XV

284 20 4
                                    

Thank you greeting from Me!

First and foremost, I would like to say my great thanks to those readers who added IBTTPBV to their RLs!

Namely:

@duamanmelinde
@jhai_15
@24niczfernandez23
(Thank you for adding my story to your rl: best action book)
@aodelavictoria
@bhezzie18

Salamat sa supporta!

Lastly, pa-welcome po sa mga new followers ko! Yaaaaaan!

Hi to:

@therealfanzx
@akosicarlajam
@AruuNii
@Sung_Eunmi28
@bhezzie18

Sana magtagal pa kayooooo! Char! Thank you sa follow. Message nyo lang ako kung gusto niyo ng makakausap xD

Domou arigatou minnasan! ♥♥

*****
Started: 04-04-2016
Ended: 04-09-2016
published: 04-27-2016

*****



E X I L E D





"Sophia anak, nakita mo na ba ang hinahanap mo?"

"Hindi pa po mama. Dapat po nandito lang 'yon e."

"Kailangan mo ba ng tulong anak?"

"Hindi na po mama. Mahahanap ko din iyon."

Ngumiti siya sa akin, pero hindi ko naman maaninag ang buong mukha niya dahil sa liwanag mula sa kinatatayuan niya.

"Mama..."

"Basta kapag hindi mo pa rin makita tawagin mo lang ako ha."

Tumango ako at muling naghanap.

"Pero ano nga ba ang hinahanap ko?"

Unti-unting sinakop ng liwanag ang paligid hanggang sa maging ako ay sinakop nito.

"....panaginip?"

Sa pag-aakalang na sa sariling silid ay naisipan ko nang bumangon. Ngunit sa akin pagbangon ay may kakaiba akong napansin.

"You're finally awake," aniya ng isang babae na may mahaba at kulot na buhok, at nakasuot ng puting damit na abot hanggang talampakan niya.

"You're--," Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin nang mapansin ko na hindi lang siya ang kasama ko.

Makakapal ang mga balahibo, naglalakihan, at mapupula ang mga mata. Namilog ang mga mata ko at bahagyan napaatras sa nakikita.

"Aahh!" Takot kong sigaw.

"Sshh! Sshh! It's okay...It's okay," ani ng babaeng nakaputi. Lumapit siya sa akin at lumuhod, "Hindi ka namin sasaktan. Ayos lang ang lahat," wika niya sa malambing at mahinhing tinig.

Napapikit ako ng mariin nang ilapit niya sa akin ang kanyang kanang kamay.

"Tama. Kumalma ka lang. Hindi ka namin sasaktan," aniya tsaka ako hinaplos ng kanyang malambot na kamay sa aking ulo.

Pero bakit? Bakit may mga wolves sa apart--

"Huh?" Napaangat ako ng tingin ng may mapagtanto.

Inilibot ko ang aking paningin sa lugar at hindi malaman ang dapat na sabihin nang mapansin na wala ako sa silid ko.

"Na-Nasaan ako?" Magulo ang isipan kong tanong.

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon