang kanyang mga ngiti.

"Sophia," pagtawag niya sa pangalan ko kasabay ng pagyakap sa'kin pabalik.


"I'm so lonely. I want to see my mom, b-but I can't. I just can't," humahagulgol kong pag-amin ng nararamdaman.

Nakaramdam ako ng panghihina kaya napakapit ako sa balikat ni ILion. Gawa malamang ito ng kanina ko pang pag-iyak. Nakakapanghina.


"Let's sit on your bed," suhestyon niya tsaka ako inalalayang makaupo sa gilid ng higaan.


Naupo siya sa tabi ko at isinandal ako sa dibdib niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang presensya ni ILion. Sinuklay niya gamit ang mga daliri sa kaliwang kamay ang aking buhok nang marahan at para bang may tempo na sinusundan.

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon