XVIII

171 7 1
                                    



Oct 2 2016


**


A/N:

Before anything else, belated happy birthday sa IBTTPBV na nagumpisa noong August 20, 2015! 


***Unedited***




C O N F E S S I O N






MAGMULA ng salakayin ni Princess Serren at ng kanyang mga alagad ang teritoryo ng Wolf Clan nang walang pahintulot ni ILion bilang hari, ay hindi na ito pinayagan na lumabas ng kanyang sangtwaryo. Nagkaroon sila ng pag-uusap ni ILion, pero sa huli ay wala din siyang nagawa kundi ang sundin ang hari at nakatatanda niyang kapatid.

Matapos naman akong makumbinsi ni ILion na manatali sa tabi niya ay naging mahigpit na siya sa pagbabantay sa akin. Hindi niya ako hinahayaan na lumabas ng silid niya kung hindi kasama si Kurasuma; isa sa mga aid niya.

Wala akong balita kay Theo at Daia dahil nagising na lang ako sa silid ni ILion matapos makabawi ng lakas. Nalaman ko na may isinagawa silang pagpupulong kasama ang pinuno ng mga wolf na si Daia. Sumama si Jack at Earl, pero hindi sila pinahintulutang makasama sa personal na pag-uusap ng pinuno ng magkabilang clan. Mas lalo naman akong napapa-isip sa hindi pagsama sa kanila ni Theo.

"At ngayon naman ay may pagpupulong ang lahat ng nasa pamunuan habang nakakulong pa rin ako dito," nakapangalumbaba kong bulong.

Pinadalhan ako ni ILion ng maraming prutas pero hindi ko naman lahat ito makakain. Kung papayagan niya lang sana ako na maglakad-lakad sa labas ay mawawala talaga itong katamarang nararamdaman ko.

Bumangon ako mula sa pagkakadapa sa higaan at napagdesisyunan na magtingin-tingin na lang na mga gamit sa loob ng silid niya.

"Gawa kaya ito sa ginto?" Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang lagayan ng ilang mga brilyante na dekorasyon sa maliit na parang opisina ni ILion.

Malaki ang silid niya na may dalawa pang silid sa loob nito. Isa na dito ang maliit niyang opisina, habang isang library naman ang natitira pang silid. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang mahilig magbasa si ILion tungkol sa mga clans na nabubuhay sa mundong ito. Isa na nga dito ang mga wolves.

"Woah, may mga faeries din pala at mga dwarves."

Binuksan ko ang isa sa mga ito at nalamang tahimik na naninirahan sa kabundukan ng Ivarah ang mga faeries. Hindi sila mahilig makialam sa away ng ibang clans o mythical beasts dahil mas nais nila ang tahimik na pamumuhay.

"Pero dahil may hawak silang kapangyarihan ng pagpapagaling ay patuloy silang hina-hunt ng mga malalakas na clans," pagbabasa ko. "Wow. May healing powers pala sila, pero nanganganib sila dahil do'n."

Marunong silang lumaban dahil may sarili silang army, pero sadyang mas malalakas ang mga wolves, goblins, and demons. Kaya mas pinili nilang magtago kaysa lumaban. Ibig-sabihin ay mas mahalaga sa kanila ang buhay kaysa ang walang katapusang labanan.

"Pero bakit walang vampires?"

"'Cause we're immortal."

"Wah!"

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon