Date started: 03-14-2016
Date finished: 03-24-2016
Date published: 04-06-2016**
C L O U D E D
M I N D
"Bring me to him!"
"I can't."
"W-Why?! You're one of his servant. You're a vampire. You can find him right?"
"Young lady," aniya tsaka lumapit sa akin.
"Wha--aah!"
Bigla na lang niyang hinawakan ang kanang braso ko at hinila ito upang mas makita. Sobrang sakit nang ginawa niya na parang pinupunit ang balat ko.
"I suppose you have to explain to me what happened first. What exactly happened between you and His Highness?"
"T...That--ack!"
Napaluhod ako sa sobrang sakit ng braso ko. Nahihilo din ako dahil pakiramdam ko'y umiikot ang paligid. Maaaring dahil ito sa nawalang dugo sa akin, pero hindi ko akalaing sobrang nakakapanghina pala ito.
"Ugh! I-It hurts. It hurts!" Iyak ko habang yakap-yakap ang sarili.
Ang init ng pakiramdam ko. Sobrang init na parang binibilad ako sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
"...I see."
"S-Seth. Bakit? Bakit ang...ang init ng pakiramdam ko?" Parang gusto kong hubarin lahat ng suot ko. Ang init. Sobrang init.
"Come with me," aniya tsaka ako itinayo. "I'll explain to you the reason why, but not here. Also, I have to treat your wound."
"P-Pero si ILion!"
"We will look for the King later."
Hinila niya ako papunta sa isang silid. Nang makapasok ay pinaupo niya ako sa gilid ng isang higaan samantalang nanatili siyang nakatayo sa harapan ko.
"This will be just for a while, but it will help you ease the pain," aniya tsaka pumikit.
Unti-unti ay nagbago ang atmospera sa loob ng silid. Gaya ng una naming pagkikita ay muli kong naramdaman ang kapayapaan sa loob ng silid. Ang sarap sa pakiramdam. Nawala nga ang init at sakit ng braso ko gaya ng sabi niya.
"Now tell me what happened young lady," tanong niya habang inaalalayan akong humiga.
Hindi ko maintindihan, pero hindi ko magawang tumanggi. Dapat ay hinahanap ko si ILion, pero nandito ako at sumusunod sa mga pinapagawa niya.
"Tell me. What happened after the two of you went to the palace."
Gusto ko man na ikwento sa kanya ang mga nangyari ay hindi ko magawa. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at para bang pagod na pagod ako. Ipinikit ko ang mga mata ko sa antok na nararamdaman. Naramdaman ko ang malambot na higaan at tuluyan nang nagpadala sa pagka-antok.
Iminulat ko ang aking mga mata at nalamang wala na ako sa parehong silid na pinagdalhan sa akin ni Seth.
...Seth.
"Si Seth! Nasaan--"
"I'm right here young lady."
Agad kong nilingon ang pinagmulan ng tinig at nakita siyang nakasandal sa pinto. Lumakad siya papunta sa akin at hinipo ang noo ko.
"Nasaan ako? Anong lugar to?" sunod-sunod kong tanong.
"This is my house."
Binalot ng katahimikan ang silid. Hindi ko kasi alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi. Sinabi ba talaga niyang nasa bahay niya kami ngayon?
BINABASA MO ANG
A Pure blood's Vow
VampirFormer: Pureblood Lover | I Belong To This Pureblood Vampire Synopsis: Sophia Valderima, a 16 year old girl, while walking home met a mysterious guy who saved him from being harm by a night creature. A scenario under the beautiful crescent moon, whe...