XVII

271 10 2
                                    



A/N: Isang mainit na THANK YOU sa malamig na panahon mula sa nilalamig na ako. HAHAHAHA! Salamat po sa mga readers ng story kong ito. Kahit na madami pa talagang mali ay parang isinasantabi na lang. xD Dont worry tumatanggap ako ng criticism. Wahah! Arigatou gozaimasu minna!


Warning! Unedited and short. Tsaka may gwapong vampire! Hahaha!


Enjoy!

**




S A C R I F I C E






Handa na akong tumalon mula sa bulwagan nang may humila ng damit ko mula sa likod.


"Ack! No! Let me go!" Nagpupumiglas kong sigaw.


Kagat-kagat ni Theo na nag-anyong wolf ang parte ng damit ko sa likod habang itinatakas ako palayo sa lugar. Salungat ito sa sinabi ni Daia kanina, dahil hindi ako kabilang sa clan nila para isakripisyo niya ang mga tunay na kasamahan niya.


"Theo! Nasa panganib sina Daia! Kapatid ni ILion ang kaharap nila! Kailangan kong magpakita para hindi na siya gumawa ng gulo!" Natataranta kong paliwanag dahil hindi niya ito pwedeng gawin.


Nakarating kami sa mapunong lugar at inakalang hindi nila napansin ang pagtakas sa'kin ni Theo pero masyado silang matatalino at alisto.


"Where do you think you're going to take her?"


Natigilan si Theo sa pagtakbo nang madinig ang tinig ng prinsesa ng mga bampira. Nasa buong lugar ito kaya hindi ko alam kung saan titingin.


"Kyaa!" Tili ko nang hindi inaasahang ihagis ni Theo pataas sa kanyang likuran.


He growled, then continued running; finding the right way to escape. Napakapit ako sa mga balahibo niya sa likod sa bilis ng kanyang pagtakbo.


"Hahaha! You lowly creature. Are you acting as her knight in shining armor?" Naliligayahang wika ni Serren na prinsesa ng mga bampira at kapaatid ni ILion.


"Theo! Nagaalala ako para kina Daia!" Wika ko sa takot na napahamak na sina Daia kaya't nandito si Serren. "Kyaaa!!" Muli kong tili ng may biglang bumaksan na malaking puno sa daraanan sana namin.


"Grrrrr..."


"T-Theo."


Isang makapal na hamog ang unti-unting yumayakap sa lugar. Natatakot ako, pero ayoko din masaktan si Theo o kahit na sino sa mga wolf clan na tumulong sa akin.


"Mabahong nilala. Ibigay mo na lang sa akin gang taong iyan at payapa kaming lilisan sa lugar niyo," pagkausap ni Serren kay Theo. "Dahil kung magmamatigas ka ay lalasunin ko kayong lahat na naririto!"

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon