Special Chapter

99 2 0
                                        


*a chapter dedicate to @knoweetorres

Can I Stay?

Hating gabi na ngunit hindi ko pa rin magawang makatulog. Hindi pa kasi ako inaantok at kahit ipikit ko pa ang mga mata ko, at piliting matulog ay naglalayag naman ang isipan ko.

Lumingon ako sa aking tabi at nalamang wala pa din si ILion sa aking tabi. Tumagilid ako at inabot ang kanyang unan upang yakapin ito at amuyin.

Ang mga bampira ay gising ng gabi at tulog naman ng umaga kaya naman ay mag-isa lang ako matulog sa silid niyang ito maliban nalang kung bumibisita siya at sinasamahan ako hanggang sa makatulog.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Bumangon ako at bumaba ng higaan. Lumapit ako sa malaking bintana at tiningala ang napakalaking bilog na buwan. Kumpara sa mundo ng mga tao ay napakalaki nito na para bang ang lapit-lapit lang nito. Napakaganda. Nangalumbaba ako at pinagmasdan naman ang mga bituin na animo'y buhangin sa dagat sa dami.

''Kamusta na kaya si nanay Hina at ang anak niya? Kamusta na kaya sina Cleo at Yorie? Hinahanap kaya nila ako? Nami-miss din ba nila ako?'' Napabuntong hininga na lamang ako sa dami ng mga katanungang naglalaro sa isipan ko.

Si Theo kaya kamusta na?

Hindi ko alam kung kailan at paano kaming apat magkikita ulit. Hindi ko man aminin sa sarili ko na gusto ko na silang makasama ulit ay palagi naman itong sumasagi sa isipan ko. Hindi nagpapatulog sa akin.

Sobrang selfish ko na ba?

Sarili ko na lang ba talaga ang uunahin ko? Hindi na ba talaga ako babalik sa mundo kung saan talaga ako nababagay?

''Kailan ko kaya ulit sila makakasama?''

Umayos ako ng tayo at naisipang puntahan na lamang si ILion dahil nalulungkot talaga ako kapag mag-isa lang. Iisipin ko lang ng paulit-ulit ang mga malulungkot na bagay at tahimik na iiyak.

Lumabas ako ng silid at maingat na lumakad patungo sa opisina ni ILion kung saan siya gabi-gabing nagkukulong. Siguro ay nagbabasa siya ng mga ulat mula sa buong araw o kaya naman ay gumagawa ng mga kasulatan. Hindi ko alam kung ano pa ang mga pinagkakaabalahan niya kaya ayos lang naman siguro kung sisilip ako.

''Another vampire clan was sighten on one of the biggest city in the human world. It seems like they're trying to live with the humans as of now...''

Malayo palang ako sa pintuan ng kanyang opisina ay dinig ko na ang mga pahayag na mula sa hindi pamilyar na tinig. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sumandal dito. Kung gayo'y may mga kausap din pala siya kapag narito sa kanyang opisina.

''How about the cases of murder around that city?''

Mabilis na tumibok ang aking puso nang madinig ang malalim at malamig na tinig ni ILion. Seryoso marahil ang ekspresyon nito ngayon. Gusto ko siyang makita sa gano'ng sitwasyon.

''Yes. The number of murder around that city has lessen now that a powerful clan took dominance.'' Tugon ng lalaking sa tono ng tinig ay nasa edad 40 na.

Vampires who are trying to live with humans?

They exist. Ayon sa isang aklat nga na nabasa ko ay matagal nang may mga naninirahang mga bampira sa mundo. Mayayaman, matatalino, at sobrang perpekto kung sila'y ilarawan. Kaya naman ay pwedeng isipin na kahit ang presidente pa ng isang maunlad na bansa ay isang bampira na mas piniling mamuhay sa mundo ng mga tao.

Nagpadausdos ako sa pinto hanggang sa makaupo ako sa sahig. Niyakap ko ang unan ng ILion na nadala ko pala hanggang dito. Napatango akong bigla na lubos kong ikinagulat. Mukhang sa wakas ay dinadalaw na ako ng antok.

A Pure blood's VowMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon