Date started: July 21, 2016 [Thursday]
Date finished: July 24, 2016 [Sunday]
Warning: Too short! XD
**
D I L E M M A
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nasaan ako? Tanong na lama ng isip ko nang tuluyang magkamalay.
"Mabuti naman at gising ka na."
Agad kong hinanap ang may-ari ng tinig. Nakaupo malapit sa aking hinihigaan si Daia at nakatingin siya sa akin. Bumangon ako ng bahagya upang mas makita siya ng maayos.
"Daia..."
"Don't worry you're safe. Hindi akalain ni Jack na matatakot ka niya ng ganoon kagabi," pahayag niya na nagdulot ng kaunting kalituhan sa akin.
"S-Si Jack ba iyong umatake sa'kin?" Hindi makapaniwala kong tanong habang nakahawak sa ulo ko. Parang ang tagal kong tulog kaya nahilo ako pagkabangon ko.
Nadinig kong tumawa si Daia kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya. "I told you to stay, but you still leave. Jack thought that you're just acting everything's up and followed you," paliwanag niya na alam kong may kasunod pa pero natigilan siya.
"A-Ano namang balak niya kung saka-sakaling spy lang ako?" Itinanong ko na para na rin malaman ang kalalagyan ko kung sakaling totoo ang hinala nila.
"He'll kill you," saad niya.
Natigilan ako sa mga narinig. Jack is going to kill me if I really am a spy. Pero hindi. Hindi ako spy at wala akong kinalaman sa away na namamagitan sa wof clan at sa mga kaaway nila.
"Wolves are loyal to their clan. We can sacrifice even our friends for the clan," aniya.
Mariin kong nakumos ang tela damit sa takot. "P-Pero bakit buhay pa ako?" Nakakapagtaka na hanggang ngayon ay buhay ako.
"About that. One of our friend came to visit the same time Jack was about to jump at you," wika niya tsaka tumayo na mula sa pagkakaupo. Kumuha siya ng isang mansanas mula sa lalagyan sa mesa tsaka lumakad papunta sa akin. "Eat this. You haven't eaten anything since last night," sabi niya at inilapit pa sa akin ang mansanas.
"T-Thank you," nag-aalangan kong sabi.
Sino kaya ang sumagip ng buhay ko? Isa ba siyang wolf na may mataas na katungkulan sa clan nila?
"Tell me. Why did you try to leave last night?" Tanong ni Daia tsaka umupo sa tabi ko.
Tinignan ko siya at nakita ang isang napakagandang babae. Mahabang paalon na buhok, at magandang katawan. Ibang-iba siya sa ilang mga shewolf na nakita ko na. Gaya ni Myra na isang half-human.
"Hindi ako gaya ng iniisip niyo maniwala ka. Naramdaman ko lang na hindi ako kabilang sa lugar na ito. Itinapon lang ako dito ng Seth na iyon at gusto ko lang na hanapin ang daan pabalik sa mundo ko. Hindi ko alam kung paano, pero hindi ako pwedeng magtagal dito," paliwanag ko habang nakatitig sa mansanas.
Isa pa, natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag malaman ni ILion na naririto ako sa lugar ng mga wolves na hindi nila kasundo. Nakita ko na siyang pumatay ng mga halimaw na nagbalak na gawan ako ng masama at natatakot ako na magumpisa ito ng gulo. Ayoko din na masangkot sa isang gulo si ILion dahil lang sa kapabayaan ko.
BINABASA MO ANG
A Pure blood's Vow
VampireFormer: Pureblood Lover | I Belong To This Pureblood Vampire Synopsis: Sophia Valderima, a 16 year old girl, while walking home met a mysterious guy who saved him from being harm by a night creature. A scenario under the beautiful crescent moon, whe...